Chapter 39

48.8K 1.7K 763
                                    

Cavin was questioning himself if he even deserved everything he had, especially Niana and Vianne, but whenever he was in doubt, his wife would make sure it was going to be okay.

Open naman si Niana kay Cavin tungkol sa sakit na naramdaman niya dahil sa mga nangyari sa kanila, pero hindi na roon nag-focus ang asawa niya. Instead, Niana told Cavin that they would just focus on the current situation. Mas makabubuti iyon sa kanila kaysa balik-balikan ang nakaraan at paulit-ulit na lang saktan ang sarili nila.

Ipinalibot ni Cavin ang dalawang braso sa baywang ni Niana. It was four in the morning and they couldn't sleep. Their body clock was fucked up but they were enjoying it.

Hinalikan ni Cavin ang leeg ni Niana dahil nakaupo itong paharap sa kaniya habang nakasandal siya sa headboard ng kama. Tinanggal niya ang pagkakabutones ng pajama ni Niana at bumaba ang pagkakahalik mula sa labi, sa leeg, hanggang sa gitnang dibdib ng asawa niya.

Niana shut her eyes when she felt her husband's rough hands caressing her back while kissing the valley of her breast. All she did was brush his hair and breathe. They both missed being intimate, but all they could do was make out.

"Kumusta ang biyahe mo?" tanong ni Niana at humiwalay kay Cavin. "Hindi ka ba nahihirapan?"

Cavin smiled and breathed. "To be honest, nahihirapan na ako. Pero kung mas gusto talagang tumira dito sa probinsya, it's gonna be okay," he whispered. "What if bumili na lang ako ng chopper para hindi na ako mag-travel by land?"

Nanlaki ang mga mata ni Niana habang nakatitig kay Cavin at alam niyang hindi nagbibiro ang asawa niya. Alam niya na kapag sinabi nito, kayang gawin, pero hindi efficient iyon. Masyadong magastos.

"Nakapag-decide na rin naman ako," sabi ni Niana habang tinatanggal ang buhok na humaharang sa mga mata ni Cavin. "Babalik na tayo ng Metro. Tutal one month na rin naman na si Vianne, okay na rin naman na ako, puwede na."

"But," Cavin frowned, "but your parents?"

Lumapit si Niana kay Cavin at inihilig ang ulo sa balikat ng asawa na mas humigpit pa ang pagkakayakap sa kaniya. "Okay naman na sina Mama rito, nasabi ko na rin sa kanila ang plano, at mas nag-agree pa sila para daw magkakasama na tayong tatlo."

Hinaplos ni Cavin ang likuran ni Niana at paminsan-minsang hinahalikan ang noo ng asawa. "Kung saan kayo ni Vianne, roon ako. Hindi na nga ako makatulog kapag hindi ko kayo kasama kaya umuuwi talaga ako kaagad rito, e. I'm sorry for being clingy."

Ngumiti si Niana at hinalikan sa leeg si Cavin bago humiwalay sa pagkakayakap ng asawa. "Ang bilis ng panahon. Isang buwan na si Vianne ngayon. Parang noon lang, nagle-labor ako, ngayon . . . isang buwan na."

Cavin leaned to kiss Niana on the lips and they started making out, but he had to withdraw to stop what they were doing. Niana wasn't fully healed yet and he didn't want to hurt his wife.

Maingat na tumayo si Cavin habang nabuhat pa rin si Niana at inihiga ang asawa sa kama. Paulit-ulit niya itong hinalikan sa labi at bumulong na lalabas na muna.

Hindi alam ni Niana kung bakit, pero nang humiwalay si Cavin, kinuha nito ang basket na mayroong maruruming damit ni Vianne at ang container na may mga gamit na bote ng gatas.

"You sleep," Cavin whispered. Sumilip din muna ito kay Vianne na natutulog sa crib. "She's sleeping. Go sleep, too."

Isang buwan matapos manganak ni Niana, nag-stay sila sa probinsya para matulungan siya ng mama niya sa pag-aalaga kay Vianne dahil pareho sila ni Cavin na walang alam kung paano ba. Her mom guided them and taught them the basics.

Cavin was too involved with their daughter. Mas madalas pang ito ang nagpapatulog kaya medyo pahirapan kapag umaalis para bumalik sa Metro dahil may trabaho, dahil hinahanap ni Vianne ang pagpapatulog ng ama.

Married, Concealed, Appealed (East Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon