Trigger Warning: Mentions of suicide
Kung puwede lang bawiin ni Cavin ang tungkol sa pagtatanong kung sino si Sean, ginawa na niya dahil buong magdamag siyang hindi nakatulog nang magsimulang umiyak si Niana.
Hanggang sumikat ang araw, bigla na lamang tumayo ang asawa niya, naligo, nagbihis, at nag-prepare sa pag-alis nila.
Cavin even had to explain to his parents what happened, and they understood.
Dumaan muna sila sa isang flower shop at si Cavin na mismo ang bumaba dahil nakasandal lang ang ulo ni Niana sa bintana. He never expected that his curiosity would lead Niana into this.
The whole drive was quiet until they reached the cemetery. Cavin gazed at Niana who breathed multiple times before getting out of his car.
Hawak ni Niana ang bulaklak at parang nanlalambot habang naglalakad papunta sa libingan ni Sean, ang kuya niya. Hindi niya alam kung magpapasalamat ba siyang nagtanong si Cavin, o magagalit.
"Look, I'm sorry for asking," Cavin murmured when Niana started removing some of the leaves on top of Sean's gravestone.
Leighton Sean Talvo—I'll Miss You and I'll Still Love You
Sumalampak si Niana sa damuhan at ibinaba ang bulaklak na binili ni Cavin. Tumabi rin sa kaniya ang asawa at tahimik na tinanggal ang tuyong dahon habang nakayuko tulad niya.
Ipinalibot ni Cavin ang tingin sa buong lugar. The cemetery was peaceful but a bit crowded. Bukod sa mayroong parte kung saan patong-patong ang mga nitso, mayroon ding area na nasa lupa ang mga nakalibing tulad ng sa kapatid ni Niana.
Medyo malamig pa rin dahil maaga pa. Walang ibang tao bukod sa ilang naglilinis.
"He's five years older than me," Niana broke the silence. Tinatanggal niya ang maatas na damo sa gilid ng lapida ni Sean. "As in kuya ko talaga siya. Palagi niyang inaaway 'yung mga nambu-bully sa akin. Palagi kaming magkasama, palagi kaming magkalaro."
Cavin was intently listening to his wife. "I'm really sorry for asking. I didn't know it's this heavy."
"Okay lang." Niana smiled at him and sat properly. She even hugged herself and rested her chin on her knees. "Two years ago, my brother died . . . no, more like committed suicide."
Nagulat si Cavin, pero hindi niya iyon ipinahalata. Hindi niya inalisan ng tingin ang asawa na mayroong namumuong luha sa gilid ng mga mata.
"Kung napansin mo noong nagpunta ka sa bahay, wala siyang picture, hindi napag-uusapan, ni hindi ko nabanggit bago tayo ikasal." Mahinang humikbi si Niana. "K-Kasi Cavin, nasa in denial stage pa ako. Gusto kong isipin na wala na lang akong kapatid kasi sobrang lala. Sobrang sakit, sobrang . . ." Niana gulped and breathed. "Hindi ko matanggap."
"Hey, baby." Hinaplos ni Cavin ang likuran ni Niana nang magsimula itong humagulhol. "You don't have to force yourself to tell me. Hindi ko sinasadyang magtanong and if I trigge—"
Umiling si Niana at kaagad na pinutol ang sasabihin ni Cavin. "Actually, gusto kong magpasalamat. Iniyak ko lahat kagabi, dahil sa loob ng dalawang taon, hindi ko narinig ang pangalan ni Kuya. I had him tattooed, that was it. Kahit na kailan, hindi na siya napag-usapan sa bahay."
"M-May I know why?" Cavin was getting curious.
"Alam kong nagpupunta pa rin sina Mama at Papa rito, pero hindi sila nagsasabi. Alam kong nasa grieving pa rin sila, pero . . . nag-iingat sila sa akin." Niana bit her lower lip when it started to shake. "A-Ako kasi ang nakakita kay Kuya."
Cavin wanted to stop Niana from telling him about what happened because he could see the pain from his wife's eyes.
"Excited akong umuwi, kasi birthday ko. E-Excited ako kasi bumili ako ng cake. Pag-uwi ko, nagluluto ng handa si Mama. Tinanong ko kung nasaan si Kuya, sabi naman ni Papa, natutulog." Niana gasped and tapped her chest. "Pagpasok ko . . . n-nakabitin si Kuya."