20

245 3 0
                                    

Pagkatapos kumain ng hapunan, umakyat ako agad sa kuwarto ko at tinawagan ko si Dan na boyfriend ko.

Yay! It’s Friday!

“Dan, ano sa tingin mo ang bagay na gown sa akin? Ball gown o ‘yung straight lang?”

“Ano ba ‘yung mga ‘yun? Sorry ha hindi ko alam eh.”

Ginagawa ko na ang Geometry homework kohabang kausap siya. Naka-head set naman ako eh.

“Uhmmm. ‘Yung ball gown ‘yung pabilog. ‘Yung parang mga gown ng mga disney princess. Ball gown, as in ball. Tapos ‘yung straight, ayun straight.”

Ang galing ko namang mag-explain. May naintindihin kaya siya sa mga sinabi ko?

“Ahhh. Kahit ano naman d’un sure akong babagay sa 'yo.”

Binola pa ako nito, pero kinikilig ulit ako.

“Dante, punta ka bukas dito sa amin ha. Friday naman ngayon eh.”

Silence.

Hay, sana naman puwede siya bukas.

“Uhmm. Sige, Colleen. Try kong magpaalam. Nagagalit na kasi si mama sa akin eh. Lagi na lang daw akong wala sa bahay,” sabi niya.

Isipin mo, lagi nga siyang nasa Bacoor dahil sa akin. Malayo na rin ‘yun para sa akin. Gusto ko nang matulog pero may homework pa ako. Gusto ko na siyang matapos para wala na akong problema sa weekend. Para free ako!

“Colleen, matulog ka na kaya. Antok ka na oh.” Narinig pala niya ang hikab ko.

“Sige, Dan. Try kong makatulog. Kapag iniisip kita lalo akong hindi nakatutulog eh,”

“Ngeee. Bakit naman? Ikaw ha. Mesmerized ka na naman ba dahil sa akin?”

“Yabang mo talaga. Hindi, nasusuka na ako sa mukha mo,”

Silence.

Bad joke yata iyon, Colleen.

“Sa mukha kong ito, masuka ka? If I know, patay na patay ka sa mukhang ‘to!” sabi niyang pambalik ng biro.

“Hahahaha. Ikaw talaga. Oo na po. Hoy, sleep na ako. Seryoso.”

“Hehe. Sige, bye, my loves.”

My loves? Bagong tawagan?

“My loves?”

Kinikilig na naman ako.

“Oo. Ayaw mo, bhek?”

“Hindi! Okay nga eh. Ang corny lang,” sabi ko. Totoo naman eh, ang corny.

“Sige na nga. Tulog ka na, napupuyat ka na naman dahil sa akin eh,”

“Okay lang, Dan. Saturday naman bukas eh,”

Napahikab ulit ako. Hindi ko mapigilan eh.

“Sige na, sleep na baby ko. Baka dumating ako bukas tulog ka pa.”

Baby ko? Tulog pa ako?

“Maaga kang pupunta bukas?” tanong ko, well hindi ko natago ang excitement ko.

“Siyempre. Para makasama kita nang mas mahaba. Sleep na!”

He raised his voice and I take it as a sign. I need to end this call pero...ayaw ko pa.

“Ehhh. Gusto pa kitang makausap,”

Weh, landi mo, Colleen.

“Bukas na. You have me all day,”

My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon