One thing Niana learned was that marriage shouldn't be taken lightly. Yes, it was just a deal between her and Cavin, but what would happen after the wedding could change the present and future.
It wasn't their plan to fall in love, yet they still did.
Kung tutuusin, malalim na malalim pa nga at hindi nila alam kung paano nagsimula. Basta bigla na lang isang araw, mahal na pala nila ang isa't isa, in denial pa dahil sa takot. Takot sila sa sarili nilang multo dahil alam nila kung paano sila humantong sa ganoong sitwasyon.
Sa tuwing nakatingin si Niana kay Cavin, naaalala niya kung paano ito nagtanong kung puwede ba silang magpakasal. It wasn't the romantic 'Will you marry me?' but instead, Cavin asked her by saying 'Fifteen million, marry me.'
Tawang-tawa sila ni Cavin sa tuwing maaalala iyon. Super bossy, and Niana just agreed for the sake of the money. In short, alipin talaga siya ng salapi.
Nag-angat ng tingin si Niana na tumigil sa pagta-type at pinanood muna si Cavin na binubuo ang bagong dating na doll house galing sa UK na in-order pa pala nito sa isang investor ng company na may kakilalang magaling gumawa ng handmade toys. Hindi makapaniwala si Niana sa presyo, pero hindi na rin siya nagulat dahil alam niyang pagdating kay Vianne, wala siyang magagawa. Kung ano ang hilingin ng panganay nila, ibibigay ni Cavin.
"There." Cavin chuckled and looked so proud of himself after successfully fixing his mistake. "I told you, Vianne, I'm that good."
Niana snorted and Cavin heard his wife. He frowned and met her gaze. "You're laughing at me, Mrs. Secretary." His brow raised. "Naayos ko na! Baligtad lang ang pagkakalagay kanina, but it's fixed."
"Ewan ko sa 'yo!" Niana chuckled and kissed the top of Cale's head. "Inaantok na 'tong si Cale, love. Marami pa akong gagawin, kaso ayaw bumaba riyan sa inyo. Pagkatapos ng ginagawa mo, puw—"
Hindi na natuloy ni Niana ang sasabihin nang pumasok sa loob ng office niya si KA at bigla na lang pinagtawanan si Cavin. "Seriously, Cavin, hindi ka pa tapos? Kahapon mo pa binabasa ang manual niyan, ha?"
"I'm not like you, Engineer." Cavin stood up. Natawa pa si Niana dahil mukha itong disappointed lalo nang magprisinta na si KA na buuin ang dollhouse na ikinatuwa pa ni Vianne.
Humagikgik si Niana nang makita ang reaksyon ng mukha ni Cavin. Nakanguso ito at mukhang nagtatampo dahil tuwang-tuwa na naman ang prinsesa niya sa tito nitong engineer na isa ring spoiler kaya problema ni Niana.
"Hindi na naman ako love ni Vianne dahil nandiyan na naman daw 'yung prince charming niya, love." Cavin pouted. "Bakit ba kasi mukhang Disney prince 'yang best friend mo? Ang pangit naman. Hindi naman mukhang Disney prince."
"Let's face it." Niana snorted. "Mukha talagang prinsipe si KA kaya wala kang magagawa. Sabi ko sa 'yo, e. Huwag mong dadalhin sa Disneyland si Vianne dahil makakakita siya roon ng mga prince na kamukha ni KA."
Umiling si Cavin at inilebel ang mukha sa kanila ni Cale. "Do you want me to work o ako na lang magpapatulog sa kaniya? I'll ready the room for him na lang, tingin mo?"
Niana nodded. "Love, what if ikaw na muna ang mag-work? Inaantok ako at sumasakit ang batok ko, e. Parang gusto ko na rin munang itulog."
Hindi na kailangang ulitin ni Niana ang sinabi dahil tumayo na si Cavin at pumasok sa kwarto na nasa ipinagawa mismo nila sa opisina dahil ito na ang pangalawang bahay nila. Most of their days were spent inside the office so they had to make it comfortable.
Dalawa na rin ang lamesa sa opisina ni Cavin dahil doon naman nagtatrabaho si Niana. Nakatatawa na ginawa pa nga ni Cavin na iisa lang ang mahabang lamesa at mayroong dalawang computer. That was how they work.