INTRODUCTION

563 21 2
                                    

TINO

   " Elias huwag mo namang bilisan ang paglakad at baka hindi kita maabutan! " sigaw ko sa lalaking kasama.Kasalukuyan kaming pababa ng talampas,naghahanap kami ng mga halamang-gamot.Sa halip na sundin ako nito'y naramdaman ko na mas binilisan pa nito ang mga hakbang habang mahinang humahagikhik.Wala na rin naman akong nagawa kung hindi ang mapatawa na lang habang binabagtas ang daan kaagapay ang aking tungkod.

Ilang taon na ba ang lumipas magmula nang matapos ang labang iyon?.

Isa...

Dalawa...

O limang taon na?.Tama limang taon na nga ang nakararaan nang matapos ang labang iyon.Subalit dito sa aking isipan,malinaw pa rin ang lahat ng eksena.Ano ba ang nangyari matapos kong makalaban ang mga Dyos.Ang totoo niya'y hindi ko batid kung kami ba ang nagwagi sa labang iyon o ang organisasyon,sa aking hinuha'y kami ang nagwagi sapagkat buhay pa rin naman ako't maging si Elias at Mira.Nangangahulugan lamang na kami ang nagwagi.

Kung mayroon mang nagbago matapos ang nasabing labanan,iyon ay ang pagkawala ng aking mga mata.Ang ibig kong sabihin ay ang aking paningin.Isang araw,nagising na lamang akong wala nang maaninag na kahit kakarampot na liwanag.Tanging ang pagbalot lamang ng kadiliman ang araw-araw na bumubungad sa akin.Noong una'y napakahirap tanggapin sapagkat pakiramdam ko'y wala na akong silbi subalit naglao'y unti-unti ko nang natanggap.Kung ito man ang kahulugan ng pagiging malaya,buong puso ko itong tatanggapin.

" aaaww " daing ko nang maramdaman ang mahinang pagtampal sa aking noo.

" ano na naman ang iniisip mo? " usisa ni Elias.Hindi ko man lang namalayan na tumigil pala ito sa paglalakad.

" iniisip ko kung paano kita magagantihan " pagbibiro ko.Tanggap ko na ang lahat na nangyari sa akin.Mula sa pagkawala ni Tiyo at ni Troy,lahat ng iyon ay tanggap ko na pero mananatili pa rin sila sa aking puso habang-buhay.Masaklap ang naging wakas ko?,sa totoo niyan,hindi.Masaya ako.Napakasaya ko.

" tayo na " aniya at hinawakan ang aking kamay.Napangiti na lamang ako sa kaniyang ikinilos.Sabay na kaming bumaba habang namamagitan ang katahimikan.

Si Elias,matapos ang lahat,hindi niya ako iniwan,hindi na siya bumalik pa sa lugar na nilikha ni Apong Langkay sa halip ay sinamahan niya akong magsimula sa lugar kung saan malayo sa kabihasnan.Inalagaan niya ako't siya ang nagsilbing mga mata ko at liwanag sa madilim kong mundo.Napakalaking utang na ng loob ko sa kaniya.

" anong gusto mong ulam? " tanong nito nang makarating kami sa aming kubo.Ang aming tahanan ay likha sa mga kawayan,maluwag ito dahil wala naman kaming ibang kagamitan maliban sa mga pangunahing ginagamit namin sa pang-araw araw.

" adobong bayawak " masigla kong sagot.Hindi ko alam pero naging paborito ko na ang pagkaing iyon.Madalas iyon ipaghain sa akin ni Tiyo noong nakatira pa kami sa aming bukid ngunit hindi ko naman iyon ganoon kagusto.

" hindi ka ba nagsasawa sa karne ng bayawak? " nahihimigan ko ang pagkadismaya ni Elias sa aking naging sagot.

" hindi " tipid kong sagot bago gumuhit ang pinong ngiti sa aking labi.Wala na akong narinig pang tugon mula sa binata,ang sunod ko na lamang na narinig ay ang mga yabag patungo sa direksyon kung saan naroroon ang aming munting kusina.

Nasa balkonahe ako sa mga sandaling ito,dito ko madalas ginugugol ang aking mga oras habang si Elias ay abala sa mga gawaing bahay.Banayad ang pagdampi ng hangin sa aking mukha habang maaliwalas naman sa aking pakiramdam ang panahon.

Sa lumipas na mga taon,laking pasalamat ko na walang kakatwang pangyayaring  naganap sa aking buhay.Wala ng mga mata noong pakiwari ko'y nakamasid sa akin mula sa malayo.Ang laki na nang ipinagbago ng aking buhay kumpara sa aking nakaraan.Sa kabila niyon,madalas binabagabag pa rin ako nito,ng mga taong naging bahagi ng aking nakaraan.Si Tiyo at si Troy.Ang mga taong nawala sa akin habang nakikipaglaban ako para sa aking kapalaran.

The Son Of Medusa 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon