Mula sa ilalim ng lamesa, hinawakan ni Cavin ang kamay ni Niana nang magsimulang humagulhol ang mama ng asawa niya. Nasa dining area sila at pinatutulog nito si Vianne habang pinag-uusapan nila ang tungkol sa paglilipat ng labi ng kuya ni Niana sa ipagagawang mausoleo sa tabi ng mga magulang niya.
"Ma." Nag-aalala ang boses ni Niana dahil hindi naman niya inaasahang iiyak ang mama niya. "Ma, kung ayaw mo, maiintindihan naman po namin ni Cavin. Kaya po nagpaalam kami kasi ayaw ko naman na mag-decide nang wala kayong alam ni Papa."
Humikbi ang mama ni Niana at hinalikan si Vianne sa noo. Niyakap pa nito ang apo na para bang doon kumukuha ang lakas kaya hindi alam nina Cavin ang gagawin.
"Umiiyak ako, Niña, kasi akala ko, tuluyan mo nang inalis ang kuya mo sa puso mo," sabi ng mama ni Niana. "Akala ko talaga, hindi na tayo darating sa puntong mapag-uusapan pa natin si Sean dahil ayaw mo."
Awtomatikong bumagsak ang luha ni Niana dahil sa sinabi ng mama niya. It was her fault and because of her pain, she chose to remove the people around her, but that wasn't her anymore.
Tumayo si Niana at niyakap ang mama niya mula sa likuran para humingi ng sorry sa nangyari. Malaki ang naging impact sa pamilya nila ang tungkol sa kuya niya dahil nag-adjust ang mga magulang niya sa kaniya para hindi siya mahirapan.
"Sorry, Ma," Niana whispered while sobbing. "Pasensya na po kayo na naging makasarili ako noon."
"Hindi ka naging makasarili. Nasaktan ka, Niña, at nagluksa. Hindi madali ang sinapit mo kaya hindi ako galit sa 'yo. Masaya ako na ngayon, nakauusad na tayo at sana huwag mong isipin na galit ako o kami ng papa mo. Naiintindihan ka namin," umiiyak na sabi ng mama niya. "Kung ano ang gusto ninyong gawin ni Cavin sa kuya mo, kayo na ang bahala. Suportado namin kayong dalawa."
Tumingin si Niana kay Cavin at ngumiti ito.
Si Cavin mismo ang nag-offer kay Niana tungkol doon. Since pumayag ang parents niya, pasisimulan na nila ni Cavin ang construction para sa katabing lote ng mausoleo ng mga Karev para sa kuya ni Niana.
Nakikita ni Niana ang pagmamahal ni Cavin sa mga magulang niya mismo. Sa tuwing nasa probinsya silang pamilya, tumutulong pa ang asawa niya sa mga ginagawa ng mga magulang niya.
Parents na rin ang turing ni Cavin sa mama at papa niya na mahalaga para sa kaniya.
Ipinagpapasalamat din ni Niana na hindi na iba ang turing ng mga ito sa asawa niya. Kung ano ang treatment sa kaniya, ganoon din kay Cavin, at minsan na mag-spoiled pa nga kaysa sa kaniya.
Masaya si Niana na iba na ang aura ni Cavin, pero malungkot pa rin siya na hindi pa ito bumibisita sa mga magulang, at hindi pa iniiyakan ang pagkamatay ng mga ito.
Cavin cried for Niana, but not for his parents . . . yet.
—
Habang lumalaki si Vianne, medyo nahihirapan si Niana dahil palagi na nitong hinahanap ang ama. Apat na buwan na ang anak nila at si Cavin lang ang nakapagpapatulog.
"Alam mo, love." Umiling si Niana habang inililigpit ang mga papeles sa conference room dahil katatapos lang ng meeting at kalong ni Cavin ang anak na nakikipaglaro. "Hindi na ako magugulat kung ang first word ni Vianne ay tungkol sa business o sa meeting mo."
Cavin chuckled and kissed Vianne's chubby cheek. "But I'm not gonna ask her to run the company. Kung ayaw niya, I don't care. Sa totoo lang, hindi ko na rin alam ang mangyayari sa company na ito kung sakaling ayaw ng mga magiging anak natin na mag-manage."
Natahimik si Niana habang nakatingin sa asawa niya. Hindi niya alam kung bakit ito nag-iisip nang ganoon at biglang nagbukas ng topic patungkol sa pagma-manage ng company.