Chapter 40

48.6K 1.7K 544
                                    

Leaving her parents behind was the hardest for Niana. She had to pretend it was okay when it wasn't, and Cavin knew about what she felt when they left their house. She didn't keep it because her husband would notice.

Cavin held Niana's hand and kissed the side of her forehead. He even heard a sniff. Before leaving, he asked his wife multiple times if she really wanted to do it, and she agreed.

Nahihirapan si Niana dahil hindi naman siya sanay na malayo sa mga magulang niya, pero kailangan dahil may asawa na siya. May sarili na siyang pamilya, tulad ng sabi ng mama niya bago sila umalis.

Noong nasa Metro naman ang mga magulang niya, okay lang dahil nakapupunta kaagad siya sa bahay ng mga ito kahit na nakatira siya sa condo ni Cavin. Pero itong pagkakataon na ito, malayo na ang mga magulang niya sa kaniya.

Nagpa-drive sila sa isa sa mga bodyguard na nakasunod sa kanila. Nakaupo sila Niana at Cavin sa backseat habang nakasakay naman si Vianne sa sarili nitong carseat.

Nakatulog si Niana kaya si Cavin na ang nag-asikaso sa anak nila habang nasa biyahe. He couldn't stop staring at his baby girl and he was so in love with her. Halos hindi niya ito mabitiwan at pinagagalitan pa nga siya ni Niana dahil nasasanay ito sa buhat.

And Cavin didn't care at all. Kung magiging clingy ang anak niya, walang magiging problema. He could and would carry his daughter always.

Pagdating sa mansion, halos lahat ng helper ay excited na makita ang anak nila. Ipinakita na nila ang anak via video call, pero halos lahat ay nakaabang sa may gate ng mansion nang makarating sila.

Malamang na kung puwede lang mag-unahan sa pagbuhat ay ginawa na kaya nang maihiga si Vianne sa crib na nakalagay sa living room, tuwang-tuwa ang mga kasambahay nila at panay ang hagikgik habang nakatingin sa baby.

Mahinang natawa si Niana habang nakaupo sa sofa. Sinasabi ng mga ito na nami-miss na siya at mabuti naman na nakabalik na siya, pero focused sa anak nila ni Cavin.

Walang ipinagbago ang mansion. Kahit na ilang buwang hindi nakauwi si Niana, ganoon pa rin ang ayos at napatitig siya sa family portrait na nasa living room. It was her, Cavin, and his parents. It was taken during their wedding.

Sa tuwing nakikita ni Niana ang mga magulang ni Cavin, nakararamdam pa rin siya ng guilt dahil sa panloloko nilang mag-asawa noong nabubuhay pa ang mga ito. Oo nga at minahal nila ang isa't isa, pero nagsimula sila ni Cavin sa kasinungalingan.

Hindi alam ni Niana kung pagsisisihan ba niya ang nangyari dahil masaya siya pagsasama nila ni Cavin, pero nakalulungkot ang simula.

Masaya siya sa kasalukuyan, pero kung puwede lang itama ang nakaraan na hindi nila nagawang manloko, ginawa na niya.

"Ang lalim ng iniisip mo," bulong ni Cavin na ipinalibot ang braso sa balikat ni Niana. Pareho silang nakaharap sa malaking picture frame. "I still miss them everyday. Ang totoo, parang hindi pa nagsi-sink in lahat sa akin."

Nilingon ni Niana si Cavin at mas isiniksik pa niya ang katawan sa asawa. "You can grieve, love. Hindi naman kasi madali 'yun at hindi overnight dahil ako, personally, kahit ilang taon na ang nakalipas, hindi pa rin ako tapos magluksa kay Kuya."

Cavin breathed and didn't say anything.

"Ang dami kong iniisip, e. Lahat ng what-ifs. What if nandito si Kuya? Paano ang buhay namin? Masaya kaya siyang natutupad na ang pangarap naming pamilya? Matutuwa kaya siya kapag nakita niya si Vianne? Feeling ko, spoiled rin ang baby natin sa kuya ko dahil ako noon, kahit ano, kahit mahirap ang buhay, ibibigay ni Kuya sa akin."

Mahinang natawa si Cavin, pero mas niyakap pa nang mahigpit si Niana. "Imagine all my what-ifs with Mom," he murmured. "Feeling ko talaga, kung sakaling nandito sina Mommy at Daddy, hindi natin mahahawakan si Vianne. Nasa tiyan pa lang, spoiled na, e."

Married, Concealed, Appealed (East Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon