“Colleen, Colleen, gising na. Kumain ka na para makainom ka ulit ng gamot.”
Ginigising ako ni kuya.
Iba na ang kayakap ko pagkamulat ko ng mga mata ko. Isang teddy bear na naka-light green dress. May papel na nakatupi at nakasulat ang katagang “Sorry.”
Sulat ni Dante. Wala na nga, break na kami.
I hugged the teddy bear. Naamoy ko ang pabango ni Dante at hindi ko napigilang umiyak.
Sinusubukan ni kuya na pagaanin ang loob ko at pinilit niya akong kumain ng niluto niyang lugaw.
Mas mabuti na ang pakiramdam ko ngayon kaysa kagabi, pero ang sakit-sakit padin ng puso ko. Akala ko noon, over-acting lang ang mga naiiwan ng boyfriend nila. Iyon pala, masakit talaga.
Umalis na si kuya dahil graduation practice daw nila. I looked at the calendar. Sa March 20 ang graduation rights nila at March 19 naman daw ang recognition namin.
Naalala ko iyong nangyari noong March 16, we won third place. I feel very good but yesterday Dante broke up with me. I will never forget that date which is March 17, 2011.
May nakita akong envelope sa study table ko. NVR ang nakalagay sa envelope. Galing kay NVR?
“Colleen, if you want to know me. Just follow the signs.” sabi ng letter niya.
Tumingin ako sa paligid ng kuwarto ko. May mga pink arrows sa sahig. Sa loob ng evelope niya ay may isang light pink na heart at may nakasulat na:
"You made me accept my mistakes and the mistakes of others."
Nagpalit ako ng damit. Nagpalit ako ng pang-alis, kung ano nalang ang makuha ko.
Dinala ako sa baba ng arrows ni NVR. Paglabas ko ng gate, may nakapatong na isang bato sa pink na envelope tapos surrounded with petals na halatang hinangin. I opened the envelope.
May nakalagay na patungkol sa pinakamalapit na tambayan ng SCA students.
May bagot siyang note na nakasulat ulit sa pink na heart: "Your smile brightens up my day."
Sabi ni NVR sa letter niya, sagutan ko lang daw ang mga tanong at riddle niya para makilala ko kung sino siya. Alam niyang kaya ko raw ito kasi may tiwala siya sa akin.
Tambayan ng SCA stuents? 7-11 ang sagot.
Pumunta nga ako ng 7-11. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko.
Pero nandito na rin lang ako eh, itutuloy ko na.
Pagkapasok ko, may tatlong pulang pusong nakadikit sa pahabang table na lagi naming puwesto ni kuya Kurt.
Sa gitna, nandoon ang tanong ni NVR. Doon sa isang puso, isang two stanza poem na dedicated para sa akin ang nakasulat. Sa last heart ay nakasulat ang mga katagang:
“Masaya akong kasama ka sa lahat ng oras.”
Isang pamilyar na handwriting ang napansin ko.
“Kayo po ba si Ma’am Colleen?” tanong ni kuya na crew dito sa akin.
“Bakit po?”
“Pinabibigay po ito ni Sir NVR.”
Inabot sa akin ni kuya ang isang bouquet of roses na pinagsamang red at white.
Bakit red and white? Passion and purity? Iyon ang meaning n’un, ‘di ba?
Papuntang school ang sunod na lugar. Ano ba ang gusto ni NVR? Pinapahirapan niya ako eh. Ang sunod kasing sagot sa tanong niya, ay ang lugar kung saan siya lagi naglalagay ng letters niya. Kaya pala naisipan kong dalhin ang school ID ko, dahil pupunta rin pala ako ng school.
BINABASA MO ANG
My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)
Teen FictionMy Firsts with Him Book 1 Meet Colleen, ang sudden quiz bee whiz na may crush(crush nga lang ba?) kay Arvin. Enter Arvin, ang walang dudang matalino't guwapo ngunit misteryosong makakasama ni Colleen sa isang quiz bee na babago sa buhay niya. First...