Letting go of the person who made an impact on someone's life wasn't the easiest. It was actually the hardest for Niana. She was used to leaving people behind, she was so used to removing someone's existence from her life, but not Cavin.
Masakit para kay Niana ang tuluyang umalis sa sistema ni Cavin, pero kung iyon ang gusto ng asawa niya, wala na siyang magagawa.
Mahigit isang buwan nang nakatira si Niana sa probinsya kasama ang mga magulang. Hindi na siya pumapasok sa school, hindi na niya naaasikaso ang pag-aaral, at tumulong na lang sa pagtatayo nila ng mini grocery, kambingan, at ang farm na nabili niya.
Ang alam ng mga magulang niya, naka-homeschooling pa rin siya dahil sa pagbubuntis niya dahil malapit na siyang manganak. She was on her eighth month, and they had to find a good doctor.
Mabuti na lang din at natulungan siya ni Win sa pagre-research tungkol sa lugar, kung saan ang magandang clinic at kung ano-ano pa.
Nakausap ng doctor na iyon ang doctor niya sa Metro kaya naman nagkaroon ng magandang communication kahit na malapit na siyang manganak.
Hindi ganoon kalaki ang bahay nila sa probinsya. Nabili na nila ang bahay kasama ng lupa ng farm na nasa tabi lang ng kalsada. Sa harapan, nandoon ang mini-grocery at ang kambingan. Sa likuran, naroon ang farm na mayroong mga puno at ilang pananim na naibebenta nila sa mini-grocery at ang iba ay sa palengke.
Malaki ang lupang nabili ni Niana at na-maximize nila iyon dahil kay KA na tumulong tungkol sa farming.
Doon nalaman ni Niana na haciendero pala si KA na nagmamay-ari ng malaking farm somewhere south ang pamilya. Nagpadala pa ito ng mga experienced farmer at ilang empleyado para mag-train sa mga bagong na-hire ni Niana para sa maintenance.
"Hoy, macho!" pagkuha ni Niana sa atensyon ni KA habang nakasakay sa kabayo. "Tubig?"
Lumapit si KA kay Niana habang nakasakay pa nga sa kabayo. Halos lahat ng babaeng nasa loob ng farm at nagha-harvest ng mga kamatis ay nakatingin kay KA na inakala pa ngang tatay ng dinadala niya.
"Naka-topless ka na naman, Mahal na Prinsipe. Alam kong macho ka, pero naglalaway mga kababaihan!" natatawang sabi ni Niana. "Kain muna tayo. Nagluto si Mama ng ginataang munggo, gusto mong tikman?"
Bumaba si KA mula sa kabayo at hinayaan na muna itong nakatali sa gilid. Nakamaong na pantalon si KA, boots na pang-farming, at walang saplot pang-itaas.
Noong una, naiilang pa si Niana dahil hindi naman siya sanay makakita ng ganoon, unless si Cavin na asawa niya. Pero simula nang mapunta siya sa probinsya at nagprisinta si KA na tumulong sa farm, sanay na siya sa katawan nito.
"Bale anim na baka, apat na kabayo, sampung kambing, anim na tupa, at twenty na native na manok ang nadala ko," sabi ni KA at naupo sa kaharap ni Niana. "Okay na muna 'yan para ma-sustain ang farm. Kapag nakapagpatayo ka ulit ng bagong bahay ng mga cattle, magdagdag tayo."
"Ang effort, KA! Pero sobrang thank you sa pagtulong mo sa amin dito. Wala naman talaga kaming alam, pero salamat sa pag-educate rin kina Mama at Papa, pati na rin sa pagpapahiram ng mga worker mo," sabi ni Niana.
KA chuckled and shook his head. "Walang problema. Kapag lumabas ang prinsesa, reregaluhan ko pa siya ng dalawang kabayo kaya kailangan mo na talagang magtayo pa ng mga bahay nila."
Natahimik si Niana at tumingin na lang sa kawalan. Maraming nagtatrabaho dahil bukod sa mga nagtatanim, may construction para sa magiging bahay ng mga dala ni KA. It was so sudden na pati construction firm, galing na sa company ng mga Laurent.
"Saan ka pala manganganak? Okay naman ba 'yung facility? Complete na rin ba ang mga gamit ng baby?" sunod-sunod ang tanong ni KA na ikinatawa Niana.
"Complete na lahat. About sa place kung saan ako manganganak, nakakita na ako ng hospital. Merong clinic doon 'yung nakuha kong doctor and she's nice. Nakausap na rin niya 'yung doctor ko sa Metro kaya may communication na sila tungkol sa paglabas ni baby."