Basketball

19 1 0
                                    

Isang oras nang naglalarong mag-isa sa basketball court si Sandra habang pasilip-silip sa malaking bintanang salamin at patingin-tingin sa pintuan. Pawisang-pawisan na siya at nakakaramdam na ng pagod. Maya-maya lang ay binitawan niya na ang bola. Naisipan nya nang tumigil. Ngunit habang nagpupunas ng pawis ay nakarinig sya ng mga yabag at pag-uusap. Nabobosesan nya ang magkaibigang kapitbahay.

Nagmamadaling itinapon niya ang tuwalya sa sahig. Dinampot niya ulit ang bola at  nagkunwaring seryoso sa pagdidribol at pagpapa-shoot .

Nang papasok na sa pintuan ang magkaibigan ay biglang nagpaalam si Justin kay Jerome. Nagmamadali itong umalis na tila may emergency na pupuntahan. Tumungo naman si Jerome sa bakanteng ring at nagsimulang maglaro nang hindi binabati si Sandra. Naisip nitong mas makakabuting huwag ng istorbohin pa ang mailap na kapitbahay.

 

Palihim na sinusulyapan ni Sandra ang kinaroroonan ni Jerome. Sinadya niyang itapon ang bola malapit sa kinatatayuan nito. Nagkunwaring hinabol nya ang bola at nang makita nyang napatingin sa kanya ang binata ay kusa nya itong nginitian. Pagkakuha ng bola ay nagkunwari ulit syang seryoso sa pagdidribol subalit hindi sya umalis sa kinatatayuan malapit sa lalaki. Maya't maya nya pa ring pilit nginingitian ang binata sa tuwing napapatingin ito sa kanya.

 

"May sasabihin ka ba?" hindi nakatiis na tanong ni Jerome na kanina pa nakakahalata sa kakaibang ikinikilos ng babae.

" Nagpapahingi si Jessica ng jersey mo." walang pag-aalinlangang sabi ni Sandra.

 

"Totoo? Pwede ko bang i-confirm yan sa kanya?" pabirong wika ng binata na lihim na natuwa sa narinig.

 

"Oo naman! Yan nga ang sinabi ko sa kanya na sya na lang ang manghingi sayo kaya lang nahihiya ang kaibigan ko at hindi nya daw sigurado kung kelan ulit kayo magkikita. Ah at saka pirmahan mo nga rin daw pala."

 

"Okay." maiksing sagot ng binata at ipinagpatuloy ulit nito ang paglalaro.

 

Hindi pa rin umalis si Sandra sa kinatatayuan at tuloy pa rin ito sa pagkukunwaring pagdidribol ng seryoso. Ilang sandali pa ay lumapit ulit dito ang nakakahalatang binata.

"May sasabihin ka pa ba?" tanong ulit ni Jerome.

 

"Hmmm...gusto mo bang makuha ang number ni Jessica?"

 

"Meron na ako."

 

Nagulat si Sandra sa narinig. "Huh, paano mo nakuha? Sigurado ka number nya yun?"

 

"Nagkita kami sa isang charity event, binigay ng sekretarya nya."

 

"Ahhh.." sabay tango ng babae habang nag-iisip ng susunod na sasabihin.

 

"Napansin kong wala ka pa ng bagong libro ni Jessica...gusto mo magkaroon nito?"

 

"Nakabili na ako."

 

"Gusto mo hingin ko ulit ang autograph niya?"

"Ako na lang ang personal na hihingi."

"Gusto mo papuntahin ko bukas si Jessica para mapirmahan nya kaagad?"

[SPG] FAST BREAK Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon