New York

100 4 0
                                    

Madison Square Garden, New York City. Ang pinakatanyag na basketball court sa buong mundo.


Mayroong mahigit dalawampung libong manonood na nagtatayuan.


Dumadagundong ang palakpakan, tilian at hiyawan.


"MVP!MVP!MVP! MVP!"

Kaliwa't kanan ang mga litrato at jersey....Nagkalat ang mga karatola na nagpapahiwatig ng paghanga...I love you, Marry Me..The NBA Superman, Basketball Superstar, My Future Husband....


Ganito ang uri ng pagtanggap ng mga tagahanga sa kasalukuyang pinakasikat na basketball player.


"Jerome, andito na naman tayo sa walk-out interview na ito. Isa na naman 40 points game para sayo ngayong gabi, wow! Ano ang masasabi mo sa laro mo ngayon?"


"Gusto ko uling magpasalamat sa Diyos at ipinagkalooban nya ulit ako ng isang magandang laro ngayong gabi. Lahat kaming magkakateammates ay nagsumikap upang mapapanalo ang laban, natutuwa kami dahil maayos naming na-execute ang mga bilin ng aming mga coaches." mapagkumbabang sagot ni Jerome habang kinakapos pa rin sa kanyang paghinga at patuloy sa pagpunas ng tumatagaktak na pawis sa mukha


"Ano naman ang mensahe mo sa iyong mga tagahanga na talaga naming halos magiba na ang buong arena sa lakas ng hiyawan sa tuwing ikaw ay nakakapuntos?"


Nagbigay ng isang matamis na ngiti si Jerome. Iniikot niya ang kanyang mga paningin at kumaway sa kanyang mga naghihiyawang tagahanga.

"Maraming maraming salamat sainyong lahat. Isa kayo sa mga inspirasyon, dahilan at nagbibigay lakas sa aming team para pagbutihin namin ang aming paglalaro. Hindi kami magsasawang bigyan kayo ng magagandang laban."


"Maraming salamat Jerome at goodluck sa susunod nyong laro" nakangiting pagtatapos ng reporter.


"Maraming salamat din sayo." sabay lakad niya patungong locker room habang panaka-nakang iniaabot ang mga kamay sa mga sumasalubong na mga fans na nais syang makadaupang palad.


Siya si Jerome Hernandez, dawalampu't apat na taong gulang, isang uri ng lalaking halos katumbas na ng katagang perpekto. Gwapo, matalino, mabait, mapagkumbaba, napakagaling sa larangan na kanyang napiling karera at nakapagtapos sa Harvard University.


Ikalawang taon pa lamang ng paglalaro ni Jerome sa NBA ngunit mabilis itong sumikat dahil sa taglay nitong mga katangian na bibihirang makita sa kultura ng NBA. Hindi na lingid sa kaalaman ng mga tagapanood ng basketball na karamihan sa mga manlalaro ng naturang organisasyon ay mga basagulero, babaero, mayayabang, punung puno ng mga tattoo sa katawan at halos karamihan sa mga ito ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral. At ang lahat ng mga ito ay kabaliktaran ng pagkatao ni Jerome, kaya't nang magsimula itong maglaro bilang isang rookie sa koponan ng New York City ay marami kaagad ang humanga at sumuporta dito.


Mas lalo pang nadagdagan ang kasikatan ng basketbolista nang nagawa nitong papanalunin ang karamihan sa kanilang mga laban at naipasok ang kanyang koponan sa playoffs, kung saan ang huling karanasang makapasok sa playoffs ay halos labindalawang taon na ang nakalilipas. Dahil dito, tinitingala ang lalaki ng mga New Yorkers bilang tagasalba ng noon ay naghihingalo nilang basketball team.



Naging isang malaking NBA story si Jerome. Sa unang dalawang buwan niyang paglalaro ay dalawang beses at magkasunod na naging cover siya ng Sports Illustrated. Nailathala rin ang kanyang pangalan sa daan-daang mga newspapers, internet. Madalas siyang nagiging trending sa mga social networks at paksa ng mga sports analysts habang kaliwa't kanan naman sa pag-ere ng kanyang mga basketball highlights ang iba't ibang mga sports channels.


[SPG] FAST BREAK Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon