Laro ng Puso

16 1 0
                                    


                                                                   

                                                                  ****

Naalimpungatan si Sandra. Dahan-dahan nyang idinilat ang kanyang mga mata. Pagmulat ay kaagad niyang nakita ang mukha ng nakaupong natutulog na kapitbahay. Maingat syang bumangon mula sa mga hita nito at tumingin sa tahimik na paligid. Napatingin siya sa suot na relos, alas dos na ng madaling araw. Ilang oras ba syang nakatulog?

"Mabuti at nagising ka na?"

Napalingon siya sa lalaki. Naalala niya ang mga nangyari. Bigla siyang nahiya sa kapitbahay. Pakiramdam niya ay masyado niya itong naabala at nagawa pa siya nitong samahan hanggang sa mga oras na iyon.

"Maayos na ba ang pakiramdamdam mo?"

Tumango siya. "Salamat. Pasensiya ka na at naabala kita. Iniwan mo na lang sana ako nung nakatulog ako."

Tumayo siya para bumalik na sa kanyang unit. Ngunit nang humakbang sya ay pinigilan ni Jerome ang isa niyang kamay.

 

"Ikaw ba?" tanong nito sa kanya.

Hindi siya makasagot. Naguguluhan siya sa tanong ng kapitbahay.

"Ikaw ba ang dahilan ng mga kalungkutan na nararamdaman ko mula sa mga libro?"

Unti-unting nanlaki ang mga mata niya.

 

"Ikaw ba?...ikaw ba ang anino na binabanggit ng paborito kong libro?"...

 

"Ikaw ba?...ikaw ba ang pinaghuhugutan ng mga isinusulat ni Jessica?"

Hindi pa rin siya sumagot. Sa halip ay tinanggal niya ang kamay mula sa pagkakahawak ni Jerome. "Pakiusap Jerome, huwag mo muna akong kausapin. Gusto ko pang magpahinga."

Dali-dali siyang naglakad papalabas ng rooftop habang pilit itinago ang biglang naramdamang kaba dahil sa mga tanong ng kapitbahay...

                                                                          -----

Binasa ni Sandra ang pangalan ng building. Sinisigurado kung yun nga ang gusali ng opisina ng kaibigan. Matagal na silang hindi nag-uusap ni Jessica, simula pa noong nagkaroon sila ng pagtatalo. Gusto nyang makita at makausap ang kaibigan...bago sya umalis ng New York.

Sumakay siya sa elevator at ng papasara na ito ay biglang humabol ang dalawang babae. Natatandaan nya ang mukha ng isang babaeng kulay dilaw ang buhok. Ito ang sekretarya ng kaibigan kasama nito ang sa tingin niya ay kasamahan din nito sa trabaho.

"Mylene handa na ba ang isusuot mo sa party para bukas?"

"Ay oo naman girl! Pinaghandaan ko talagang mabuti yan. Ilang araw akong hindi nakatulog sa kakapili ng design. Lahat na yata ng pagri-research ginawa ko. Inaasam-asam ko talaga na this time sana may matisod na akong prince charming at sana si Mr. Clark Montecastro yun eeeeiiii kinikilig ako sobra!"

 

"Grabe ang yaman-yaman talaga ng Bluestar no? Imagine mo sa party pa lang na inihanda nila kay Ma'am Jessica eh milyon-milyon na ang halaga!"

 

"Ay mayaman talaga girl! At huwag kang mag-alala pag napangasawa ko si Clark Montecastro, pamamanahan kita!"

 

"Pero di ba Mylene, malaki dati ang problema natin sa Bluestar? Bakit parang nabaligtad yata ang mundo ngayon?"

[SPG] FAST BREAK Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon