Boyle’s Law, Charle’s Law, Gay-Lussac’s Law, Avogadro’s Law…
Bumabagsak na ang mga mata ko. Inaantok na ako pero parang kulang padin ang pinag-aralan ko.
Bukas na ang quiz bee namin sa Chemistry. Kasali ako at twelve kaming maglalaban-laban. Ayaw kong mapahiya bukas, gusto ko ay may masagot ako at kung puwede sana, manalo na rin.
“Tama na aral, Leen. Baka masobrahan ka,” sabi ni kuya habang nakasilip sa pinto ng kuwarto ko.
“Paki mo ba? Eh sa gusto kong manalo bukas.” sagot ko kay kuya Kurt.
“Oo na, mananalo ka na! Sige, matulog ka na. Wala akong balak gisingin ka bukas!”
Tuluyan na siyang lumabas at binalibag pa ang pinto ng kuwarto ko. Ayos na kuya nga naman oh.
Sana ay tamaan ako ng suwerte bukas.Kinakabahan talaga ako, first time ko pa naman. Maririnig ko kaya ang pangalang Colleen S. Mateo sa winners bukas? Sana nga, sana manalo ako pero kalaban ko si Arvin eh. Napakagaling ni Arvin, halimaw siya sa talino.
Naisip ko na naman siya. Ganoon ba talaga kapag crush mo ang isang tao? Palagi nalang sumasanggi sa isipan mo?
Sapat na kaya ang mga formulang kinabisado ko para bukas? Paano kaya kung puro computations ang itanong nila? Mahina pa naman ako doon. Bahala na nga bukas. Basta, matutulog na ako. Nag-aral naman ako eh.
#
“Numbers one, seven and eleven will compete for the clincher round,” sabi ng quiz master.Teka, number eleven? Ako iyon ah. Tsaka tatlo ang maglalaban-laban sa clincher round.
Ibig sabihin, kahit matalo ako sa round na ito, third place na ako. Yes!
Tatlong tanong na ang nagdaan, wala pa rin sa amin ni Arvin at Crestell ang nakasasagot. Kalaban ko ang top one at top two ng klase.Ano ang laban ko sa kanila?
Tinitigan ko na lang ang maliit na whiteboard na nasa harap ko. Gumawa ako ng mga tuldok gamit ang whiteboard marker habang pinagmamasdan ang mga tao na nakasilip sa malaking bintana. Gumagapang ang lamig mula sa mga paa ko papunta sa mga daliri ko. Kinakabahan talaga ako.
Binura ko ulit iyong mga tuldok. Baka sabihin nilang nandadaya ako. Wala na nga akong masagot.
Tinitigan ko ulit ang paligid. Walang tao ang mga upuan na kanina ay inuupuan din ng mga kalaban ko. Kaming tatlo lang ang nandito sa battlefield. Kailan ka pa ba matatapos? Third place na ako. Third place na.
“This is a do or die question. I will not say go anymore. Paunahan na lang ang labanan dito. Kung sino ang unang makasagot nang tama ang magiging champion,” sabi ni Sir Beno, ang quiz master.
I’ll try my best to answer this question. This is a great chance. I won’t miss this.
“This states that the volume of a gas varies inversely with the pressure exerted upon it provided the temperature remains constant.”
Volume, pressure, temperature constant…
Sana tama ang nasa isip ko.
Dug dug…dug dug…
Walang hiyang puso ito, ayaw manahimik. Nanginginig pa ako noong sinulat ko ang mga katagang “Boyle’s law” sa whiteboard at dali-daliang tinaas.
“Number eleven got the correct answer. Mayroon na tayong champion!” sabi ng quiz master.
Champion? Champion ako. Wow.First place!
Nakita kong nagpapalakpakan ang mga kaklase kong nasa likod, pati sila kuya at ang mga kaklase niyang nanonood mula sa bintana ng classroom na ito ng nursery. Malaki ang classroom ng nursery kaya dito ginaganap ang mga quiz bee. Malaki rin ang bintana kaya madaling makita ang mga tao sa loob. Hinintay kong matapos ang contest. First ako, second si Crestell at third si Arvin.
Masaya akong sinalubong ng mga kaklase ko palabas at sunod-sunod ang pagbati nila sa akin.
“Crestell, congrats,” sabi ko sabay ngiti sa kasintahan ni Arvin.
“You’re lucky today. Naunahan mo akong magtaas ng board. Congrats na lang din.” sagot niya.
Tumalikod siya at sumunod ang mahaba at magandang buhok niya. Naglakad palayo na parang model. Hindi mo na yata maaalis sa kanya ang ganyang asta.Nagsabi na rin ako ng “congrats” ko kay Arvin. Nag-shake hands kami at nginitian din niya ako.
“Hey, babe. Tara na, gutom na ako,” pagyayaya ni Crestell kay Arvin. Kumapit siya sa kaliwang braso ni Arvin habang nakahawak pa rin ako sa kanang kamay niya. Okay na sana, pero may epal eh. Ang bilis niya ha. Kanina naglalakad na iyan palayo sa akin eh.
Bakit parang ayaw bitawan ni Arvin ang kamay ko? O ako iyong ayaw bumitaw?
Bakit parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko noong nahawakan ko ang kamay niya?
Dug dug…dug dug..
Parang drums na naman ang puso ko.
Hay Arvin, Arvin, Arvin.
Sana tumigil ang oras noong nginitian ako ni Arvin.Kung may taong perfect, si Arvin na siguro iyon. Siguro noong nagpasabog si God ng kaguwapuhan at katalinuhan, sinalo lahat ni Arvin.
Bakit kasi ganoon? Hindi ko mapigilang kabahan at kiligin kapag papalapit siya. Pilit kong hindi pinapahalata.Kung hindi lang kasi niya girlfriend si Crestell eh.
BINABASA MO ANG
My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)
Teen FictionMy Firsts with Him Book 1 Meet Colleen, ang sudden quiz bee whiz na may crush(crush nga lang ba?) kay Arvin. Enter Arvin, ang walang dudang matalino't guwapo ngunit misteryosong makakasama ni Colleen sa isang quiz bee na babago sa buhay niya. First...