Thirteen hours and it was the worst pain Niana ever experienced. There were times she had been crying but mostly sleeping. Ilang oras na, pero hindi pa rin lumalabas ang baby niya.
Kung tutuusin, puwede naman na cesarean section, pero ayaw pumayag ni Niana. Alam niya sa sarili na kaya niya, kaunting hintay lang, kaunting sakit pa.
Sa tuwing nagigising si Niana dahil sa sakit, napapipikit na lang siya at mahinang humihikbi at lumuluha. Gusto na niyang makita ang anak, ngunit gusto munang magpahirap sandali.
Yakap niya ang malaking unan para suportahan ang malaki niyang tiyan. Natutulog ang mama niya sa sofa ng kwarto at nagpaalam naman ang papa niya para bumili ng pagkain sa cafeteria.
Panay ang tawag at text ng mga kaibigan niya kung kumusta na ba siya. Alam ng mga ito na nagle-labor na siya kaya naman panay hingi ng update, minsan din na nagse-send ng mga nakatatawang pictures baka sakali raw mapaire na siya kaagad.
Ilang beses huminga nang malalim si Niana nang maramdaman ang pagkirot ng tiyan niya. Mahina niyang kinakausap ang anak na kung puwede sana ay lumabas na para makauwi na sila dahil nahihirapan na rin siya.
Paulit-ulit niyang pinakikinggan ang kantang Pelikula dahil iyon ang naging wedding dance nila ni Cavin. She wished for him to be around during their daughter's birth, pero tulad nga ng sinabi ni Win, nasa ibang bansa si Cavin para sa importanteng deal.
"'Di bale," hinaplos ni Niana ang tiyan at bumulong, "magkikita rin kayo ng daddy mo soon, busy lang 'yun. Marami kasing work kaya iintindihin muna natin, okay?"
Imbes na magmukmok, kinuha ni Niana ang children's book na nabili niya sa isang bookstore para magbasa nang medyo malakas. Gusto niyang marinig ng anak niya iyon. Iyon na rin ang madalas niyang ginagawa bago pa man siya umuwi ng probinsya, dahil ganoon ang naging routine ni Cavin noong magkasama sila.
Cavin would read stories for their baby. Nakatapat ito noon sa tiyan niya at kinakausap o kinukuwentuhan.
Isa iyon sa nami-miss ni Niana bukod sa presensya ng asawa. Ang pag-aalaga sa kaniya, ang random na pagyakap, at ang pagbulong na mahal siya.
Kahit hindi alam ni Niana kung matatanggap ba ni Cavin ang message niya dahil nasa ibang bansa nga ito at wala namang Facebook o Messenger, nag-message pa rin siya na manganganak na siya.
Kung hindi interesado, okay lang. Ang mahalaga, nasabi niyang lalabas na ang anak nila.
Huling tawag niya noong sumagot si Cavin at pagkatapos noon ay wala na. Minsan na lang siyang humihingi ng update kay Winslet, pero nasa ibang bansa ang asawa niya at hindi pa nagre-report sa kanila o malamang na kay Iryn lang.
Biglang naalala ni Niana ang tawag na natanggap niya noong lumipat siya sa probinsya. Lawyer iyon ng mga magulang ni Cavin at kung sakali man daw na mag-decide siyang ipa-annul ang kasal niya kay Cavin, kalahati ang makukuha niya sa asawa.
Naalala ni Niana na napag-usapan nila ni Cavin kasama ang parents nito ang tungkol sa prenuptial agreement, pero walang bisa ang pagpirma niya, dahil hindi pumirma si Cavin.
Kahit na pag-aari niya ang kalahati ng Karev Telecommunications Company at iba pang ari-arian ng asawa, wala siyang plano na kunin ang mga iyon.
Bago pa man siya manganak, inayos na ni Niana ang buong kwarto niya sa probinsya. Bumili pa nga siya ng bookshelves at pinuno iyon ng mga libro para sa anak. Ginawa niyang busy ang sarili para hindi mag-isip ng kung ano.
Instead of staying on the second floor, Niana had a customized bedroom on the ground floor, near the kitchen area, for easier access to anything. Mayroong malaking kama para sa kanila ng baby, pero mayroon ding naka-ready na crib just in case kailanganin. Kung sa damit, halos hindi na mabilang ni Niana kung ilan ang nilabhan at itinupi nila ng mama niya dahil bukod sa mga nabili niya, nagpadala ang mga kaibigan niya ng dalawang box ng mga gamit at damit.