Tamis at hapdi ng pasasalamat

32 1 0
                                    

Nakasubsob si Jessica sa mesa. Yumuyugyog ang balikat. Dumadaloy ang itim na mascara kasabay ng mga luha. Hindi alintana ang hindi nababagay na pagkakaupo para sa suot na eleganteng designer's gown. At patuloy lamang ito sa tahimik na pag-iyak.


Wala ng tao sa magara at malawak na lugar maliban sa kanya. Nag-uwian na ang lahat ng mga bisita. Lahat ay nawalan na ng pag-asa na darating pa ang taong kanilang hinihintay.



Tahimik na nakatayo si Jerome sa pintuan. Ilang saglit niyang pinagmasdan ang nakasubsob na kasintahan. Dahan-dahan niya itong nilapitan. Kinuha niya ang kamay ng dalaga na noon ay nagulat sa kanyang walang ingay na pagsulpot.


"Jerome? Anong nangyari sayo? Bakit ngayon ka lang dumating?"


Hindi siya sumagot. Sa halip ay tinulungan niyang tumayo ang dalaga at inalalayan itong maglakad patungo sa  minamanehong sasakyan. Pinaandar niya ang kotse at tahimik na nagmaneho. Nag-ikot sila sa lungsod nang walang anumang binibitawang mga salita...


Pinarada ni Jerome sa tahimik na lugar ang sasakyan.  Nanatili ang magkasintahan sa loob ng kotse. Ilang beses nagbuntong-hininga ang binata habang diretso lamang ang mga mata. Samantalang kinakabahan naman si Jessica.


"Meron pa ba akong hindi nalalaman tungkol kay Sandra?"

 

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Jessica. Hindi siya makapaniwala sa tanong ng kasintahan.


"Jerome, hindi ka sumipot sa engagement party. Hindi mo ako kinakausap ng ilang oras. Tapos ang unang lalabas sa bibig mo ay ang pangalan ni Sandra."



"Meron ka bang gustong sabihin tungkol sa pagsusulat ng kaibigan mo?"


 

Nanlaki ang mga mata ni Jessica. Pansamantala itong hindi nakapagsalita.



"Je-jerome. Bakit ka nagtatanong tungkol sa ganyang bagay? May sinabi ba sayo si Sandra?"

 

"Pinuntahan ko si Sandra. Nakapasok ako sa loob ng bahay at may mga nabasa akong ayaw kong paniwalaan Jessica."




Muling natahimik si Jessica. Sinusubukan niyang magsalita ngunit tila walang boses na gustong lumabas sa kanyang bibig.


 

Tinitigan ni Jerome ang babae. At unti-unting tumigas ang mukha niya.

 

"Paano niyo nagawa ito Jessica? Paano niyo nagawang lokohin ang mga tao? Paano niyo nagawang dayain ang isang tagahangang katulad ko?!"



Tuluyan ng walang maisagot si Jessica. Nagsimula na lamang mangilid ang kanyang mga luha. Hindi niya alam kong papaano ipapaliwanag ang lahat.



Lumabas ng sasakyan si Jerome. Hindi siya makahinga sa sama ng loob. Pakiramdamdam niya ay paulit-ulit siyang napaglaruan.



Sinundan siya ni Jessica at nagsimula itong magmakaawa.



"Magpapaliwanag ako, Jerome. Kinausap ko na si Sandra. Sinabi ko nang ititigil na namin ang lahat ng ito."



"Hanggang saan ang kayang ibigay sayo ng kaibigan mo? Hanggang saan ang kaya mong hingin kay Sandra, Jessica?"



"Nagkakamali ka Jerome. Hindi ko ito hiningi kay Sandra, maniwala ka. Siya ang may gusto ng lahat ng ito. Siya ang humiling tungkol sa bagay na ito. Maniwala ka."



[SPG] FAST BREAK Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon