Nakatayo ako sa gate, hinihintay si Kurt, este si kuya. Ang tagal naman ng lokong iyon. Saan pa ba siya nagpunta? Fourth year na si kuya at ako ay third year high school pa lang. Parehong nasa abroad parents namin kaya kaming dalawa lang ang nasa bahay.
“Colleen, gabi na ah. Bakit hindi ka pa umuuwi?”
Paglingon ko sa likod ko, si Arvin kasama ang kanyang girlfriend.
“Hinihintay ko ang kuya ko. Kayo, bakit hindi pa kayo umuuwi?”
Huwag ka munang umuwi, Arvin, sa akin ka na lang.
“May date pa kasi kami ni Arvin. We’re going to celebrate. Sayang, kasi dapat ako ‘yung champion eh, hindi ikaw.” madiin na sagot ni Crestell.
Badtrip talaga itong babaeng ito. Pasalamat siya may manners na naturo sa akin kung ‘di kanina ko pa nasayad sa sahig ang nguso niya.
“Ahhhh. Gan’un ba sige. Mag-enjoy kayo sa date n’yo ha. Mauuna na ako. Baka kasi makabangga pa ako ng bruha sa daan,” sabi ko sabay ngiti.
Araw ko ngayon. Grabe, nagiging masama na yata ako.
“Sige, mag-ingat ka. Baka hindi ‘yung bruha sumugod sa 'yo sa susunod. Baka ako na.” sumagot ulit si Crestell.
Ano ito? Telenobela? Hindi yata alam ni Crestell na siya ang bruhang tinutukoy ko.
“Crestell!” sigaw ni Arvin. Hudyat na ‘yun para patahimikin si Crestell. Ano ba ang problema niya sa akin? Porke ba ako ang nanalo ngayon, kaiinisan na naman niya ako?Mula kasi noong lumipat ako sa school nila kuya Kurt, nakabanga ko na iyang si Crestell. Hindi naman kami nag-aaway. Ramdam na ramdam ko lang na mainit ang dugo niya sa akin. Buti na lang last day na ng mga quiz bee ngayon. Yes! Wala na akong problema!
#
“Bakit ka late umuwi?” bati ni kuya sa akin pagdating ko ng bahay.
“Hinihintay kita. ‘Yun pala umuwi ka na!” sagot kong pasigaw sa kanya. Kapal din nito eh. Sabi niya, sabay kaming uuwi.
“Kamusta? Nakausap mo na ba si papa Arvin?”
Napatigil ako sa mga sinabi ni kuya. Yuck! Tunog bakla!
“Ano’ng sabi mo?”
“Ang sabi ko, nakausap mo ba kanina si papa Arvin? Nakita ko na nag-shake hands pa kayo eh.”
Kanina? Oo! Mamamatay na nga ako sa kilig eh.
“Ahhh. Wala ‘yun. Alam mo namang nandoon ‘yung girlfriend niya eh.” sagot ko.
“Kung makapagsalita ka, pero alam ko namang kapag mag-isa ka lang, wala kang bukambibig kung ‘di papa Arvin! papa Arvin!” panloloko ni kuya habang yakap-yakap ang malaking teddy bear ko.Iyong teddy bear na binigay ni Dan. Si Dan ay best friend ko sa dati kong school.
“Kuya akin na nga yan! Dinudumihan mo eh!”
“Hoy, bruha ka! Kapal mo ha! Akala mo kung sino kang malinis!” ganti ni kuya.
“Bakit, ikaw nga mabaho eh!” sagot ko naman sa kanya at inagaw ko iyong teddy bear.
Sinubukan niya ulit kunin sa akin kaya mukha tuloy kaming mga batang naghahabulan dito sa loob ng bahay.
“Hoy, bakla, akin na yan!” bulalas ko habang hinahabol ang luko-loko kong kuya. May pagka bading ang kapatid ko. Sabihin na lang nating transgender. Teka ano ba iyon? Iyon ang tawag niya sa sarili niya eh.
BINABASA MO ANG
My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)
Teen FictionMy Firsts with Him Book 1 Meet Colleen, ang sudden quiz bee whiz na may crush(crush nga lang ba?) kay Arvin. Enter Arvin, ang walang dudang matalino't guwapo ngunit misteryosong makakasama ni Colleen sa isang quiz bee na babago sa buhay niya. First...