Pagkauwi ko, hinanda ko na ang sarili ko. Kinakabahan ako habang nagri-ring ang cellphone ko.
Nakadalawang tawag ako bago sagutin ni Dante.
“Hello? Colleen?”
“Hello Dante. I miss you,”
“Hello! Kamusta ang first day? Kamusta ‘yung pinuntahan n'yo?”
Ramdam ko ang tuwa sa boses niya. Busy siguro siya.
“Ayos naman. Pinagdadasal ko na sana umabot kami ng Nationals,”
Buntong-hininga. Paano ko ba ito sasabihin?
“Ahhh. Aabot ‘yan. Pagpe-pray ko rin kayo. Bakit ka nga pala napatawag?”
Eto na, tinanong na niya ako.
“Para sa 'yo, ano ang pinaka-romantic way to say yes?”
Silence.
“Yes? Yes saan? Sinasagot mo na ako?” tanong niyang puno ng duda.
“Kung ayaw mo, eh ‘di wag muna,” biro ko.
Maya-maya’y narinig kong sumigaw sa tuwa si Dante. Natutuwa rin ako sa reaksyon niya.
“Girlfriend ko na si Colleen! Girlfriend ko na si Colleen!” at naririnig kong nagtatalon siya sa kabilang linya.
“Colleen! Colleen! I love you! Pangako ko na gagawin ko ang lahat para sa atin.”
Awwwww. Naakaka-touch naman. That’s why I love this guy.
“Dante, I love you too.”
#
Kaharap naming tatlo si Ma’am Kate. Heto na, ibibigay na ang results. Ang bilis naman, isang linggo palang ang nagdaan.
Inabutan kami ni Ma’am ng tig-iisang envelope.
May letter sa loob, kung ano-ano pa ang sinabi hanggang sa makita ko ang mga katagang “You got a score of 47 out of 100 mind boggling and extremely difficult questions and ranked fourth out of the nine participants of the elimination.”
Natawa ako sa mind boggling and extremely difficult. Extreme nga naman talaga kung extreme ang elimination.
Fourth?
Pasok ako. OMG! Pasok ako! Nationals. Nanlamig ako bigla at ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Masaya na ako kahit reserve lang ako.
Si Arvin kaya?
“Ano? Ano results?” pagtatanong ni Ma’am Kate.
“Ma’am.” Kinakabahan si Arvin. Bakit kaya?
“Ma’am, paano ‘to? Third ako.”
Kitang-kita sa mukha ni Ma’am ang pagkabahala. Lahat na yata ng guro alam ang sitwasyon ni Arvin. Lahat na yata ng tao sa school alam na may upcoming International Quiz Bee si Arvin. Tapos may isa pa siyang quiz bee this coming Saturday at dadagdag pa itong Nationals na Science naman.
Third? Wow.
“Mateo, ikaw?”
“Ma’am. Fourth po,” sagot ko politely.
Nagulat si Ma’am sa sinabi ko and ma'am hugged me. I hugged her back.
“Arvin paano ‘yun?” tanong bigla ni Ma’am pagkatapos akong yakapin. Nagkatiginan kami ni Arvin. Lalaban si Arvin for Science Nationals pero, paano pa itong international level quiz bee niya?
“Score mo Arvin?” tanong ko sa kanya.
“52. Kaw?”
“47.”
“Ahhhh.”
“Ma’am. Score ko po 40. Hindi ako kasama ma’am,” singit ni Andrei.
Masyado kaming nadala sa balitang kasama si Arvin sa Nationals kaya nakalimutan naming nandito si Andrei.
“Ang baba! Ano nangyari sayo Andrei?” dudang tanong ni Arvin. Oo nga, isa siya sa pinakamagaling sa amin. Bakit ganoon?
“Sinadya ko ‘to. Ayaw ko makasama ng nationals. Pressure lang ‘yan.” sabi niya.
Pressure lang ‘yan.
Tama siya, pressure lang ito. Pero, hindi naman ako dapat mabahala kasi reserve lang ako. Hindi sigurado kung lalaban o hindi.
“Anong balak mo Arvin? Ibibigay mo kay Colleen ang chance o lalaban ka?” pagtatanong ni Ma’am Kate kay Arvin.
“Hindi ko po alam Ma’am. Sayang din kasi eh,” malungkot na sagot ni Arvin.
“Oh siya. Balik na kayo sa classroom n'yo. Baka magalit pa teacher n’yo. Mamaya ko kayo kakausapin.”
Bumalik na nga kami sa classroom pagkatapos naming magpaalam kay Ma'am. Nababahala rin ako sa magiging desisyon ni Arvin. Kapag nag-quit siya ako lalaban sa Nationals. Kaya ko ba iyon?
Nag-text ako kay Dante at natuwa rin siya. Sabi niya sayang naman daw. Dapat kinuha ko na iyong third para daw sure na pasok ako. Sinabi ko naman na ayaw ko kasi, pressure lang iyan.
“Na-text mo na boyfriend mo?” biglang tanong ni Arvin.
“Oo eh. Arvin, ano balak mo? Kasi kapag nag-back out ka, ako ang mapupunta ng nationals.” sabi kong worried.
“Gusto mo ba? Sige, magbaback-out nalang ako.”
“Hindi! Hindi ‘yun! Para kasing hindi ko kaya. Tsaka hindi ko na kayo kasama ni Andrei.”
Hindi na kita makakasama, actually.
“Hindi Colleen, kaya mo yan. School natin ang ire-represent mo. Ire-represent mo ang Cavite sa nationals. Hindi pala, buong Region IV-A ire-represent mo! Ayaw mo n’un?”
“Ehhhh, ewan.”
Gusto ko. Gusto ko pero buti sana kung hindi na patapos ang school year ‘di ba? Eh ngayon pa naman kami tinatambakan ng mga gawain. Mahihirap mga major projects namin. Paano na ito?
Dumaan ako sa locker para iwan ang ibang libro ko bago umuwi.
May pink envelope ulit at alam ko na kung kanino galing iyon.
Mahaba ang sulat ni NVR. Nangangamusta, bumati ng Merry Christmas at Happy New Year.
Sa haba ng sulat niya isa ang tumatak sa isip ko.
“May boyfriend ka na pala, hindi naman kita puwedeng pigilan. Nagseselos ako pero anong magagawa ko? Ang duwag-duwag ko yata kaya naunahan niya ako. Siguro nga duwag ako. Handa na sana akong magpakita sayo noong pasko. Nakita ko lang ‘yung boyfriend mo. Nakaka-inis. Naiinis ako sa kanya, hindi ko alam kung bakit. Buti pa siya nakakalapit sayo kahit galing siya sa malayo. Makikilala mo rin ako. Mag-ingat ka lagi Colleen. Nandito parin ako sa paligid, binabantayan ka.”
Noong una, kinikilabutan ako kapag nababasa ko ang mga katagang “binabantayan kita” ni NVR. Ngayon? Nalulungkot ako. Halata namang nasaktan ko siya. Eh kasi, ayaw naman niyang magpakilala. Kahit number niya ayaw niyang ibigay. Ano ang gagawin ko sa kanya ngayon?
BINABASA MO ANG
My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)
Novela JuvenilMy Firsts with Him Book 1 Meet Colleen, ang sudden quiz bee whiz na may crush(crush nga lang ba?) kay Arvin. Enter Arvin, ang walang dudang matalino't guwapo ngunit misteryosong makakasama ni Colleen sa isang quiz bee na babago sa buhay niya. First...