"Good morning," bati ni Niana kay Cavin paglabas nito ng sariling kwarto at kaagad na kumunot ang noo nang makitang nakabihis na si Cavin. Tumingin ito sa kaniya, pero walang sinabing kahit na ano.
"Aalis ka na?" tanong ni Niana.
Tumango si Cavin at tipid na ngumiti. "Yeah. You?"
"Mamaya pa."
Yumuko na si Niana at humarap sa laptop at sumimsim ng kape. Basta na lang din niyang narinig ang elevator na sumara at wala nang sinabi pang kahit na ano si Cavin.
Dalawang linggo na rin ang nakalipas simula noong magsimulang umiwas si Cavin kay Niana. Hindi niya alam kung bakit dahil isang araw, bigla na lang itong umaalis nang hindi nagsasabi, hindi kumakain, o hindi siya kinakausap.
Niana tried talking to Cavin only to get a one-word response and a nod.
Hinarap ni Niana ang pending thesis na ipinagagawa sa kaniya. Hindi na rin siya tumatanggap at huli na ang sa dati niyang classmates na iniwan niya nang mag-transfer siya sa EU.
Gusto niyang gawing occupied ang sarili dahil kung hindi, paulit-ulit lang niyang iisipin kung bakit umiiwas sa kaniya si Cavin sa kaniya. Binalikan pa niya ang huling conversation nila at iyon ang tungkol sa posibleng maramdaman ni Niana ang pagka-fall sa asawa.
Siguro, natakot.
Ayos lang din naman.
Sa isip ni Niana, kung iiwas si Cavin, mas mapadadali ang pagpapanggap nila at puwede pang maging dahilan para maisipan na lang nilang tapusin ang deal.
Ipinatong ni Niana ang baba sa palad habang nag-iisip. Kahit siguro two million na lang, okay na kung sakaling makaaalis na siya sa kasal nila ni Cavin.
Malaking tulong na ang two million, tutal bayad na rin naman na ang buong tuition niya sa EU. Mayroon pa rin naman siyang trabaho, pero isa iyon sa naisip niya.
Kakayanin kaya niyang pumasok sa opisina kung sakaling hiwalay na sila ni Cavin? Hindi ba parang awkward dahil bukod sa dati silang kasal, nasubukan din nilang maghalikan?
Muling nag-focus si Niana sa ginagawa. Kung hindi siya kauusapin ni Cavin, hindi rin niya ito kauusapin at tinanggal ang wedding ring na suot bago nagpatuloy sa ginagawa.
Cavin was busy talking to his friend when he saw Niana and he immediately looked away. Wala siyang planong makipag-usap sa asawa at gusto muna niyang lumayo sa presensya nito.
Dalawang linggo na rin siyang hindi nagpupunta sa office. Dalawang linggo na rin silang hindi nagpupunta sa family dinner at si Niana lang ang umuuwi sa pamilya nito. Cavin just didn't want to associate with his wife.
"Cavin!" kuha ni Resty sa atensyon niya. "Hindi ka na sumasama sa amin sa bar. Gusto mo mamaya? Magba-bar hopping kami."
"Sige," pagpayag ni Cavin. "I-message n'yo na lang ako kung saan para susunod ako. May klase kasi ako hanggang seven, para at least doon na ako didiretso."
Lumingon si AJ kay Cavin, isa rin sa mga kaibigan niya. "Wala ka pa rin bang balak mag-girlfriend? Ang tagal mo nang single, e. Parang hindi na rin kita nakikitang may kasamang babae. Ano'ng nangyayari?"
"Busy ako," tipid na sagot ni Cavin. "Medyo marami akong ginagawa sa office, dagdag pang graduating na tayo kaya wala akong ti—"
Tumigil sa pagsasalita si Cavin nang makitang papalapit sa kaniya ang asawa niya. May hawak itong folder na itim at nakangiti. His wife was wearing a simple, blue jean, a white polo shirt that hugged her body, and white sneakers.
"Good morning, Sir Cavin," Niana greeted him, and all his friends stopped talking. "Nakita ko kasi ito sa tab—" She stopped talking and smiled, "sa table kagabi ni Sir Leonel. Ito raw po 'yung kailangan ninyong ipasa sa isang subject."