"Pwede ba akong pumasok gusto ko silang makita?"
Masigla itong sinamahan ng bata papasok ng kanilang bahay.
Lumabas mula sa kuwarto ang mga magulang ng bata. Nagulat ang mga ito sa estrangherong pumasok sa kanilang bahay. Nataranta ang mga ito at bago pa man mapaalis ng bahay, dumukot ang estranghero sa kanyang bag at naglabas ng baril. Sa isang iglap lang ay walang awang pinagbabaril nito ang mag-asawa.
Nagtago ang bata sa tabi ng isang silya at umiyak ng malakas nang makita ang duguang mga magulang.
Hinanap ng lalaki ang bata at nang makita ay kaagad itong dinampot. Tumakas ang mama habang karga-karga ang bata. Walang tigil ito sa pagtakbo.
Narinig ng bata na may mga taong naghahanap sa kanila subalit hindi pa rin tumitigil ang lalaki sa pagtakbo. Hanggang sa marating nila ang isang masukal na lugar.
Dito ay ibinaba ng lalaki ang bata at umatras papalayo ng ilang hakbang. Kinuha nito ang baril...itinutok sa ulo...at nagbaril ng sarili.
------
Nagmulat si Sandra ng mga mata. Nakita nya ang puting ilaw sa kisame. May iba't ibang ingay sa paligid. Dahan-dahan nyang inikot ang paningin. May mga naglalakad na nakasuot ng puting uniporme. Lumingon sya sa kanyang kanan at nakita ang isang nakasabit na dextrose. Nakaupo naman sa tabi nya si Justin at biglang itong nataranta nang makitang gising na siya.
"N-Nasaan ako?"
Sinubukan niyang bumangon ngunit pinigilan siya ni Justin.
"Andito ka sa emergency room ng isang hospital. Huwag mong piliting kumilos. Sandali lamang at tatawag ako ng doktor." mabilis na tumayo ang lalaki at nagtungo sa nurse station.
Napabalikwas siya ng upo matapos marinig ang salitang hospital. Tatayo na sana siya ngunit nakaramdam sya ng pananakit sa kanang kamay. Napatingin siya sa kamay at nakita ang puting bendang nakabalot dito.... Bigla nyang naalala ang mga nangyari.
Bumalik naman kaagad si Justin matapos tumawag ng doktor. At nagmadali itong lumapit nang makitang pilit tumatayo ang dalagang binabantayan.
"Sandra please huwag ka munang gumalaw. Hintayin natin ang doktor."
Nagkunwaring tumawa si Sandra.
"Wala ito, wag kang mag-alala. Ganito lang talaga ako minsan pagnakaka-inom ng alak... Kanina pa ba ako dito?"
"Mga dalawang oras ka ring nawalan ng malay."
Nagpalingon-lingon sa paligid si Sandra na tila may hinahanap.
"Nasaan si Jessica? Bakit ikaw ang naririto?"
"Nasa kotse, magkasama sila ni Jerome. Magkakasama kaming nagdala sayo dito pero ako na lang ang nagpasok sayo dito sa loob baka magkagulo lang ang mga tao pag sumama pa sila."
BINABASA MO ANG
[SPG] FAST BREAK
HumorKapag ang pag-ibig ay dumating sa buhay mo, ituturing mo ba itong parang isang bola na pwede mong itapon at ipasa sa iba? O susubukan mong angkinin at makisabay sa agos ng paglalaro? Anuman ang iyong kasagutan, ang laro ng pag-ibig at laro ng bola a...