Naging mabilis ang takbo ng mga araw. Ginaganap daw ang Inter-school quiz bee sa Provincial Capitol ng Trece Martires. Kalaban namin ang buong Cavite. Sabi ni Grace, all private schools daw ang kalaban namin at nasa estimate na forty schools ang kasali. Grabe ha. Kaya ko ba ito? Ako lang ang baguhan dito eh.
Si Arvin at Grace, mula first year pa yata ito ginagawa.
Nag-freak out ako noong nalaman ko na may written examination pa pala kaming pagdadaanan. After the written examination comes the ranking of the the top ten. Kailangan naming makapasok sa top ten out of forty schools na ito, forty-six daw ang exact number ng participating schools. Kinakabahan talaga ako.
Paano makukuha ang scores ng top ten? Iyon daw ay average scores naming tatlo sa written examination. Sana naman hindi ako maging panira dahil I feel so small beside them. First time ko talaga ito sa isang malaking quiz bee.
Isa siyang gymnasium na malaki, iyong tipong mala Araneta ang venue. Properly ventilated, maganda at bago pa ang gym na ito. May stage sa harap na may malaking taurpaulin na "Environmental Science Quiz" ang nakalagay. Sa court mismo ay mga elementary ang nagsasagot at kaming mga high school ay sa benches nagsasagot. Parang naging isang malaking classroom ang lugar na ito dahil ang daming table ng mga batang nagsasagot at ang daming proctor na paikot-ikot. Nanghuhuli sila ng mga nangongopya.
Dito sa lugar namin, hindi na kailangan maghanap. Wala naman kasing magpapakopya sa iyo. Grabe dahil todo takip ang mga katabi ko. Bawal daw magtabi ang magkaka-school kaya ang nangyari, nasa baba ko si Grace at nasa taas ko si Arvin. Ideya iyan ni Arvin na magkakaiba kami ng level ng uupuan para raw kita ko sagot ni Grace, at makita niya ang sagot ko.
May point nga naman siya, pero kapag sumusulyap ako sa sagot ni Grace, alis tingin agad. Babawiin daw kasi ang papel kapag nahuling nangopya, in short goodbye!
Puro bilog ang answer sheet tapos pencil lang and puwedeng ipang sagot. Bawal daw lumagpas ang shade sa bilog dahil machine ang magche-check. Nahirapan akong magsagot noong una, pero ginawa ko nalang na patungan iyong Encyclopedia ng school(may silbi din pala, bukod sa babasahin).
Marami-rami na ang nagtatayuan noong nasa number seventy-eight pa lang ako. Ang saya-saya ng one hundrer items na nakasisindak ang laman ng written examination. Karamihan naman ay alam ko. Kapag medyo alanganin ako, sulyap sa baba sabay alis ng mata dahil takot akong mahuli. May fifteen minutes pa naman ako para magsagot kaya susulitin ko na ito. Halos magkaparehas kami ng number ni Grace na sinasagutan at sumilip ako sa itaas ko.
Ang guwapo ni Arvin kapag sumasagot ng seryoso. Naku, Colleen! May exam oh! Sagot muna!
Kasabay namin ang Interpretative dancers. Habang hinihintay daw ang results ng top ten ay contest proper na ng mga dancers. Excited na akong makita sila. “Masdan ang Kapaligiran” ang sasayawin nila dahil Environmental awareness daw ang punto ng mga kaganapang ito.
Aaminin ko, ang ganda ni Crestell sa costume nila dahil siya si Inang Kalikasan. She’s wearing a fairy-like costume. Black body stocking ang costume ng ibang Saint Claire Academy dancers, tapos parang palda ng mga fairy? Shade ng black at gray ang palda nila(kasi polluted daw) tapos iyong iba, skin tone body stocking at green ang palda(sila naman daw iyong mga halaman). Lamang na lamang ang SCA sa ganda ng props.
Nag-enjoy naman akong panoorin iyong mga naunang sumayaw. Hindi ako dancer, pero kahit papaano ay na-appreciate ko kung ano ang interpretative dance.
Ayan na, sila na! Kinabahan ako noong pinapanood ko sila. Siguro kasi, gusto kong manalo sila. Balita ko, maraming buhatan ang performance nila eh.
Dapat ba akong mainggit kay Crestell? Ang galing niya sumayaw. Ang maganda at matalino pa, tapos girlfriend pa ni Arvin.
Breathe taking ang performance nila. Ang ganda. Sigurado akong mananalo sila.
BINABASA MO ANG
My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)
Fiksi RemajaMy Firsts with Him Book 1 Meet Colleen, ang sudden quiz bee whiz na may crush(crush nga lang ba?) kay Arvin. Enter Arvin, ang walang dudang matalino't guwapo ngunit misteryosong makakasama ni Colleen sa isang quiz bee na babago sa buhay niya. First...