Cavin was not kidding when he suggested to Niana about transferring to Eastern University.
They had been married for a month, and Niana had completed her semester at the state university she was studying at a week ago. That was when Cavin encouraged her to take an exam for the university.
It was actually a long talk.
Maraming inilapag na pros and cons si Cavin tungkol sa paglipat ni Niana sa EU dahil maraming inisip at isinaalang-alang katulad na lang ng tuition sa school, ang ilang gastusin, at kung ano-ano pa.
Ilang beses pa nga sinabi ni Cavin sa asawa niya na siya na ang bahala sa lahat, pero hindi ito pumayag at sinabing susubukang makapasok sa scholar na offer ng university o hindi naman kaya ay makikihati pa.
Nakaupo si Niana sa waiting area dahil katatapos lang ng exam niya sa EU. Mayroon siyang kabang nararamdaman dahil never naman niyang in-expect na makapapasok siya sa school na ito.
Eastern University was Niana's dream school, but it was impossible for someone like her.
It was an elite school. Halos karamihan ng mga nag-aaral sa university ay anak ng mga pulitiko, mga businessman, mga artista, at socialite.
Tumingin si Niana kay Cavin na nasa admin area at paminsan-minsang tumitingin sa kaniya, pero hindi sila naglalapit. It was one of her many requests and luckily, her husband understood.
"Miss Leigh Niana Talvo?"
Nag-angat ng tingin si Niana nang lumapit sa kaniya ang secretary sa admissions office para papasukin sa loob. Tumingin din si Cavin sa kaniya nang marinig nito ang pangalan niya.
Nilaro ni Niana ang singsing na suot habang naghihintay sa loob ng opisina. Sinabi naman sa kaniya na after ng examination, same day niya malalaman ang resulta.
Isa iyon sa maganda sa university. Advanced ang lahat, computerized, at maayos ang pakikitungo ng mga employee sa kanila. Nakangiti ang mga ito at mukhang hindi nagagalit.
Napaisip si Niana, ganoon ba talaga kapag school ng mayayaman o sadyang takot lang ma-report dahil mayayaman nga ang mga estudyante at kayang magpatalsik ng kahit na sino?
Sa public school kasi na pinasukan niya, palaging nakasimangot ang mga empleyado tulad ng mga nasa registrar.
"Miss Niana?" It was the secretary again, smiling at her. "You may enter Mr. Smith's office."
Niana slightly bowed and entered the office. She immediately felt how cold the room was, and unknowingly checked out the place. It was all black and white with gold accents. Mayroong mga painting na nakasabit sa magkabilang wall, kulay itim na wall clock, at shelves na mayroong mga libro, trophy, at picture frame.
"Good morning, Miss Talvo." Tumayo ang medyo may-edad ng lalaki. Tantiya ni Niana ay nasa fifties na ito. Naglahad ito ng kamay. "It's so nice to meet you. You may sit so we can discuss about your examination."
Cavin texted Niana, but he didn't get a reply. Kasama niya ang ilan sa mga kaibigan na nag-uusap para sa huling taon nila sa college, pero mas focused siya sa paghihintay ng message galing sa asawa.
"Have you heard about Zayned?"
Nilingon ni Cavin ang isang kaibigan nila at mukhang alam na niya ang ibig sabihin nito. Hindi siya nakikisali sa usapan, pero nakikinig siya.
"Nakatanggap din kami ng engagement party invitation galing sa family niya. Nagulat ako kasi, 'di ba, ang tagal na nila ni Emieren?" tanong ng isa pa nilang kaibigan. "I mean, damn . . . I don't know what Z will do."
Cavin remained quiet and texted Niana asking for the result.
Naramdaman ni Niana ang pag-vibrate ng phone niya at malamang na nag-message na naman si Cavin sa kaniya. Gustuhin man niyang i-check dahil sunod-sunod na, nasa harapan pa rin niya ang head ng admissions office at may kausap sandali sa phone.