Masaya ang naging date naming ni Dante pagkatapos ng Christmas party. Pero, hindi ko alam kung bakit habang bakasyon ay sumisingit-singit sa isipan ko si Arvin at si NVR. Pakiramdam ko siya iyon eh, pero paano kung mali ako?
Nakapagtataka dahil as early as six AM kami pinapapasok ni Ma’am Kate ngayong first day. Ang bilis ng panahon, 2011 na. Iniiwasan kong maisip si Dante at si NVR habang nasa biyahe kami. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Kasama rin naming ang mga second year na nanalo rin noong Regional quiz bee.
Nagsimulang pumasok ang estudyante ng mga school na nanalo rin sa Regional quiz bee. Sila ang first at second place ng Regionals. Ang isang school ay galing sa Laguna, ang second place daw ay galing din ng Cavite, pero hindi ko alam kung saan sa Cavite. Masuwerte kami dahil nakalusot kami sa third.
Pinatawag daw pala kaming mga school na nanalo at nasa isang classroom kami sa isang public school dito sa Laguna. Medyo matagal ang naging biyahe at medyo nahihilo-hilo pa ako.
Nagsimulang magsalita ang isang matandang teacher.
“Since kayo ang nanalo sa Regionals ng Science Quiz Bee, manggagaling sa inyo ang lalaban para sa Nationals, pero lima ang kukunin namin. Bakit?The other two will be extras.”
Napatingin ako sa mga tao sa paligid ko at seryoso silang lahat na nakikinig.
“The Nationals will be a group competition at take note, Nationals ‘yun. We decided to give you a 100 question exam at kung sino sa inyo ang may highest scores ang mag-u-undergo ng training for the competition.”
Tiningnan ko sina Andrei at Arvin na nakaupo sa malayo. Bakas ko ang gulat sa mga mukha nila, pero wala kaming alam! Wala kaming aral-aral.
“Don’t worry! Sinadya talaga naming biglaan ang elimination na ito. Maghiwa-hiwalay kayo!”
Sumunod kaming lahat sa utos ng guro. Nakatatakot ang boses niya. Mukha siyang terror. Hello, kagagaling lang namin sa Christmas break, tapos ito? Sumakto pang first day ng pasukan itong elimination na ito. Nakaiinis naman!
Siyam lang kaming mga estudyante dahil tatlo ang representative for school. Hmm, kamusta na kaya ang ibang year na nasa ibang classroom?
Isa-isang inabot sa amin ang test paper na 100 nga. Hindi pa multiple choice. No erasures/alterations pa. Grabe!
Skip, skip, skip... Maraming tanong na ang nalagpasan ko. Ang hirap!
Kung papasok ako sa Nationals, kaya ko ba? Ganito ka intense ang mga tanong. Out of this world. Napabuntong-hininga ako at sinubukan kong silipin si Arvin at Andrei na nasa likod.
Bakas din ang hirap sa mga mukha nila, pero seryoso silang sumasagot.
“Miss na taga Saint Claire! Mind your own paper!”
Wew. Nahuli pa ako. Napatingin sa akin si Arvin na nagtataka at ‘yung ibang taga-school, saglit lang akong tinitigan. Buti na lang nagsagot na ulit sila.
Sa kalagitnaan ay sunod-sunod na ang mga nasagutan ko kahit nanghuhula lang ako sa iba. Sinubukan ko rin ang ibang tanong na computation. Ayos lang ito. Kaya ko ito!
Pagabi na nang makauwi kami ng Saint Claire. Traffic kasi sa SLEX. Anim lang kaming mga estudyante dahil Second year level lang din ang nanalo. Himala yata, hindi pa nagte-text si kuya Kurt.
“Uuwi na kayo?” tanong ni Arvin sa amin noong binaba na kami sa school.
“Ako, oo, uuwi na ako. Kayo?” sagot at tanong ni Andrei sa amin. Tumingin si Arvin sa akin na tila naghihintay ng sagot ko.
“Ako? Hindi ko alam.” sagot ko sa kanilang dalawa.
Gusto ko na sanang umuwi para makapagpahinga, pero minsan lang na ganito si kuya. Minsan lang na hindi niya tinatanong kada minuto kung nasaan na ako.
BINABASA MO ANG
My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)
Teen FictionMy Firsts with Him Book 1 Meet Colleen, ang sudden quiz bee whiz na may crush(crush nga lang ba?) kay Arvin. Enter Arvin, ang walang dudang matalino't guwapo ngunit misteryosong makakasama ni Colleen sa isang quiz bee na babago sa buhay niya. First...