Chapter 37

49.6K 1.6K 830
                                    

Note: Perspective ito ni Cavin simula nang mamatay ang parents niya hanggang sa manganak si Niana. Long chapter ahead  with 12,300 words. Enjoy or good luck sa haba! LOL





"Love, okay lang umiyak."

"That's the thing." Cavin stood up and shook his head. "I can't cry, Niana. Hindi ko ako makaiyak, b-but it hurts."

Umiwas ng tingin si Cavin kay Niana at kaagad na iniwan ang asawa sa kwarto ng daddy niya nang makita nilang wala na ito.

He became scared and a coward because the things he feared the most happened in just a snap. Both his parents were gone, and he didn't know how to react.

Nagmamadaling lumabas ng bahay si Cavin dahil hindi siya makahinga. His breathing became rugged and he didn't know how to calm. His chest was being compressed by something invisible and he thought maybe that was pain.

"Saan ka pupunta?" tanong ni KA habang nakatingin sa kaniya.

Cavin didn't answer and immediately rushed towards one of the bodyguard's cars since it was the closest he could take. Wala na siyang pakialam sa ibang tao, dahil gusto niya lang sandaling huminga.

He didn't know where to go until he found himself in the heavy traffic of the Metro.

Hindi pa nagpoproseso kay Cavin ang pagkawala ng mommy niya. Hindi niya matanggap na sa isang iglap, wala na ang paborito niyang sandalan kapag mabigat na ang lahat, na darating ang oras na tuluyan na niyang hindi makikita ang ina, pero kaagad sumunod ang daddy niya.

Cavin was in pain. His chest tightened, and he wanted to cry but couldn't. All he did was stare at people walking by the sidewalk, those running towards the ride they were chasing, the cars beeping, those annoyed faces of strangers, and think if they would feel the same if they lost someone they loved.

Lahat ng puwedeng likuan, pinuntahan ni Cavin. He wanted to get away because he was in denial. Hindi niya kayang tanggapin na sa isang iglap, nawala ang mga magulang niya.

Sa isang iglap, ulila na siya.

Gusto man niyang magalit sa daddy niya dahil mayroon pa silang usapan na sabay nilang ililibing ang mommy niya, pero mali pala. Sasabay pala ang daddy niya sa paglibing sa mommy niya at siya lang mag-isa ang titingin sa dalawa dahil piniling iwanan na siya.

Cavin was a grown-up; he knew that. But age doesn't actually matter when one loses a parent. What more when someone loses both parents?

Sandaling huminto si Cavin nang makita ang malawak na dagat ng Metro. Gusto niyang tumingin sa kawalan kahit na wala roon ang kasagutan sa mga katanungan niya tulad na lang kung bakit.

Walang dalang phone si Cavin dahil bigla na lang siyang umalis. Ayaw muna niyang umuwi sa ganoong sitwasyon dahil ayaw niyang makita siya ni Niana na mahina.

Niana, his wife, shouldn't see him this weak. His wife was pregnant and he couldn't risk her even more. Ni hindi maalis sa isip niya ang lungkot at takot sa mga mata nito nang makita ang daddy niya. Naisip ni Cavin na sana ay siya na lang ang pumasok sa kwarto para tawagin ang ama, pero huli na para sa mga sana dahil may mga bagay na hindi na maibabalik. Panay ang suklay niya sa sariling buhok habang pilit pinakakalma ang sarili.

Hindi na alam ni Cavin kung ilang oras na siyang wala nang maisipang umuwi. Maraming tao sa labas ng bahay nila dahil nandoon ang hired bodyguards ng pamilya niya. Mayroon ding ilang kotse na hindi pamilyar sa kaniya.

Pagbaba ni Cavin, bumati sa kaniya ang lahat, pero ni isa wala siyang pinansin. Dumiretso siya sa loob ng bahay at naabutan si KA na kausap ang isa sa mga helper ng bahay nila.

Married, Concealed, Appealed (East Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon