Chapter 9

40.1K 1.6K 280
                                    

"Miss Iryn," mahinang sambit ni Niana habang nakatingin sa supervisor niya.

Cavin sighed and stood straight. Nakapamulsa siyang humarap kay Iryn at hinilot ang sintido. "Iryn, please call Attorney Montecristo."

"Right away, Sir Cavin." Iryn smiled. Ibinaba niya ang folder na hawak at bago pa man makaalis ng conference room, narinig niya ang malalim na paghinga ni Cavin.

"Also, don't talk about what you've heard and we'll talk later, okay?" Cavin said in his deep voice. It was like a warning. "Understood?"

Kaagad na tumango at bahagyang yumuko si Iryn bago lumabas ng conference room. Si Cavin na rin mismo ang nagsara ng pinto, he even locked the door before looking at Niana who was still in shock.

"Niana." Cavin got Niana's attention. "Don't worry about it. Ako na ang bahala. For now, stay here until our lawyer comes. Mag-order ka na rin muna ng pagkain. Order for yourself, too."

Hindi nakapagsalita si Niana. She was in shock. Natatakot siya sa puwedeng mangyari lalo na at narinig ng supervisor niya na halata rin ang gulat sa mukha ang sinabi ni Cavin.

Naupo si Niana at tumawag sa restaurant sa ibaba ng office para mag-order ng Japanese food. One serving lang para kay Cavin dahil hindi naman niya makakain iyon.

"Lalabas na muna ako." Niana stuttered. "Magtatrabaho na ako. Kung sakaling meron kang kailangan, s-sabihan mo na lang ako.

Cavin was about to protest, but before he could even talk, Niana already left the room, running. Mukhang wala rin itong balak sumunod sa kaniya o makinig kaya hinayaan na niya.

Mabagal na naglakad si Niana papunta sa opisina. Natatakot siyang kumalat sa office ang tungkol sa kanila ni Cavin kahit wala naman talaga. Kung ano-ano na ang scenario na pumapasok sa isip niya at naisip pang baka mapag-usapan siya sa floor.

Isa iyon sa ayaw ni Niana kaya sa tuwing may susubok na manligaw sa kaniya kahit saang department, kaagad niyang sinasabing hindi puwede dahil work ang kailangan niya, hindi boyfriend.

Dumating si Iryn at naobserbahan si Niana. Tahimik itong nagtatrabaho na nagsuot pa ng earphones. Hindi ito ngumiti sa kaniya o bumati at naintindihan niya iyon. Nakita naman niya sa mukha ni Niana ang gulat.

Ginawang busy ni Niana ang sarili dahil wala siyang mukhang maiharap kay Iryn kahit na katabi lang naman niya ito. Pinuntahan na lang niya ang bawat department para ibigay ang hard copies ng memo at kuhanin ang mga nire-request ng boss niya.

Cavin was busy talking to Hawk Montecristo outside his father's office when he heard a familiar footstep and he wasn't wrong. It was Niana who stared back at him and stopped walking.

"Conference room eight," Cavin said without breaking the stare. "You, too, Iryn."

Nakapamulsang naglakad si Cavin kasabay ng lawyer na kasama nito at basta na lang nilagpasan si Niana.

"Magagalit ba siya sa 'kin?" tanong ni Iryn nang makalapit si Niana. "Niana, sorry, hindi ko alam."

Umiling si Niana at mahinang natawa. "Hindi 'yan, Miss Iryn. Baka may sasabihin lang po."

Hindi rin naman alam ni Niana kung ano ang plano ni Cavin. Kung puwede lang na huwag niyang pakinggan ay ginawa na niya. Kung puwede lang din niyang sabihin kay Iryn ang totoo, pero bayad na si Cavin sa kaniya.

Tumigil sa pag-uusap sina Cavin at Hawk nang bumukas ang pinto at nagtama ang tingin nila ni Niana. Itinuro niya kung saan ito uupo, sa upuang malapit sa kaniya.

"Anong meron?" tanong ni Niana habang nakatingin kay Cavin.

"This is Atty. Hawk Montecristo," pagpapakilala ni Cavin sa lawyer ng pamilya nila. "I personally called him because . . . Iryn, no offense meant, I know we can trust you, but I just can't risk it."

Married, Concealed, Appealed (East Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon