Ang buong akala ni Niana, sa pelikula lang nangyayari ang scene na nanganganak ang bidang babae, tapos biglang darating ang bidang lalaki para samahan sa panganganak ang asawa at ibubulong na maayos lang ang lahat.
It was all a movie scene until it happened to her.
Kung tutuusin, simula nang makilala niya si Cavin, halos lahat ng nangyari sa kaniya ay parang senaryo sa pelikula; ang pagpapakasal nila, ang pag-o-offer nitong bayaran siya nang milyon, ang hindi lang nangyari ay itaboy siya ng mga magulang ni Cavin dahil minahal din siya.
Hinipan ni Niana ang sabaw na dala ng papa niya at humigop dahil ramdam na ramdam niya ang gutom dahil sa panganganak.
Nagpaalam muna ang mga magulang ni Niana kung puwede bang umuwi na muna sila, tutal ay magkasama na sila ni Cavin at pumayag si Niana dahil wala pa ring tulog ang mga ito.
Nilingon ni Niana si Cavin at nakatalikod itong nakaharap sa bintana, mahinang kumakanta, habang buhat ang anak nilang dinala pagkagising niya noong umaga para mapadede ito.
Niana smiled when she heard what Cavin was singing. It was Pelikula again, the song they sang during their wedding dance.
"Isayaw mo ako, sinta, ibubulong ko ang musika. Indak ng puso'y magiging isa," Cavin murmured and hummed. "Takbo ng mundo'y magpapahinga. Parang isang pelikula, ilayo man tayo ng tadhana . . . bumabalik sa bawat eksena, ikaw at ako, wala nang iba."
Ibinalik ni Niana ang tingin sa sabaw habang nakangiti.
Nag-explain na rin si Cavin tungkol sa nangyari at tumigil lang nang dumating ang mga magulang ni Niana, pinakain sila ng dinner, hanggang sa muling makatulog si Niana dahil sa pagod. Ganoon din si Cavin na inihiga lang ang ulo sa gilid ng kama.
"Sabi ng doctor, okay naman daw ang lahat kay baby, normal ang result ng lahat ng test." Humarap si Cavin kay Niana. "Thank you . . . for our daughter."
Mahinang natawa si Niana habang nakatingin kay Cavin at sa anak nilang nagmukhang manika sa liit na mas lalong lumiit nang buhatin ni Cavin. Mukhang height pa nga yata ni Niana ang nakuha ng anak nila.
"Mukhang manika si baby sa 'yo." Niana chuckled. "After ko kumain, ikaw naman. Ako na muna ang bahala sa kaniya. Mabuti rin at maraming dalang pagkain sina Papa."
Hindi sumagot si Cavin at naka-focus sa mukha ng asawa. Medyo namamaga pa ang mga mata nito dahil sa panganganak, nakatirintas ang buhok, at mukhang nahihirapan pa dahil masakit ang katawan.
Ang buong akala ni Cavin, itutulak siya palayo ni Niana, pero hindi. He was even the first person to carry their daughter and it was the unexpected.
"Bakit ganiyan ka makatingin?" nagtatakang tanong ni Niana dahil nakatitig sa kaniya si Cavin at nakaramdam siya ng pagkailang. "Huwag mo akong titigan. Manas na manas ako."
Cavin didn't say anything and walked toward Niana to kiss her forehead.
Hindi nakapagsalita si Niana dahil bago pa man siya makapag-react, lumayo na ulit si Cavin para isayaw ang natutulog nilang anak na halos hindi nito mabitiwan. Sa tuwing sinasabi niyang ibaba na dahil tulog, hindi nakikinig si Cavin, at sinasabing ayos lang.
Never nag-imagine si Niana na makikita o makakasama niya si Cavin sa panganganak dahil ayaw niyang masaktan. It became her coping mechanism not to imagine things to avoid disappointments.
Nag-stop na rin siya sa expectations dahil mas madalas na iba ang reality.
One of Niana's defenses was to conclude things before they would happen so she could make options and possible decisions as soon as possible. Palagi siyang gumagawa ng things to consider.