Chapter 5

47.6K 1.7K 301
                                    

Cavin held back after hearing Niana's question. May point ang tanong nito dahil mukhang nasira nga ang ulo niya at ginamit ang pangalan nito bilang girlfriend niya.

"Sir, bakit naman ako?" nagtatakang tanong ni Niana nang hindi sumagot si Cavin. "Baliw ka na ba, sir? Kaya naman pala kung ano-ano pong sinasabi ni ma'am, wala akong idea. Bawiin mo na lang, sir. Baka matanggal ako sa trabaho."

Nilingon ni Cavin si Niana na mayroong pag-aalala sa mukha.

"Look, it wasn't my intention to bring you into this situation. Nabigla lang ako kagabi and I had no choice," Cavin explained. "I'll fix this, okay? For now . . ."

Naghintay si Niana sa susunod na sasabihin ni Cavin dahil tumigil ito sa pagsasalita at mataman siyang tinitigan. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito, pero mukhang siraulo nga talaga.

"What if we pretend for like a month or so and then we'll break up?" Cavin emphasized the word break up while staring at Niana. "Tapos sasabihin ko na lang kina Mommy na hindi nag-work dahil ayaw nga natin na may makaalam?"

Mahinang natawa si Niana at nag-cross arms pa nga. "Siraulo ka nga talaga, sir."

Cavin brushed his hair using his fingertips. Nag-iisip siya ng maaaring gawin dahil sa pinasok niya. Inaasahan niyang walang hakbang na gagawin ang mommy niya, pero maling-mali. Ang malala, nandamay pa siya ng wala namang alam.

"Look, Miss Baby." Cavin stared at Niana. "I am serious about this. Seryoso akong mag-offer na magpanggap ka munang girlfriend ko for a month. At sa harapan lang naman ng parents ko. I will insist na dapat walang ibang makaaalam."

"Bakit kasi hindi ka na lang maghanap ng totoong girlfriend, sir? Kaysa dinadamay mo po ako? Sir, nagtatrabaho ako nang maayos dito sa company ninyo at wala sa plano kong mawalan ng trabaho," diretsong sabi ni Niana. "Huwag naman ganito, sir."

Yumuko si Cavin dahil nakaramdam siya ng konsensya. Hindi lang para kay Niana kung hindi na rin sa mga magulang niya. Nagsinungaling siya and he was never good at lying.

"I had no choice."

"Bakit ba naman kasi ako, sir?" Mahinahon ang pagkakasabi ni Niana dahil anak pa rin ito ng boss niya, pero naiirita siya sa nangyayari. Wala man lang siyang alam. "Siraulo ka ba talaga, sir? Paano kung may boyfriend pala ako, tapos ako ang sinabi mo sa magulang mo?"

Cavin frowned and stared at Niana sideways. She was wearing a simple T-shirt with a small heart print on the left and blue jeans paired with rubber shoes.

Naka-cross arms pa rin itong masama ang tingin sa kaniya. "Bakit, meron ba?" tanong niya.

"W-Wala." Nag-iwas ng tingin si Niana kay Cavin dahil ang lakas niyang umarte, wala naman siyang boyfriend.

"Good," Cavin responded. "Then you'll be my fake girlfriend."

Umiling si Niana at naglakad paatras. "Hindi ako papayag, sir. Sasabihin ko sa parents mo na hindi mo ako girlfriend. Baka mamaya, ito pa ang maging dahilan ng pagkatanggal ko sa trabaho. Hindi puwede, Sir Cavin. Sinasabi ko sa 'yo."

Walang sinabing kahit ano si Cavin. Sumandal siya sa railing ng rooftop, naglabas ng sigarilyo at lighter, at nagsimulang manigarilyo. Wala naman siyang magagawa kung aayaw si Niana. It was his fault, so he would face it.

Naglakad papalapit si Niana kay Cavin. Gusto rin niyang pakinggan kung ano ba nangyari at kung bakit ganoon na lang ang naging trip nito.

"Ano ba kasing nangyari?" Sumandal si Niana sa kaparehong railing, pero may safe distance sa gitna nila. "Bakit naman kasi kailangan mong magpanggap kung puwede namang makahanap ka ng totoo?"

Married, Concealed, Appealed (East Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon