Chapter 42

46.1K 1.5K 315
                                    

Niana immediately hugged her mother when they arrived. It wasn't a long drive since they traveled as early as possible. Halos madilim pa, nasa daan na sila papunta sa probinsya ng mga magulang niya.

"Pumasok na kayo roon! Pawis na pawis ako, yakap ka nang yakap, Niña!" paninita ng mama ni Niana. "Kumusta naman ang biyahe ninyo?"

"Na-miss kaya kita!" Niana frowned. "Okay naman po kasi tulog naman buong drive si Vianne. Hindi na rin naman kami nagpa-drive, e. Kaya naman daw ni Cavin."

Nagpupunas ang mama ni Niana ng mga pinggan na gagamitin sa kambingan. Marami na rin silang helper at may mga taga-probinsyang nabigyan pa nga ng trabaho. Ang ilan naman ay sa farm dahil lumalago na rin ito.

Sa tuwing nakikita ni Niana ang businesses na napundar ng mga magulang niya, hindi makapaniwala si Niana na natupad na talaga nila ang pangarap. Madalas niyang iniisip na sana nga ay kasama nila ang Kuya Sean niya, pero may mga bagay na magiging sana na lang.

Hindi sila nakadaan ni Cavin sa sementeryo dahil mayroon silang pinag-usapan na gusto munang i-open up ni Niana sa mga magulang niya. Maaga rin kasi silang bumiyahe para masulit ang dalawang araw dahil kailangan nilang bumalik sa dami ng commitments sa opisina.

Nakikipagkuwentuhan si Cavin sa papa ni Niana habang buhat si Vianne at nagtatawanan ang mga ito lalo na at na-miss ang apo.

"Kumusta naman si Cavin?" tanong ng mama ni Niana. "Nakabisita na ba siya sa puntod ng mga magulang niya?"

Umiling si Niana at kumuha ng kutsilyo para tumulong sa pagbabalat ng mga gulay na gagamitin sa pagluluto. "Hindi pa, Ma."

"Hayaan mo na lang muna. Ganiyan ka rin noon, e. Hindi ka na lang din namin pinilit dahil alam namin na isang araw, magkukusa kang bumisita sa kuya mo." Ngumiti ang mama niya. "Hayaan mo lang muna siya."

"Ang inaalala ko, Ma," huminga nang malalim si Niana at bahagyang nilingon si Cavin na humahalakhak sa mga kuwento ng papa niya, "hindi pa umiiyak, Ma. Natatakot akong makita kapag umiyak na siya, baka pati ako, humagulhol."

Niana's mother smiled and breathed. "Hayaan mo lang. Hindi rin naman kasi talaga madali ang nangyari kay Cavin. Kaya noong sinabi niya sa amin ang kasalanan niya sa 'yo, medyo nagalit kami ng papa mo, pero inintindi namin. Hindi kasi madali ang dinadala niya, e."

Biglang naalala ni Niana ang mga nangyari sa kanila ni Cavin. Noong itinulak siya palayo at kaunti na lang ay siya na mismo ang susuko, pero ipinagpasalamat niyang hindi. Totoo nga na palaging may rason ang mga bagay.

Malalim man o mababaw, mayroon pa ring rason. Kahit hindi valid, rason pa rin ang tawag doon. Hindi man kayang tanggapin ng iba, personal na rason pa rin iyon.

Masakit para kay Niana ang mga ginawa ni Cavin sa kaniya, pero asawa niya ito. Pinagsisihan naman ang nangyari, bumabawi naman, at alam mismo nito sa sarili ang mga nagawa sa kaniya.

"Basta, masaya ako sa inyong dalawa." Yumuko ang mama ni Niana. "Masaya akong magkasama na ulit kayo kasi kailangan ninyo ang isa't isa. Mag-asawa kayo kaya sa lahat, dapat partners kayo. Huwag na ninyong uulitin na wala kayong maayos na pag-uusap dahil alam mong hindi 'yun makakatulong."

Tahimik na nakayuko si Niana habang naghihiwa ng carrots para sa lulutuing afritada na kasama sa menu ng kambingan.

Communication ang nawala sa kanila ni Cavin kaya muntik na silang masira. Hindi sila nakakapag-usap noon nang maayos na naging resulta para masaktan nila ang isa't isa. At sa tuwing nakkita ni Niana ang anak nila, naaalala niya ang gusto niyang gawin.

Niana wasn't really good with communicating, but when Cavin became hers, nagkaroon siya ng pagkakataon para baguhin ang dating nakasanayan na hindi na pupuwede dahil mayroon na siyang kasama sa buhay.

Married, Concealed, Appealed (East Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon