For two weeks, Cavin and Niana decided to keep the pregnancy to themselves. They talked things out, they made sure the issues between them were fixed, the communication was steady, and they were understanding the situation they were in.
Both wanted to cherish those days that they were the only ones who knew about their baby. They visited a doctor for a check up and luckily, their little bean was healthy.
Cavin knew that Niana was still doubting him. Given his past and Lexie, it wouldn't be easy for his wife to trust him.
Nagpaliwanag si Cavin tungkol sa halik na ginawa ni Lexie sa kaniya. He was caught off guard. Bukod sa nagulat siya sa presensya nito, nagulat siya na hindi kaagad naitulak ang dating kasintahan.
It was actually a long talk between Cavin and Niana. It was also the reason his wife couldn't fully give him the trust—all because his ex, the woman he promised to marry, was back.
Gustong umuwi ni Niana dahil sa antok, pero nasa klase pa siya. Nakatitig na lang siya sa monitor at halos wala nang pumapasok sa isip niya kaya panay ang tapik ni Yannica para lang makuha ang atensyon niya.
Walang alam si Yani sa sitwasyon niya.
Aware sina Niana at Cavin na hindi nila maitatago ang pagbubuntis niya. Darating ang araw na bigla na lang lalaki ang tiyan niya at hindi nila iyon mapipigilan. Wala rin naman silang napag-usapan tungkol sa pagtatago sa anak nila, pero kailangan muna nilang sabihan ang mga magulang.
Nakaramdam ng takot si Niana dahil baka ma-disappoint ang parents niya dahil nag-promise siya na magpapakasal lang sila ni Cavin, pero hindi magbubuntis kaagad.
Iyon ay bago pa magbago ang lahat dahil noong una, wala naman sa plano ito.
Kung tutuusin, wala sa plano ang anak nila, pero hindi sila naging maingat, kaya dumating sila sa pagkakataong na hindi nila inaasahan.
Biglang naalala ni Niana ang sabi ni Winslet sa kaniya nang magtanong ito tungkol sa birth control pills. Noong una, ginawa pa nilang joke na dapat pala ay sineryoso nila.
Pagkatapos ng klase, lumabas si Niana at nagulat nang makitang nakasandal si Cavin sa harapan ng classroom niya, habang nakayukong busy sa phone. Nagtaka rin ang ibang kaklase niya dahil hindi naman ito nagpupunta sa building nila.
Nag-angat ng tingin si Cavin at ngumiti kay Niana. Nakakunot ang noo ng asawa niya na parang nagtataka.
"Lunch na tayo." Itinago ni Cavin ang phone sa bulsa at tumingin kay Yannica. "Hi. Yannica, right?"
Tinanggap ni Yannica ang pakikipag-kamay ni Cavin at nagpakilala bago nagpaalam sa kanila para daw bigyan sila ng privacy.
"Sana nag-text ka na lang," Niana whispered while staring at Cavin. Hindi niya sinasadyang mapahikab dahil ganoon naman sila palagi.
"Wala naman na akong klase. Tara na?" pag-aya ni Cavin. "Ano'ng gusto mong kainin? Inaantok ka?"
Tumango si Niana habang naglalakad sila ni Cavin. Pagpasok sa elevator, medyo siksikan pa dahil nga lunch break at panay ang hikab ni Niana. Panay rin ang haplos niya sa tiyan dahil nagugutom din talaga siya.
Panay ang tingin ng ibang lower years kay Cavin habang nasa elevator sila kaya lihim na napangiti si Niana. Bukod kasi sa ang yabang na nga ng dating ng asawa niya, aware pa ito sa sariling itsura.
Yes, Cavin knew he was something and all Niana could do was to shake her head. Cavin was confident . . . too confident. Low-key mayabang lang talaga.
Cavin noticed that his wife was eyeing him. He started thinking what his wife thought of him, so he winked and Niana automatically rolled her eyes at him.