“Guys! Bihis na daw tayo! Baka unahin ang dancing this time!” Biglaang pag-aanounce ni madam president Jewel habang nasa pintuan pa lang. Isang linggo na ang nagdaan mula noong unang inter-school quiz bee ko.
“Bihis bilis! Two PM daw exactly magsisimula ang program at kailangang makita ‘yung lahat ng members ng group before ibigay number natin," pagdadagdag ni madam president.
Dahil doon ay naging disaster room bigla ang classroom namin. Halos hindi na nagklase ang lahat ng teachers para sa talent showdown ngayon.
Bihis na ang singers na sila Julie, Arvin and Micah. Yep, singer si Arvin. Kasali siya sa solo singing. Habang tinitingnan ko sila, parang gusto kong sumali pero hindi naman ako nag-audition eh.
Nakasuot ang dancers ng black sweat pants tapos, sa girls ay black spaghetti strap na may nakapatong na blue off shoulder top, isang plain dark blue t-shirt naman sa boys. Ang gaganda ng girls, at aaminin ko ulit, maganda si Crestell. Dinadagdagan ko na naman yata insecurity ko dahil sa mga ginagawa ko eh.
“Colleen. Marunong ka ba mag-ipit? Paipit naman oh, ‘yung parang ipit ni Jewel.” Lumapit sa akin si Naomi, isa sa mga dancers na bihis na.
Inipitan ko nga siya. Isang half pony na mataas, tapos may pony tail sa baba. Madami pang ibang dancers ang nagpaipit at kasama ko si Nicole sa mga nagtatali ng buhok.
“Crestell! Kay Colleen ka na lang magpa-ipit. ‘Di pa ako tapos dito kay Jannela oh, ” sabi ni Nicole, habang hawak ang buhok ni Jannela.
Nagulat si Crestell sa mga sinabi ni Nicole. Umirap muna bago tuluyang lumapit sa akin.
Umupo siya doon sa mga inuupuan ng mga iniipitan ko at inabot ang suklay niya. Hindi na ako nagulat noong nahawakan ko ang natural na madulas at bagsak na buhok ni Crestell.
“Ang ganda ng buhok mo, Crestell. Nakakainggit.” Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon.
Nakagugulat lang dahil hindi na siya nagsalita.
“Madaming beses na yang sinabi sa akin but you,”
Napatigil siya saglit. Dahan-dahan ko siyang iniipitan. Sabunutan ko kaya? Pero, grabe ang sama ko naman kapag ginawa ko iyon.
“You sounded sincere,” pagtatapos niya. Napangiti na lang ako sa mga sinabi niya.
I think I misjudged Crestell.Sabi naman kasi ni Grace sa akin dati, mabait si Crestell sa mga piling tao minsan.Kasama na kaya ako sa mga piling taong iyon? Wala lang, kasi close na ako sa halos lahat ng tao dito, sa kanya nalang hindi.
“Galingan mo, chicklet mamaya ha.” bati ni Grace kay Crestell. Oo nga pala, close sila.
“Siyempre. Para sa 'yo, chicklet!” sagot naman ni Crestell. Chicklet daw ang tawagan nila simula first year pa.
Natapos na silang magbihis. Nagdasal nang sama-sama at, pinapapunta na kami sa covered gym ng school kung saan magaganap ang event.
Hindi raw uunahin ang dancing contest. Ang gagawin daw ni Ma’am na emcee ay alternate ang singing at dancing dahil may nabo-bored kapag dirediretsong singing lang.
Nakaaaliw nga naman ang alternate. Isang kakanta, tapos may sasayaw, kanta ulit tapos sayaw.Hindi nga boring panoorin dahil nakagigising ng diwa ang mga cute na elementary students habang sumasayaw. Lalo na ang mga prep students na cute na cute, solo dancing lang sila. Ang elementary at high school ay group dancing naman.
Lalong lumakas ang ingay noong nag-announce na High School level na. Nagwawala na ang mga High School students.
Nagsimula na ang singing sa first year level, tapos dancing, at singing ulit.
BINABASA MO ANG
My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)
Teen FictionMy Firsts with Him Book 1 Meet Colleen, ang sudden quiz bee whiz na may crush(crush nga lang ba?) kay Arvin. Enter Arvin, ang walang dudang matalino't guwapo ngunit misteryosong makakasama ni Colleen sa isang quiz bee na babago sa buhay niya. First...