14

214 4 0
                                    

“Aba, si Colleen, ngiting-ngiti. Ano’ng mayroon?” pang-welcome na tanong ni kuya Kurt sa akin.

“Uhmmm. Someone surprised me,” sabi ko. Tila hindi ko maalis ang ngiti sa mga labi ko.

Permanent na yata ito. Eh kasi!!! Paano ba akong hindi kikiligin? Natatawa kasi ako sa text ni Dan, I mean si Dante. Nasasanay na akong Dan din ang itawag sa kanya.

“Sino? Si NVR? Si Arvin?”

“Si Dante!” sabi ko. Nagulat si kuya sa mga sinabi ko. Nanunuod siya ng tv habang hawak ang isang libro. Multi-tasking ang peg?

“Dante? ‘Yung taga Dasma?” tanong niyang hindi makapaniwala.

Tumango ako at hindi parin maalis ngiti sa mga labi ko.

“Galing kang 7-11? Bakit hindi ka umuwi agad? Pinag-aalala mo ako.” and here’s the unending “kuya” questions.

“Pumunta ulit si Dante sa school tapos tumambay muna kami 7-11.”

Moment of silence.

Hinintay kong ma-absorb ni kuya mga sinabi ko. Mas maaga nga pala ang dismissal nila kaysa sa amin kaya kanina pa siya nakauwi. Hininaan niya ang tv bago muli nagsalita. Medyo tumaas kilay niya d’un sa salitang “ulit”.

“Wow! Taaraaaay! Pinuntahan ka sa school natin? Ulit?” tanong niyang hindi makapaniwala.

“Oo! Kuya! Kahit ako hindi makapaniwala! Grabe as in sobrang kinikilig ako kanina!”

Oops. Nadulas din.

“Si Colleeeeeeen! Sa wakas may love life na!” sabi ni kuya habang yakap-yakap ako. Weird.

“Kuya ok ka lang? Pinuntahan lang niya ako...tsaka,”

Hmmm. Love life? Oo nga pala, he asked me kung puwede daw ba manligaw dati. Ang gulo rin ng sagot ko eh. Sinabi ko rin ang tunkol doon kay kuya.

“Kung tatanungin mo ako kung ok siya akin? Sige lang, papayagan ko siyang manligaw sa 'yo pero sa isang kondisyon,” sabi bigla ni kuya nang seryoso.

“Kailangan dito siya sa bahay natin manliligaw. Naintindihan mo ba ‘yun, Colleen?”

Dito sa bahay? Siguro kaya naman ni Dante ‘yun. Nakaya nga niya pumunta sa school ko eh. Teka wait, papayagan ko na ba siyang manligaw sa akin?

“Sir, yes sir!” sagot ko sa kanya, at kunwari ay sumaludo ako.

“Isa pa Colleen, gusto ko ma-meet ‘yang lalaking ‘yan.” sabi ni kuya na seryoso ulit.

Paano iyon? Hindi ko nga alam kung kailan ulit kami magkikita eh.

Pagkaaakyat ko papunta sa kwarto ko, nag-Facebook muna ako sa pc na nilagay sa kuwarto ko. Nagulat ako dahil may biglang nag-message sa akin.

Si daddy.

Nasabi ko na ba na seperated sila ng mom ko? Mahabang storya kaya nga kami lang ni kuya Kurt sa bahay eh.

Hanggang padala lang ginagawa nila, si mama lagi naming nakaka-chat pero si daddy? Ewan.

Kinakamusta niya ako, hindi ko alam kung dapat ba akong magreply o ano.

Medyo malayo kasi ang loob ko sa dad ko, mas pinapaburan niya si kuya kaysa sa akin tsaka lagi nalang sila nag-aaway ni mama.

Well, don’t mind my drama. Bumaba ako para sabihin kay kuya na nag-pm nga si daddy sa akin.

“Ano’ng sabi mo?” tanong ni kuya.

“Wala. Hindi ko sinagot. Ano ba’ng dapat sasabihin ko?”

“Bakit ‘di mo sinagot? Galit ka parin ba kay daddy?” tanong ni kuya.

“Ewan ko. Basta wala ako sa mood maka-chat siya. I think, I still hate him.” sasabi ko.

Ang sama-sama ko sigurong anak, pero galit ako sa kanya eh.

“Colleen...Dad’s reaching out for you. Bakit ganyan ka?”

“Kung kailan hindi ko na siya kailangan? Ayos.”

“Leen, don’t be like that. Malay mo magkaayos-ayos na tayo as a family.” sabi ni kuya. Hindi ko alam kung saan galing ang optimism na iyan pero ako, hindi na ako umaasa.

“Hindi na ako umaasa kuya,” sabi ko habang paakyat na ulit.

“Bakit hindi? Hindi porket nasira pamilya natin, sira na forever. Ayaw mo ba tayo mabuo?”

Hindi ko alam sasabihin ko kay kuya. Mabuo? Kailan? Paano? Saan? Tsaka possible pa ba?

Eh balitang may babae na ang dad ko. Ayos ‘di ba? Lokohan nalang ang nangyayari eh.

“Tumawag si daddy kanina noong nasa taas ka. Sinabi kong may nagbabalak manligaw sayo,”

“Oh tapos?” sabi ko sarcastically, like dad even cares! Naglakad ako papunta sa stairs.

“Wala, sabi niya tingnan ko daw kung mapagkakatiwalaan si Dante tapos,”

“Tapos ano?” I can’t help to sound sarcastic. Tumigil ako habang nasa hagdanan, hinihintay ang mga sasabihin ni kuya.

“Colleen. What hinders you to enter relationships?”

“Ano ‘to change topic? Agad-agad? Gan’un?”

Wala na yatang preno ang bibig ko. Ang gulo niya kasi kausap eh.

“Kasi, hindi ka naman ganyan dati. You are so friendly, madami kang manliligaw ‘di ba? Ano’ng nangyari at bigla ka nalang naging loner, simula noong lumipat ka ng SCA?”

“Hindi naman ako loner ah!” protesta ko sa kanya.

Nagbuntong-hininga si kuya, at tumitig lang sa akin. Umakyat ako, mag-aaral na nga lang ako.

My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon