Chapter 11

39.5K 1.5K 210
                                    

Muling nagprisinta si Niana na magmaneho, pero hindi na pumayag si Cavin. Imbes na gamitin ang kotse, nag-book sila ng Grab. Inakala rin niyang nagbibiro lang ang binata sa pagsama sa kaniya, ngunit mukhang seryoso nga.

Panay ang hikab ni Cavin habang nakasandal at nakatingin sa bintana ng sasakyan. Tahimik ito at mukhang malalim ang iniisip.

"Sabi ko naman kasi sa 'yo, kaya ko naman, e." Nakaharap si Niana sa phone dahil kausap niya sa text ang ina. "Dapat natulog ka na lang sa hospital. Babalik naman kaagad ako."

"I needed to breathe," pag-aamin ni Cavin. "Gusto kong umalis doon dahil hindi ko muna kayang harapin si Mommy. I can't show her what I'm feeling right now, so I needed to leave."

Niana turned sideways and faced Cavin. "Ano ba kasing nararamdaman mo ngayon?"

"Scared?" Cavin murmured. "Losing my parents is the only thing I'm scared of, Niana. Takot na takot akong mawala sila sa akin and I seriously don't know what to do right now."

Naiintindihan ni Niana ang sinasabi ni Cavin. What he felt was valid and she couldn't find the right words to comfort him. She was actually trying to find some comforting quotes or sayings, but it would sound different. Isa rin iyon sa kinakatakutan niya.

"You won't say anything?" Cavin asked when Niana stayed quiet. "Wala kang sasabihing comforting words or anything?"

Umiling si Niana. "Ayaw kong magbigay ng toxic positivity sa 'yo ngayon, Sir Cavin. Hindi ko alam kung ano'ng totoong sitwasyon at ayaw kong pareho tayong mag-expect sa bagay na hindi naman tayo sigurado. Ayaw kong bigyan ka ng idea sa bagay na wala naman akong alam kaya mas gugustuhin kong manahimik."

For some reason, Cavin found Niana's words comforting. People around him would always have reasons or some words to ponder and he never thought that being quiet could also mean communication.

Inihiga ni Cavin ang ulo sa gilid ng bintana at ipinikit ang mga mata at busy naman si Niana na kausap ang ina.

Tinawagan na ni Niana ang mama niya para sa bilin niyang pagkain na dadalhin sa ospital.

"Ma, medyo malayo pa po kami. Puwede po bang pa-prepare ako ng lugaw na nakalagay sa tupperware, mga laman para sa lugaw pero hiwalay, at saka po tokwa't baboy sana."

"Bakit? Saan ka pupunta?" tanong ng mama niya.

Bahagyang nilingon ni Niana si Cavin na mahimbing na natutulog. "I-explain ko po mamaya, Ma, ha? Kausapin ko kayo mamaya ni Papa."

"Ah, oh sige. Mag-iingat ka."

Pagbaba ng tawag, naisip si Niana sa nangyayari.

Napapaisip na rin si Niana sa gulong pinasok dahil sa sitwasyon ng mommy ni Cavin. Gustuhin man niyang umatras, fully paid na ito. Isa pa, hindi puwede sa kasalukuyang sitwasyon dahil bawal ang stress at baka makasama pa iyon sa ginang.

Hindi namalayan ni Cavin na nakatulog siya nang maramdamang huminto ang kotse. Nakahinto sila sa stoplight at nang lingunin niya si Niana, natutulog din ito hawak ang phone na muntik pang bumagsak.

"Malayo pa ba tayo, Kuya?" tanong ni Cavin sa driver.

"Medyo malapit na rin po, sir. Puwede na po ninyong gisingin si ma'am kasi pagkatapos ng ikalawang stoplight, papasok na po tayo sa isang eskinita," sabi ng may-edad nang driver.

Cavin didn't know how to wake Niana up. Nakayuko ito at mahimbing na natutulog, pero walang choice. Naisip niya na sa susunod, tatawag siya ng driver para hindi maging ganito ang sitwasyon.

Naramdaman ni Niana ang mahinang pagkalabit sa braso niya at pagdilat, naalimpungatan pa siyang malapit na sila sa bahay. Nilingon niya si Cavin na nakatingin sa kaniya.

Married, Concealed, Appealed (East Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon