Chapter 8

41.2K 1.6K 312
                                    

Niana didn't know if she should be thankful or scared that Cavin's parents accepted her as soon as she entered Karev's home.

Wala man lang ipinakitang hindi maganda ang mag-asawa sa kaniya.

A part of Niana wanted them to push him away. Gusto niyang makawala sa deal nila ni Cavin at ibabalik niya ang perang ibinayad nito sa kaniya. Ngunit mukhang malabo iyon dahil pagdating na pagdating, yumakap pa sa kaniya ang mommy nito.

Oo nga at gusto niya ang pera, nakaramdam siya ng konsensya dahil positibo ang pagngiti ng mag-asawa. Nahiya siya sa kalokohan nila ni Cavin.

Magiliw siyang tinanggap ng dalawa. Malapad ang mga ngiting ipinagmalaki ang mga iniluto para sa kaniya.

Ibinalik ni Niana ang tingin sa lamesa. Mayroong steak, pasta, vegetable salad, mga prutas, at mga kulay gold na utensil. Ultimo pinggan, parang napalilibutan ng ginto.

Sa isip niya, ito ang tunay na gold.

Sa pagpalibot ni Niana sa kabuuan ng bahay nina Cavin, kung puwede lang siyang tumakbo palayo dahil natatakot siya sa pinasok niya. Natatakot siya sa puwedeng maging resulta kapag nalaman ang totoo.

Baka hindi lang siya mawalan ng trabaho, alam niyang mayayaman ito kaya naman nakaramdam siya ng takot na baka ipapatay siya. Oo, advanced mag-isip, pero kasi, ganoon sa mga pelikula.

Cavin felt that Niana wasn't comfortable. Katabi niya ito sa dining table at kaharap nila ang mommy niya. Nagkatinginan din sila nito nang makita na hindi mapakali si Niana.

"P-Puwede po ba akong maki-comfort room?" tanong ni Niana dahil parang umaangat ang sikmura niya sa kaba. "Sorry po, ha? Sandali lang po talaga."

Hindi pa naman nagsisimula ang dinner kaya tumayo si Cavin at siya na mismo ang nagprisintang samahan si Niana sa comfort room na malapit sa living area nila. Inilapat niya ang likuran sa likod ng dalaga.

"Are you okay?" mahinang bulong ni Cavin nang makaalis sila sa dining area.

"Kinakabahan ako," sagot ni Niana at sinundan na lang kung saan siya dadalhin ni Cavin.

Nakita ni Niana ang malaking picture frame ni Cavin kasama ang mga magulang na nakasabit sa gitnang bahagi ng living room kung saan may mataas na ceiling at crystal na chandelier. Para din siyang nanlulula sa laki ng bahay na punong-puno ng muwebles.

Bumaling din ang tingin niya sa mataas na kurtinang pumapalibot sa buong living area. Parang kurtina sa sinehan sa sobrang taas.

Maganda ang living room dahil earth tones and neutral ang theme. Mayroong mga halaman at mukhang plantita ang mommy ni Cavin. Iba't ibang klase pa at parang mayroong maliit na puno sa loob ng bahay.

"I'll wait here." Sumandal si Cavin sa pader na nasa tabi ng comfort room para sa mga bisita.

Kahit si Cavin mismo, nakararamdam ng kaba dahil sa pinasok niya. Bukod sa dinamay niya si Niana, natakot siyang mabisto ng mga magulang at baka mas bilisan pa ang paghahanap ng mga ito ng puwede niyang mapangasawa.

He shook his head and cringed at the thought of him getting married. That was the last thing he wanted.

Sa obserbasyon ni Niana, ultimo comfort room, may ginto. Lalagyan na lang ng sabon, medyo kumikinang pa.

Nakaupo si Niana sa bowl at umiihi habang ipinalilibot ang tingin sa loob ng comfort room. Walang shower o kahit na ano. Hindi naman siya mukhang tanga o ignorante. Nakakita naman na siya ng mga ganoon sa Pinterest o house tour ng mga YouTuber at artista, pero iba pala sa personal.

Humarap din siya sa salamin at inayos ang sarili. May itsura naman siya, pero hindi siya ka-level ni Cavin kaya naman hindi niya alam kung anong demonyo ang pumasok sa utak ng binata.

Married, Concealed, Appealed (East Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon