Chapter 24

41.5K 1.6K 863
                                    

"Baby? Are you okay?"

Nilingon ni Niana si Cavin at bahagyang tumango. Kagat niya ang likod ng ballpen habang nakatitig sa laptop at nag-iisip tungkol sa research na tinatapos nila ni Yannica.

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang malalaman ni Niana ang tungkol sa ipinagbubuntis.

Walang ibang nakaaalam bukod sa doctor na nakausap niya. Wala siyang mapagsabihan at hindi alam kung mayroon ba siyang balak sabihin kay Cavin. Kahit ang mama niya o magulang ni Cavin, walang alam sa sitwasyon niya.

Nakaramdam si Niana ng takot. Hindi siya nag-ingat. Paulit-ulit nilang ginawa ni Cavin iyon, pero hindi niya inisip na posible siyang magbuntis.

They never used any protection. They weren't careful.

Kahit inaantok, hindi masyadong natutulog si Niana dahil baka makahalata si Cavin. Kapag nagsusuka, kaagad siyang nagtatago. Kapag nagugutom, kakain siya katulad ng dati, pero kapag ramdam niyang hindi iyon ang gusto niyang pagkain, inaagapan na niya.

"Baby, aalis ako tonight, is that okay? Nagkayayaan lang friends ko na uminom. Kung ayaw mo, okay lang din naman." Ipinatong ni Cavin ang baba sa balikat ni Niana. "Or do you want me to stay?" he asked while kissing her shoulders.

Umiling si Niana. "Okay lang. Magiging busy rin naman kasi ako. Medyo marami akong kailangang gawin. Mag-enjoy na lang muna."

Hindi kaagad nakasagot si Cavin nang mag-iwas ng tingin si Niana at nagpatuloy sa pagharap sa laptop. Nakasalampak ito sa living room carpet habang nakapatong ang laptop sa coffee table. Nakabukas din ang TV, pero mayroon namang suot na earphones.

Napapansin niyang ilang araw na silang walang masyadong communication. It was either both of them were busy, Niana was sleeping, or Niana chose to have a sleepover with a friend.

Apat na babae ang nakikita ni Cavin na nakakasama ni Niana sa school. Masaya siya para sa asawa dahil nakakilala ito ng ibang tao at mayroong nakakasama hindi tulad noon na palaging mag-isa. Pero mas madalas pa nga nitong kausap ang mga kaibigan kaysa sa kaniya.

Muling lumapit si Cavin kay Niana at hinalikan ang asawa sa pisngi papunta sa labi na kaagad naman nitong tinugon. Cavin could smell his wife and he kissed her one more time before leaving.

Pasara ang elevator door, pero hindi siya mapalagay. Something was bothering Cavin especially when Niana didn't even bother looking at him when he left.

Niana focused on what she was doing. Kausap din niya sa chat si Majuri dahil may gusto raw itong sabihin sa kaniya. Bigla itong nag-chat kahit na nasa taping at nagpasa ng picture ni Cavin sa isang bar, kasama ang isang model na kakilala ni Maj.

Sinabi ni Maju na mag-video call sila kaya kinuha niya kaagad ang earphones at bigla na lang itong tumawag.

"So ayun nga," nakahiga si Majuri at medyo madilim na, "nasa loob ako ng RV. Pauwi na ako at inaantok na ako, Niana. So, ayun. Sinasabi ko lang naman sa 'yo 'to para at least, aware ka, 'di ba? Kung hindi ka comfortable, let me know."

"Okay lang." Mahina ang boses ni Niana. "Ano ba kasi 'yun? Recent lang ba 'yung picture?"

Tumango si Majuri. "Oo, a month ago raw. Nagkita lang naman sila sa bar with Cavin's friends. Inom-inom, ganoon. Pero parang last year daw niya nakaano si Cavin." Tumigil sa pagsasalita si Majuri. "Wait, sure ka bang gusto mong malaman?"

"Oo nga." Mahinang natawa si Niana.

"Last month, kasal na ba kayo?"

Niana nodded. "Oo, kasi more than three months na kaming kasal."

Married, Concealed, Appealed (East Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon