Chapter 27

42.3K 1.7K 310
                                    

It was unexpected and Niana couldn't say anything. She became clouded by fear that people might judge her. Anak ng boss niya si Cavin, kaya hindi malayong iba ang isipin ng mga tao sa kaniya.

Niana used to have a peaceful way of living until Cavin happened.

"C-Cavin, aalis na ako. May klase na ako," paalam ni Niana sa asawa at itinago ang kamay sa likuran para maitago ang wedding ring nila.

Mahinang natawa si Cavin habang nakatitig kay Niana dahil nakaramdam siya ng inis na aalis na naman ito, kaysa harapin ang posibleng maging problema nila. "Ihahatid na kita."

"Cavin, let's talk," Lexie stated and looked sideways, observing people.

"Sinabi ko na sa 'yo, I'm with someone. Lexie, I already talked to you. Hindi ko na sinasagot ang calls mo, I already told you I'm with someone," Cavin bragged. "Gusto mo bang mag-usap tayo ulit?"

Lexie gazed at Niana for a moment before looking at Cavin. "Yes."

"Makikipag-usap lang ako sa 'yo kapag kasama si Niana. I respect our relationship and I hope you'll do the same." Mahina ang boses ni Cavin dahil mayroon pa rin siyang respeto kay Lexie. "Lex, you know I don't tolerate disrespectful relationships. Please, a little respect? That's all I'm asking."

Hindi na nakasagot si Lexie at tumingin kay Niana na nasa likuran ni Cavin. Panay ang patunog ni Niana sa daliri niya sa kaba at gustong-gusto na niyang umalis.

Tinalikuran ni Cavin si Lexie at humarap kay Niana na naglakad na papalayo sa kaniya. 

Cavin then immediately walked towards his wife and held her hand, but he felt her restrain. "Niana." He sighed.

"Papasok na ako, Cavin," mahinang sambit ni Niana at binawi ang kamay na nagkunwari pang may kinukuha sa bag para lang hindi mapansin kung mayroon pa bang nakatingin sa kanila.

Nakita ni Niana ang gulat sa mukha ni Lexie at ng mga kaibigan ni Cavin na naging dahilan para itago niya ang kamay at tumalikod. Ramdam niyang parang sasabog ang puso niya sa kaba.

"Wala sa usapan natin 'yun," mahinang sambit ni Niana at sapat para marinig ni Cavin. "Cavin, may mga desisyon kang hindi pinag-iisipan, e."

Cavin didn't say anything and thought of his wife well-being. Ayaw niyang maging dahilan ng stress ni Niana, pero ayaw din naman niya itong mag-overthink. Sinabihan an siyang doctor na masamang nasasaktan o nag-iisip ang buntis.

"Baby, can we talk first?" Cavin's voice was low and calm. "Please."

Tumango si Niana at sumunod kay Cavin papunta sa kotse para makipag-usap. Mayroon pa siyang fifteen minutes bago ang klase at hindi pa siya nakakapag-review.

"Look, I'm sorry for that decision," Cavin uttered while staring at his wife, who was looking down and was playing with her rings. "I'm sorry kung binigla kita. I'm so—"

"Akala ko ba, itatago natin ito?" Humarap si Niana kay Cavin. "Cavi—"

"Until when?" Cavin casually asked. "You're already pregnant with our baby, love. We already embraced the fact that one day, this . . ." Hinaplos niya ang tiyan ni Niana. ". . . will grow and hindi natin iyon mapipigilan."

Nanatiling tahimik si Niana habang nakatingin kay Cavin na nakatitig sa tiyan niya. Wala siyang masabi dahil mabilis pa rin ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung epekto ba ng pagiging buntis ang pagiging nerbyosa, pero iyon ang nangyayari sa kaniya nitong mga nakararaan.

"Are you still doubting me?" Cavin muttered. "Niana, we're married, having a baby, w-we're building a family."

Niana remained quiet and avoided Cavin's gaze. Luckily, Cavin decided to just remain quiet while caressing her belly. Kahit na wala pa namang umbok, nararamdaman ni Niana na interesado si Cavin sa anak nila.

Married, Concealed, Appealed (East Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon