23

196 3 2
                                    

“Ladies and Gentlemen! The Prom King and Prom Queen candidates!”

Rumampa na sila. Ang tagal. Puwede bang coronation na lang agad?

Napahikab ako at nakita ko si Arvin. Nakangiti siya sa akin. Alam kasi niyang pareho kaming naghahabol habang dibdiban na naghahanda para sa quiz bee kaya parehas din kaming puyat.

At sa wakas! Sayawan na namin. I admire the cotillion. Sayang hindi kami nakasama ni Arvin dahil nga conflict ang practice sa review namin. I took a lot of pictures especially of kuya and Sachiko.

Ang saya sana kung puwede kong isama si Dante dito sa prom kaya lang...Okay na kaya siya? I’m still worried about him.

Kahit sinabi kong pinagbigyan ko na siya, medyo naiinis pa rin ako sa kanya. Engaged?

Akala ko sa mga tv lang nangyayari ang mga ganoon, in real life rin pala. Pero paano kung alibi lang niya iyon?

Ewan ko ba. I want to those negative thoughts out of my mind.

Kasayaw ko sa ngayon si Eugene. Ang best friend ni Arvin. Ang sweet din niya.

“Kilala mo na ba ‘yung secret admirer mo?” tanong niya sa akin.

“Hindi pa eh, pero he sent me a letter again. Nakalagay ‘I know you will look beautiful tonight, tomorrow, always and everyday.”

“Ahhhh. Lakas ng tama niyang NVR na ‘yan sa 'yo ha, Colleen.” pang-aasar ni Eugene. Alam na yata ng buong klase ang tungkol sa secret admirer ko.

After saying my name, he gestured me to stop dancing. Mukhang pagod na rin siya. Kanina pa ako sinasayaw ng classmates ko. Nakita ko si Arvin na papunta sa akin.

Siyempre, niyaya niya akong sumayaw. Kakaiba ang pakiramdam noong siya na ang kasayaw ko. Tahimik lang kami, swaying to the tune of “Back at One.”

I can hear him singing the song. Ang ganda talaga ng boses niya.

Nakatutuwang isipin na ito ang lalaking kinababaliwan ko noon pa man. Dahil napapakanta siya, hindi ko na rin napigilan ang sarili ko.

“You should start back at one,” sabi ni Arvin. Tila nalulunkot siya noong bitawan niya ang mga katagang iyon.

Nalungkot din ako. Alam ko naman kasi kung sino at ano ang ibig niyang sabihin. Although sinabi kong napagbigyan ko na si Dante, mukhang malabo pa rin kami ngayon.

“I don’t think so. I don’t know. Ang labo namin eh,” sabi ko honestly. Kahit galit pa rin ako kay Dante, nami-miss ko parin siya.

Kanina pa kami nagsasayaw ni Arvin. Hindi ko alam kung gaano na katagal. Fifteen minutes? Thirty minutes? One hour? Nagkataon kasi na magkakasunod na sweet songs ang tinutugtog nila.

“Colleen,”

“Bakit Arvin? May sasabihin ka ba?”

“About sa Nationals. Please, ‘wag mo bitawan ha. Kahit na anong mangyari sa atin,”

Kahit anong mangyari sa atin? What does he mean?

“Ewan, Arvin. I want to do it. I just don’t know if I can handle it,”

“Kaya mo ‘yan ikaw pa!” then he smiled sweetly again. I just smiled back.

I looked into his eyes. I can’t read them. Misteryoso talaga ang mga mata niya, hindi tulad ng mga mata ni Dante na sadyang expressive. Si Arvin na Mr. mysterios-almost-perfect-good-singer-guy ay kanina ko pa kasayaw.

Nawala ang hawak niya sa baiwang ko at napunta ang mga kamay niya sa braso ko. What now?

Hinalikan niya ako.

My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon