Nakatitig si Niana sa wall paint ng baby room na ipinagawa ng mommy ni Cavin dahil pagkagaling sa ospital, nagpadiretso ito sa mansion ng mga Karev. Si KA na rin ang mismong nag-drive para sa kanila.
Tumawag si KA ng backup para puntahan ang mga magulang ni Cavin. Nagpunta na rin doon si Iryn para mag-assist dahil gustuhin man ni Niana na tumulong, kailangan niyang asikasuhin si Cavin.
Hinaplos ni Niana ang buhok ni Cavin dahil nakatulog ito habang nakasalampak siya sa carpet ng baby room at ginawang unan ang legs niya.
Bumukas ang pinto ng nursery. It was KA. He gave Niana a glass of water before leaning on the wall.
Dim lang ang ilaw ng kwarto dahil nakabukas ang lamp na mayroong projection ng stars, moon, and the entire solar system. Bukod pa sa glow in the dark na painting ng mismong saturn sa pader.
"Kinakabahan ako, KA," Niana murmured while staring at Cavin. "H-Hindi siya umiyak. Hindi ko alam ang nararamdaman niya at natatakot ako sa mangyayari."
"Everything's gonna be okay, Niana. Huwag ka na munang mag-overthink. Let him rest first and whe—"
Umiling si Niana at sinalubong ang tingin ni KA. Ramdam niya ang panginginig ng lalamunan dahil sa kaba at takot na nararamdaman. "No, KA. Weakness ni Cavin ang mommy niya. A-Alam kong mahihirapan siya at . . ."
KA remained quiet and Niana started sniffing.
"Nandito kami sa posisyong ito dahil sa mommy ni Cavin. We got married because it was her request. C-Cavin offered me a deal because of his mom." Nanginginig ang boses ni Niana dahil pinipigilan niyang umiyak. "N-Nasa sitwasyon kaming ito dahil sa request ng mommy niya. W-What if . . . dahil wala na ang mommy niya, iiwan na niya ako?"
Naupo si KA sa tabi ni Niana at sumandal sa sofa habang nakatingin sa pader. "Parang hindi naman 'yun ang nakikita ko. People around you aren't stupid to know that he loves you, Niana. Everyone's aware of that."
Niana looked down and felt her wedding ring before looking at Cavin who was peacefully sleeping. She then covered her mouth to contain the sobbing. Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng mga nangyari.
"Nasa Business Insider na rin ang nangyari," bulong ni KA. "I'll be outside. I'll just call Tito Hero and make sure everything's okay. You should rest, too. You're gonna need that in the next few days."
Tipid na ngumiti si Niana at tumango.
Paglabas ni KA, hinaplos ni Niana ang tiyan at mahinang bumulong para magpasalamat dahil hindi nagtuloy ang sakit ng puson niya. Para lang siyang nagkaroon ng feeling na may menstruation and if felt better when they got home.
Ipinagpatuloy niya ang paghaplos sa buhok ni Cavin. Kung ano man ang mangyari sa mga susunod, kailangan siya ni Cavin. Hindi siya aalis, tulad ng pakiusap nito sa kaniya.
Alam ni Niana sa sarili na kahit hindi makiusap si Cavin, hindi siya aalis sa tabi ng asawa. They were married and she would support Cavin regardless of the situation. Good or bad, she would stay.
Nagising si Niana at naramdaman ang mainit na hangin na nanggagaling kay Cavin. Nakasubsob ang mukha nito sa gilid ng ulo niya habang nakayakap ang braso sa kaniya at hawak ang tiyan niya.
Ipinalibot niya ang tingin sa kwarto nang ma-realize na kwarto na iyon ni Cavin. Bago na rin ang damit na suot niya at hindi na namalayan na humimbing ang tulog niya.
Maingat na tinanggal ni Niana ang braso ni Cavin sa kaniya at hinalikan ang asawa bago lumabas ng kwarto. She was already wearing Cavin's oversized hoodie and an underwear. Malaki naman kaya nagmukhang dress at hanggang tuhod pa nga.