Cavin closed his eyes so he could sleep. Dalawang araw na rin siyang hindi nakatutulog nang maayos. Madalas na nag-aaya ang barkada na mag-bar hopping at kung saan-saan sila napupunta.
It was five in the morning. Wala ring balak pumasok si Cavin dahil mayroon lang namang event. Sigurado siyang walang masyadong gagawin. Binuksan niya ang TV at naghanap ng random movie na puwedeng panoorin.
Mas madalas din siyang matulog sa living at isang rason iyon kung bakit malaki ang sofa na binili niya. For some reason, Cavin found his room suffocating. Hindi rin niya alam kung bakit.
Nakatitig si Cavin sa TV. It was playing some old movie starring Brad Pitt. Hindi rin niya maintindihan ang palabas dahil blurred na ang paningin niya sa antok.
His plan for the entire day? Sleep.
Meanwhile, Niana was staring blankly at nowhere. Inaantok pa siya, pero nakatanggap siya ng early call galing sa supervisor niya. Hindi pa rin daw ito makapapasok, pero mayroong kailangang gawin, importante pa nga.
"Saan ka ba pupunta?" tanong ng mama niya. "Ang aga mo namang aalis."
Humigop muna si Niana ng mainit na kape bago sumagot. Ipinagpalaman din siya ng mama niya ng tinapay na may peanut butter. "Nautusan po akong pumunta sa condo ng anak ng boss namin, Ma. Kailangan daw kasing mag-replenish ng mga stock, kailangan ko rin daw i-check kung may kailangang ayusin."
Tahimik na nakikinig ang mga magulang ni Niana na para bang interesting ang sinasabi niya. Kung siya lang, aayaw siya, pero kailangan at pakiusap iyon ni Iryn.
"Gano'n daw kasi monthly para ma-sure na maayos ang tinitirhan no'n," dagdag pa ni Niana.
"Grabe pala talaga kapag mayayaman, 'no?" Mahinang natawa ang mama niya. "Palagi silang may utusan, tapos ang iba sa kanila, hindi talaga nag-aaral nang mabuti."
Ngumiti lang si Niana dahil may katotohanan iyon. Nabanggit sa kaniya ng supervisor niya na minsan, employee ng Karev Telco ang gumagawa ng projects ni Cavin. At mas madalas pang ibang tao ang tumatapos ng assignments.
Hindi naman sa nagkukumpara, pero katulad ni Niana, kailangan niyang mag-aral nang mabuti para makakuha ng magandang trabaho habang nagtatrabaho. Kailangan niyang makahanap ng maagang experience dahil kakaiba ang requirements ng Pilipinas.
Naalala niya ang lungkot ng kuya niya bago ito nawala sa kanila.
Nag-apply ang kuya ni Niana sa trabaho para makatulong sa pamilya, pero hindi pinalad na makakuha ng magandang position kahit tapos naman ng pag-aaral.
Fresh graduate ng engineering ang kuya niya, pero hinahanapan ng at least two years experience, magandang credentials, para sa sweldong pang-part-time. Bukod pa sa tax at ibang kaltas, halos wala na rin itong naiuuwi sa kanila.
Habang nasa sa Grab papunta sa condo ni Cavin, nakatitig si Niana sa bintana at pinanonood ang bawat patak ng tubig sa salamin. Medyo malakas ang ulan dahil mayroong paparating na bagyo.
Bigla ring naalala ni Niana ang sinabi sa kaniya ng kuya niya bago ito mawala.
Ang huwag pabayaan ang mga magulang nila, makahanap sana siya ang magandang trabaho, pero huwag pabayaan ang emosyonal at mental na kalusugan.
Ikalawang beses pa lang napupunta ni Niana sa condo ni Cavin. Mukhang nagkatotoo pa ang kinanta nitong come again another day, dahil literal na the day after tomorrow siya pumunta.
Pagbukas ng condo, madilim na madilim na nga, napakalamig pa. Siya na mismo ang yumakap sa sarili dahil parang nasa opisina lang. At ang nakagugulat, kaamoy ng pabango niya ang condo ni Cavin.