Naaaliw ako sa mga nakikita ko habang naglalakad-lakad ako.Nagtataka ako sa mga bilog sa sahig, sulat ito ng chalk. Napatapak ako sa isa, sa jail booth daw nila iyon kaya dinala ako doon sa “jail” nila.
Marami ring taga ibang school na nabiktima ng mga “dead spot” nila. Dinala ako sa isang room na madami nang laman. May mga bantay tapos malaki ang glass window kaya paniguradong kita kaming mga nasa loob. May mga nagsesenyasan na parang “Ilabas mo ako dito!”
Ako, walang makasenyasan; sana naman dumaan ang isa sa mga ka-school ko dito oh. Sabi nila fifteen pesos daw para makalabas ako. Kukuha na sana ako ng pera, pero anak ng tinapay, na kay kuya Kurt ko nga pala ang mahiwagang coin purse ko. Nagpatago siya ng pera kanina tapos kinuha niya pati coin purse. Ite-text ko na sana ang isa sa mga kaklase ko, pero lowbat na ang lola. Ang saya-saya!
Ano ang gagawin ko? Hindi ako makalabas. Hindi naman sila brutal, pero ‘ika nga nila, huwag na raw kami kill joy dahil wala raw silang kinikita. Parte rin daw ng activity ng booth nila na magposas ng lovers tapos dinediretso nila sa Marriage booth. Sila rin ang may hawak ng chain booth. Sa nakikita ko, benta ang chain booth nila. Dito sa loob ng room ay maraming tao, sa labas ay nandoon ang table nila for chain booth.
Sino kaya ang puwedeng ipa-chain? Ako at si Arvin!Joke lang. Iyong magbestfriend! Kaya lang hindi pa ako makalalabas dito eh. Ang malas ko nga naman oh!
“Hi ate. Kasama ka ‘dun sa umabot sa finals kanina?” tanong ng isang “guard” ng jail booth. In fairness! Cute siya. Maputi at singkit ang kanyang mga mata at killer smile siya.
“Opo. Sayang nga eh. One point na lang, third na sana kami,” sagot ko sabay smile sa kanya. Hawak ko na naman ang jacket ni Arvin. Iwanan daw ba kasi sa upuan kanina eh. Sinuot ko ang jacket niya. Ang lamig kasi dito sa classroom eh. Ang taray ng jail booth na ito! Airconed!
“Ang ganda naman ng jacket mo. Panglalaki ‘yan ha. Sa boyfriend mo?” tanong niya bigla.
“Eto? Hindi! Sa....sa best friend ko.”
Ang hirap sabihin na best friend.
“Ahhh. Tomboy best friend mo?”
“Hindi, lalaki.” Hindi ko maitago ang gulat dahil parang ayaw niyang maniwalang lalaki ang best friend ko.
“’Di ba kapag best friend na lalaki at babae,” napatigil siya habang nakatingin sa akin.
“Ay sorry. Wala lang. Best friends lang talaga kayo? No feelings?” sabi ni kuya. Ang lakas magtanong, close ba kami?
“Uhmmmmmm. Wala eh.”
“Weh?”
Huli.
Wala na, napahiya ako. Wala akong masabi.
“Joke lang ate, sorry.” sabi niya sabay smile. Kinantyawan naman siya ng nagdala sa akin dito sa jail na de aircon. Nakatutuwa ang mga guards kasi dinadaldal nila ang mga naka-jail lalo na pag galing ng ibang school.
“Ate, crush ka niyan oh!” sabi ng nagdala sa akin dito.
“Hindi ah. ‘Wag ganyan tol.” sabi ni singkit.
“May girlfriend ka na ate?” tanong ni singkit sa akin.
“Girlfriend?”
“Ay, mali! Boyfriend pala!” sabi niya at nagkamot ng ulo. Natutuwa naman ako sa kanya.
“Wala po, ano po name n’yo?” tanong ko.
“Dan po, ate.” sagot niya sabay smile ulit. May bago na yata akong crush. Ang bilis lang?
BINABASA MO ANG
My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)
Teen FictionMy Firsts with Him Book 1 Meet Colleen, ang sudden quiz bee whiz na may crush(crush nga lang ba?) kay Arvin. Enter Arvin, ang walang dudang matalino't guwapo ngunit misteryosong makakasama ni Colleen sa isang quiz bee na babago sa buhay niya. First...