Cavin wanted to punch himself. Gusto man niyang bawiin ang sinabi, pero mas magagalit ang mommy niya kapag nalaman nitong nanggamit siya ng iba at baka mas mapabilis pa nga ang paghahanap nito ng babae para sa kaniya.
"Niana?" Nakakunot ang noo ng daddy niya at mabagal ang pagsasalita. "Are you being serious, Cavin? We're not kidding here."
And he knew that his parents weren't kidding.
"Yes, Dad." Cavin massaged his temple and closed his eyes. Hindi na niya alam kung paano pa babawiin ang sinabi. "We've been secretly seeing each other for like three months."
His mom stood up and shook her head. "I refuse to believe this, Cavin. If you're using that girl j-just to hinder this plan, stop it now. Tell me the truth."
"It's true," seryosong sambit ni Cavin at pumikit muna bago ibinalik ang tingin sa mga magulang nang biglang may maalala. "H-Her perfume's even inside my car. I am actually using her perfume as my car freshner."
Nagkatinginan ang mga magulang niya na para bang nag-uusap ang mga mata kahit wala namang sinasabi. Nakakunot ang noo ng mommy niya, ganoon din ang daddy niya na parang hindi makapaniwala.
"I wanna believe you but . . . aside from today, hindi ko kayo nakikitang nag-uusap o nagkakasama man lang sa office," sabi ng daddy niya. "Cavin, Niña's a nice girl. Please, d-don't drag her into this."
"Niña?" nagtatakang tanong ni Cavin.
His dad chuckled. "That's her nickname, ass. Now that you didn't know about that, mas lalo akong hindi naniniwala."
"That's because I am—I like calling her Miss Baby." Cavin bit his inner cheek. He wanted to run as fast as he could to avoid any more questions, but based on his mom's look, there was no chance at all.
"I am serious here, Cavin Rios." His mom's voice filled his ear. "Hindi ako nagbibiro."
Cavin shook his head. "Do I look like I'm joking?"
Nakatitig sa kaniya ang mommy niya at halatang hindi naniniwala. Naniningkit ang mga mata nito at sigurado siyang nag-iisip tungkol sa sinabi niya.
"I wanna see her perfume," his mom uttered. "Show me her perfume and I'll believe you kahit thirty percent, Cavin Rios. Hindi ako nagbibiro."
Umiling si Cavin at tumayo. Hindi niya alam kung magiging convincing ba ang arte niya, but the fact that Niana's perfume was in his car, it could work.
Naunang lumabas si Cavin papunta sa parking area ng mansion. Bigla siyang nagsisi sa sinabi at mukhang imposibleng makatakas sa bagay na pinasok niya. Kung bakit ba naman kasi si Niana ang una niyang naisip, kung bakit ba naman kasi hindi na lang isa sa mga naka-hookup niya.
Cavin could hear some footsteps behind him. Hindi siya nagkamali nang makitang naka-cross arms ang mommy niya habang nasa gilid niya.
Pumasok si Cavin sa kotse at kinuha sa compartment niya ang pabango ni Niana. Simula nang makuha iyon kay Niana, nasa kotse na lang niya iyon.
Iniabot niya sa mommy niyang masama ang titig sa kaniya ang maliit na bote.
"Here." Cavin let out a deep sigh. "See? I'm telling the truth."
Nakatitig ang mommy niya sa bote ng pabango. Hindi niya alam kung sapat bang maging pruweba ang bote ng pabango, pero kung maniniwala ito, okay. Kung hindi, e 'di hindi.
Lumapit na rin ang daddy niya ang tiningnan ang nasabing pabango. "So, it's really her, ha?" Naningkit ang mga mata ng daddy niya.
"I guess," his mom responded. "The name Leigh Niana is here."