Chapter 31

36.3K 1.5K 520
                                    

Kaharap ni Niana si Iryn at pinag-uusapan nila ang tungkol sa funeral discourse kinabukasan. Naayos na ang lahat, ready na ang mga bulaklak, ang mausoleum ng mga Karev, at ang program na gaganapin.

Pagkamatay ng daddy ni Cavin, dalawang araw lang ang burol. Importanteng tao lang ang nakapapasok sa loob, napaliligiran ng hired bodyguards ang buong area, at may pamilya ang mag-asawa na pumunta.

Naupo si Niana sa isang bakanteng sofa sa harapan at tumingin sa dalawang kabaong. Imbes na solo picture ang naka-display, couple picture ang nasa gitna at iyon ang huling formal picture ng parents ni Cavin.

The photograph was taken during their wedding.

"Hindi ba siya pupunta ngayong last night?" tanong ni Iryn at naupo sa tabi ni Niana. "Hindi pa siya nagpupunta, Niana."

Umiling si Niana at bumagsak ang luha sa kaliwang mata. "Hindi ko nga siya makausap, Ate Iryn. Mas madalas siyang tulog, mas madalas nakakulong sa nursery, at hindi ako kinakausap."

Hinaplos ni Iryn ang likuran ni Niana.

Sa dalawang araw, sina Niana at Iryn ang nag-ayos ng funeral ng mga magulang ni Cavin. Si Winslet naman ang nasa office para kung sakaling may tatawag o maghahanap sa kanila, ito ang kakausap.

Niana volunteered because she was the only person who could. Cavin was unfunctional, so Niana had to step in.

Siniguro niyang magiging maayos ang funeral discourse. Nakiusap pa siya kay KA, dahil mayroong construction company ang mga Laurent, na ayusin ang mausoleo sa loob lang nang mahigit isang araw.

"Umuwi ka na muna at kami na ang bahala rito." Hinaplos ni Iryn ang braso ni Niana. "Kailangan mong magpahinga, Niana. Buntis ka, baka nakakalimutan mo?"

Ngumiti si Niana at tumayo. It was already seven in the evening and some people were visiting for the last night. Walang kahit na ano mang event sa last night dahil ayaw ni Niana nang wala si Cavin.

Niana prepared just in case Cavin decided to come, but the helpers called, saying Cavin was asleep and had no plans on leaving.

Wala si KA dahil mayroon itong inasikaso kaya naman iba ang driver ni Niana. Ni hindi niya namalayang nakatulog siya sa likuran ng kotse hanggang sa maramdaman ang paghinto ng sasakyan.

Niana thanked everyone who escorted her home. Her foot and back were aching, her head was throbbing, and she finally wanted to lay down to sleep. Kailangan din niyang gumising nang maaga para sa funeral discourse.

Pagpasok ni Niana sa bahay, kaagad siyang sinalubong ng helper.

"Si Cavin po?" tanong niya.

"Nasa kwarto ninyo, Niana. Hindi pa lumalabas, e."

"Kumain po ba siya?"

"H-Hindi pa po," sagot ng isang helper na galing sa kusina. "Gusto mo bang initin ko ang pagkain?"

Tumango si Niana at nagpaalam muna para maligo dahil iba na ang pakiramdam niya. Naabutan niya si Cavin sa kwarto na natutulog. Nakabukas lang ang LED strip lights sa gilid ng TV, pero madilim ang kwarto.

The room was too cold, sending shivers down Niana's spine.

Dahan-dahan ang bawat paggalaw niya para hindi magising si Cavin. Gusto man niyang ayain ang asawa para kumain o kahit man lang kausapin, ayaw niya itong istorbohin.

Buong maghapong wala si Niana sa bahay, pero kahit isang tawag o text galing kay Cavin, wala siyang natanggap. Hindi siya nagrereklamo dahil alam niyang nasa grieving stage pa ang asawa niya.

Married, Concealed, Appealed (East Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon