Ang hirap maka-recover sa mga pangyayari. Una, hindi kami pasok ng regionals. Major depression at disappointment iyon. Sayang! Sayang talaga! Ang hirap mag move on.
Ikalawa, si Dante. He sends text messages everyday. Hindi flirty pero friendly, na minsan sinasamahan niya ng joke. Siguro gusto niya ako? Ang saya naman niyang ka-text kaya lagi tuloy ubos pera ko dahil sa load.
Ikatlo, nag-away nga kami ni Arvin. Three days na kaming walang pansinan. Gusto kong mag-sorry sa kanya pero natatakot ako kasi baka takbuhan niya ako. Hindi pa naman ako makatiis na may kaaway akong kaibigan. Best friend pa naman.
Nagkakatinginan kami sa classroom pero iwasan din. Parang si Grace at Arvin na hindi parin nagpapansinan.
“May bago tayong sitting arrangement!” announcement ni Ma’am Sandra habang homeroom.
“Bakit ma’am?” tanong ng isa kong kaklase.
“Eh gusto ko eh! Game, tayo!” utos ni Ma’am.
“Tayo kayong lahat. Bago ng'ang seating arrangement eh!” sigaw ni Ma’am. Sumunod na kami sa takot.
Naipon kami sa likod habang hinihintay ang magiging bago naming katabi.
Apat ang laman ng mga upuan per row sa left side, tatlo sa gitna, at apat ulit sa right side. Sana ang upuan namin ay iyong may hiwalay na table at hindi basta desk chair. Gusto kong maka-experience ng ganoon eh.
Ayaw ko sa gitna. Hindi ako makakapagtago ng antok. Binulong ko ang mumunting dasal ko. At sana hindi ko makatabi si Crestell.
Pinaupo ni Ma’am Sandra si Arvin sa front row, sa pinakagitna. Kinabahan ako noong tumingin si Ma’am sa akin. Ibig sabihin ba nito’y itatabi niya ako kay Arvin?
Tinawag niya si Grace at pinatabi sa kanan ni Arvin.
Tama ang hula ko, kay Arvin ako itatabi.
Ang awkward ng pakiramdam na katabi si Arvin. Kita ko rin ang mga reaksyon ng mga kaklase namin. May laman ang kanilang mga tingin.
“Hi Colleen!” bati ni Grace sa akin na nakangiti.
Nag-usap kami na parang walang tao sa gitna namin. Buti nalang! Hindi na si Crestell ang nasa likod ko.
Nag-vibrate ang cell phone ko at na-excite akong basahin. For sure, it’s Dante. I call him Dante. Ayaw ko ng Dan eh, at ayos lang naman sa kanya.
“Colleen. Itago mo ‘yang cellphone mo!” sigaw ni Ma’am Sandra sa akin. Nakalimutan ko tuloy na may teacher sa harap.
“Si Colleen, luma-love life!” pang-aasar ni Grace. Tiningnan ko lang siya ng masama, pabirong tingin tapos tumawa kami.
“Ano ‘ba yan! Kausapin n’yo naman si Arvin oh! Na-O-OP sa inyo eh.” sabi ni Ma’am Sandra sa amin. Nag-react naman ang buong classroom.
Patigasan yata talaga ng mukha ang makatabi si Arvin. Wala talaga siyang pakialam sa amin ni Grace. Wala talagang pansinan.
Nakuwento ko kay Dante sa text na nag-away kami ni Arvin dahil sa ginawa niya. Paulit-ulit namang nagso-sorry si Dante. Wala naman kasi siyang kasalanan. Hindi ko lang din maisip kung saan galing ang temper ni Arvin ng araw na iyon. Siguro sa akin niya nabuntong ang inis at galit ng pagkatalo namin. Sayang eh, sobrang sayang. Pagkatapos ng Math ay vacant at nag-vibrate ang phone ko ng wagas. Pagtingin ko tumatawag si Dante.
“Hello?”
Lumabas ako para sagutin. Nasa tapat ako ng pinto ng classroom.
“Hi ate secret. Kamusta na?” bati niya sa akin. Naiiisp ko tuloy ang mukha niyang nakangiti na halos mawalan na ng mata dahil singkit.
BINABASA MO ANG
My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)
Teen FictionMy Firsts with Him Book 1 Meet Colleen, ang sudden quiz bee whiz na may crush(crush nga lang ba?) kay Arvin. Enter Arvin, ang walang dudang matalino't guwapo ngunit misteryosong makakasama ni Colleen sa isang quiz bee na babago sa buhay niya. First...