Chapter 44

38.9K 1.5K 391
                                    

Ilang taon na ang nakalipas, hindi pa rin matanggap ni Niana sa sarili na iniwan siya ng kuya niya. Si Sean ang nag-iisang kakampi ni Niana, pero bigla niyang naisip, sino nga ba ang kakampi ng kuya niya noong pakiramdam nito, kaaway na ang mundo?

Hindi iyon naisip ni Niana noong panahong nawala ang kuya niya. Naging makasarili siya sa thought na iniwan siya dahil gusto lang.

Bumalik lahat ng sakit habang pinanonood nilang takpan ang bagong paglalagakan ni Sean. Inabot nang halos tatlong buwan bago nailipat ang kuya niya dahil naging busy sila sa trabaho. Madalas silang nagpupunta ng ibang bansa dahil kailangan ni Cavin at kasama sila ni Vianne.

Masakit pa rin, pero hindi na kasingbigat noong unang beses dahil napaintindi na rin ni Cavin kay Niana ang ibang posibilad.

Pinunasan ni Niana ang tumulong luha habang tinatakpan ang nitso ni Sean. Naalala niya ang sinabi ni Cavin noong pinag-usapan nila ang kuya niya.

Niana opened up about her hatred towards Sean for ending his life and leaving her. Nabanggit nga niya na ito lang ang kakampi niya sa tuwing mayroong nang-aaway sa kaniya, ang nagtuturo sa kaniya sa mga bagay na hindi niya alam, ang kasama niya sa kasiyahan at kalungkutan, at ang taong nagturo sa kaniya ng tunay na buhay.

Sa galit ni Niana, halos burahin niya ang existence ni Sean sa buhay niya, pero nalinawan siya sa tanong ni Cavin.

"Sa tingin mo, sino ang kakampi ni Sean noong panahong siya naman ang may kaaway at malungkot?"

Iyan ang tanong ni Cavin kay Niana na naging dahilan para mas mabuksan ang pag-iisip niya. Walang idea si Niana kung mayroon nga ba o wala, at nasagot na malamang ay wala dahil kung mayroon, hindi ito susuko, at hindi sila iiwan.

Niana analyzed and thought that maybe Sean decided not to tell them about his personal struggles and issues so they wouldn't have to feel what he was feeling. Nagkaroon pa ng pagkakataong nakaramdam si Niana ng pagsisisi dahil hindi niya napansin o inalam man lang ang sitwasyon ng kuya niya. Masyado siyang naging kampante dahil masiyahin ito at hindi inisip na hindi lahat ng masaya, maayos ang lagay.

Some were really good at faking when in reality, they were losing it to the point of thinking of something unimaginable.

Naisip ni Niana na sana ay alam niya ang warning para napigilan ang kung ano mang nangyari, pero huli na ang lahat. Tulad ng napag-usapan nila ni Cavin, hindi na nila babalikan ang nakaraan at focused na lang sa kasalukuyan.

Iilang tao lang ang sumama sa libing. Magkakaroon sila ng kaunting salusalo sa mansion kaya roon didiretso ang ibang bisita nila.

Nilingon ni Niana si Cavin na pilit iniiwasan ang libingang katabi ng sa kuya niya dahil nandoon ang mga magulang ni Cavin. Nilalaro nito si Vianne at napapansin na niya kung bakit.

"Love?" Niana smiled and held Cavin's hand. "Thanks for coming here with me. Kahit na alam kong mahirap sa 'yo, thank you."

Umiling si Cavin at inakbayan si Niana. Hinalikan nito ang gilid ng ulo niya at humarap sa mausoleum ng mga Karev dahil mahigit isang taon ng pumanaw ang mga magulang nito, hindi pa rin nagagawang pumunta sa lugar.

"Thank you for maintaining this place, baby," Cavin whispered. "Sorry kung hindi kita nasasamahan noon. I wasn't ready."

"Sabi ko naman kasi sa 'yo, hindi kita pipilitin, e. I know in time, you'll finally face them. Sabi ko nga sa 'yo, before you, I experienced everything first. Noong sinamahan mo ako sa sementeryo para bisitahin si Kuya, 'yun din ang unang beses ko."

Hindi na sumagot si Cavin na hindi inaalisan ng tingin ang lugar na pinaglalagakan ng mga magulang kaya kinuha ni Niana si Vianne at binuhat muna ang anak na nagsisimula nang maglikot.

Married, Concealed, Appealed (East Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon