Tahimik na kumakain ng almusal sina Niana at Cavin. Pareho silang walang kibo at walang nagbubukas ng topic tungkol sa nangyari kinagabihan. Nakayuko lang silang nakatutok sa kinakain.
Halos marinig na nila ang paghinga ng isa't isa.
It was Cavin who prepared their breakfast. For two weeks, he stayed away from Niana to avoid the forbidden feeling. As much as possible, Cavin wanted to be respectful towards Niana.
Pagpasok ni Niana sa kwarto nang gabing iyon, hindi siya makapaniwala sa narinig at hindi siya nakatulog kaiisip. Ganoon din si Cavin na nakatitig sa kawalan dahil hindi naman niya sinasadya.
Cavin tried. He knew he had two hands . . . but he couldn't satisfy himself. And the fact that he wasn't cumming was the problem.
"I can't do this anymore." Ibinaba ni Cavin ang kutsara at tinidor habang nakatingin kay Niana. "I'm sorry about last night and I didn't mean to sound like a pervert an—"
"Hindi ka naman naging pervert," sagot ni Niana at sinalubong ang tingin ni Cavin. "Nagsabi ka naman nang maayos. Biglaan, pero honest naman."
Cavin breathed and sat properly. "Hindi ka galit sa sinabi ko? I'm really sorry."
"Hindi ako galit." Mahinang natawa si Niana. "Busy ka ba ngayon?"
"It's a weekend, and it's our time with your parents, right?" Cavin frowned. "Do you have anything in mind?"
Tumango si Niana at muling sinalubong ang titig ni Cavin sa kaniya. "Alis tayo?"
Sandaling natahimik si Cavin at matagal na napatitig kay Niana. Hindi niya alam kung ano ang pinaplano ng asawa.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Cavin. "Sementeryo?"
"Hindi. Parang gusto ko lang umalis. Dalawang linggo na rin kasi tayong hindi nagkakausap. Dalawang linggo na tayong hindi nagkikita nang maayos. Naisip ko lang, baka gusto mong umalis?" tanong ni Niana. "Kung ayaw mo naman, okay lang din."
Cavin nodded and agreed. "Sounds good to me." Tumingin siya sa orasan. "It's six in the morning. May lugar kang gustong puntahan?"
Nahihiya man, tumango si Niana. "Meron akong gustong puntahan kung okay lang sa 'yo. Mga three-hour drive siya from Metro. Na-search ko lang siya kaninang noong bored ako. Kung okay lang naman sa 'yo."
"Let's go," Cavin replied and continued eating.
Hindi alam ni Niana ang kung tama ba ang desisyon niya, pero mukhang kailangan nilang mag-usap ni Cavin.
Buong magdamag siyang gising at napaisip sa puwedeng gawin.
It didn't take them long to decide. An hour after breakfast, Niana and Cavin found themselves on the road. Pareho pa rin silang tahimik nang mapansin ni Cavin na hindi pa rin suot ni Niana ang wedding ring nito.
A part of him felt that Niana may have asked for a getaway to talk about them. Maybe to stop what they had because he blurted the words about sex.
Iniisip niya kung nabastos ba niya ang asawa, kung mali siya ng word choices, at kung paano itatama ang lahat.
Cavin was overthinking and if he could just turn back the time, he would tap himself to stop. If Niana decided to call everything off, malamang na maiintindihan naman ng mga magulang niya kung sasabihin nilang hindi na sila compatible.
"Turn right ka sabi rito sa maps," basag ni Niana sa katahimikan. "Turn right ka raw hanggang sa makita natin 'yung beach area. Sa beach area, merong resort sa harapan. 'Yun na 'yun."
"You searched about this place?" Cavin maneuvered the car. "Is it safe?"
Niana nodded while focusing on the road. Hawak din niya ang phone para sa mapa. "Oo at saka walang masyadong tao. Medyo bago pa lang din kasi 'yung lugar, parang one year pa lang, but based sa reviews, maganda naman at secured rin."