Cale cringed when he saw his Ate Vianne making out with Gabo. Ilang beses na niyang pinagsabihan ang ate niya, pero hindi pa rin nakikinig. Malamang na kapag nalaman na naman ng daddy nila na kasama nila ang boyfriend nito, uusok na naman ang ilong.
"Grabe humalik!" It was Yuan or Juana Belinda, niece of KA. "Para namang aagawin, Ate Vianne! Respeto naman sa mga hindi pa tapos kumain at sa mga single tulad namin ni Cale!"
Malakas na natawa si Vianne at tinanggal ang nag-smudge na lipstick niya sa gilid ng labi ni Gabo na nakahawak sa legs niya. Katatapos lang nilang uminom ng kape dahil kararating lang nila sa Baguio. Imbes na dumiretso sa narentahan nilang transient, naghanap muna sila ng café.
"Lagot ka na naman kay Dad," sabi ni Cale at uminom ng hot choco bago tumingin sa ate niya. "Hindi ka nagpaalam na kasama mo si Kuya Gabo?"
"Isusumbong mo ako?" Vianne did the puppy eyes. It always worked for people around her. "Minsan lang naman, e. Kapag nga nasa Metro, hindi na kami nagkikita masyado. Ang arte kasi ni Daddy!"
Olga who was sitting beside Vianne snorted and rolled her eyes. "Kaya pala ang galing ninyong tumakas!" Tumawa pa ito. "Minsan, dinadamay mo pa ako!"
"Kinukunsinti mo naman kasi, Ate Olga!" singhal ni Cale. "Bahala ka talaga kapag nalaman ni Daddy na magkasama kayo. Baka sa susunod hindi na tayo payagan no'n!"
Kumunot ang noo ni Vianne at tinitigan ang bunsong kapatid. Naiirita ito sa kaniya, pero alam niyang hindi rin naman siya isusumbong at hindi tatanggi. Silang dalawa ang magkakampi sa parents nilang minsan ay killjoy.
"Akala ko nga hindi ka sasama, e," natatawang sabi ni Yuan. "May ipakikilala pala ako sa 'yo, Kuya Cale. Mahilig ka sa chinita, 'di ba?"
Umiling si Cale at nagtataka sa sinabi ni Yuan dahil wala naman siyang sinasabing ganoon. Minsan, hindi niya ma-gets itong pamangkin ng Tito KA nila dahil may paka-weird. Mabuti na lang at cute.
"A, okay, hindi ka pa sure. Baka kapag nakita mo si Ate Virgin, medyo maging crush mo. Magka-age naman kayo noon, e," Yuan said and casually talked to their other cousins.
Bukod kay Yuan, kasama rin nila ang ibang pinsan nito na nasa same circle lang din nila. They were with Jari Herrera-Calum, Suri Alonzo, and Heather na anak ng Tita Hera nila.
Cale was observing everyone and he was just quiet. Hindi siya makasakay sa topic dahil wala naman talaga siyang balak sumama. Hindi lang talaga papayagan ang ate niyang pumunta sa Baguio nang wala siya. So, no choice. His sister already did the puppy eyes and it was the end of it.
Vianne was talking to Gabo, her boyfriend for almost a year already. Ayaw ng daddy niya rito dahil hindi raw maayos ang pamumuhay. Hindi gets ni Vianne kung ano ang sinasabi ng daddy niya.
Gwen Gabriel Vinder, known as Gabo, was part of her security team. Magkakilala na sila since they were eighteen when KA assigned him to be Vianne's main man.
Halos araw-araw silang magkasama na ang ending, they started to develop things. Ang problema lang, hindi approved ni Cavin si Gabo.
Gabo was part of the Vinder lineage. He was a good bodyguard. He was perfect, actually, but Cavin didn't want Vianne to associate with him romantically. Simply because Vinders were dangerous, and Gabo wasn't an exception.
The fact that Gabo was engaging in underground fights wasn't ideal for Cavin, but Vianne didn't care.
Tinitigan niya si Gabo na nakikipag-usap kay Cale. Kung tutuusin, okay naman ang kapatid niya sa boyfriend niya at nagkakasundo naman ang mga ito. Ayaw lang talaga ni Cale na mapahamak si Vianne.
Naiintindihan ni Vianne ang pinanggalingan ng kapatid niya, pero alam niyang safe siya sa tabi ni Gabo. They were friends before anything and she knew that he wouldn't let anything happen to her.