Cavin was playing with his pen while listening to a lecture. It was one in the afternoon and he was in the middle of an accounting class. Gusto na niyang umuwi dahil inaantok siya lalo na at malala ang hangover niya.
Isang linggo na rin simula nang makalabas ang mommy niya sa ospital. Simula rin noon, kahit may kalayuan ang bahay nila sa school, doon siya tumutuloy para makasama ang ina.
They hired a private nurse and a doctor was checking his mom daily to monitor her health. Nalaman din ni Cavin mula sa daddy niya at sa doctor na nagkaroon ng heart problem ang mommy niya na naging dahilan ng hirap nito sa paghinga paminsan-minsan.
His dad also called someone for Europe na puwedeng tumulong para mas ma-monitor ang mommy niya. Kung tutuusin, ready na silang dalhin ang mommy niya sa ibang bansa para mas matingnan, pero hindi binigyan ng medical clearance dahil kailangan munang magpagaling.
"Dude, you okay?" Zayned asked. "Kanina ka pa tahimik. What's happening?"
Cavin shook his head. Kahit isa sa kaibigan niya, walang nakaaalam kung ano ang nangyayari, even Zayned na family friend talaga nila. Sabay silang lumaki, pero matagal silang hindi nagkita until college.
"I'm okay," Cavin said and checked his phone. "Kailan pala ang gig ninyo?"
"Huwag mong iibahin ang usapan," sagot ni Zayned. "Yosi tayo mamaya?"
Tumango si Cavin at ibinaling na lang ang atensyon sa professor nilang nagle-lecture kahit na wala siyang maintindihan.
Dumiretso sina Cavin at Zayned sa labas ng campus kung saan mayroong area na puwede silang magyosi. Iniwan din muna nito ang girlfriend kasama ang mga kabanda.
"So, dating gawi ba ito?" natatawang tanong ni Zayned. "Huhulaan ko o magsasabi ka?"
"Magsasabi para hindi na humaba ang usapan." Humithit si Cavin bago ibinuga ang makapal na usok. "Mom's sick. Please, keep this a secret. I am trusting you, asshole."
Zayned remained quietly staring at Cavin.
"Please don't let anyone know." Cavin gazed at Zayned. "I am trusting you with this, please, I am begging you."
"Of course." Zayned tapped Cavin's back. "It's not my story to tell, bro."
Cavin was thankful that Zayned didn't push it.
Nag-stay muna sina Cavin at Zayned sa likuran ng school at pinag-usapan ang tungkol sa sitwasyon ng mommy niya bago bumaling ang topic sa ibang bagay tulad na lang ng pagbabanda nito.
Cavin was close with Zayned, but not with the band. Minsan lang silang nagkakasama sa school dahil magkaiba sila ng group of friends kahit na sila mismo, may sarili ring grupo na kasama ang kababata nila.
Pagpasok nila sa school, muling tiningnan ni Cavin ang phone niya. It had been a week since he talked to Niana. Kung tutuusin, sa hospital pa ang huli nang mag-stay sila roon nang dalawang araw pa.
Cavin tried calling Niana. Ilang beses niyang sinubukan, pero walang sagot kaya nag-iwan na lang siya ng text lalo na at nagtatanong ang mommy niya tungkol sa dinner kinagabihan.
Niana was busy answering her test paper when she felt her phone vibrate. Ilang beses na, pero hindi niya magawang sumagot dahil istrikto ang professor niya kapag exam at bawal ang phones.
Ilang gabi na siyang walang tulog dahil iniisip niya ang sinabi ng mommy ni Cavin mahigit isang linggo na ang nakalipas. Hindi pa nila muling napag-usapan iyon dahil hindi pa siya nagpapakita sa binata kahit sa office pa.
Aaminin niyang umiiwas siya, dahil hindi niya alam ang gagawin. Hindi naman nila inasahan na aabot sa ganoong tanungan ang pag-arte nila.
It was supposed to be a one-month thing, but Cavin's mom was into her. Madalas pa nga itong tumatawag sa kaniya para lang kumustahin siya na hindi niya magawang hindi pansinin.