*****
Sinundo ni Jerome si Jessica sa location ng pictorial nito. Bagamat may kalayuan, nangako siya sa kasintahan na pupuntahan niya ito pagkatapos ng kanyang ensayo. Dahil sa personal na pinagdadaanan, sinusubukan niyang dagdagan ang atensyong itinutuon nya sa girlfriend.
Papalapit na rin ang NBA playoffs kung kaya't gusto niyang samantalahin ang may kaluwagan niya pang schedule para makasama ang dalaga. Pag nagsimula na kasi ang playoffs ay dobleng oras at konsentrasyon na ang dapat nyang gugugulin sa pag-eensayo at paglalaro dahil malakas ang pagnanais nyang makapasok ang team nila sa finals.
Medyo may kalayuan at remote ang lokasyon ng pictorial ni Jessica. At nang makaramdam sila ng gutom ay sa isang simple, tahimik at di-kilalang restaurant lamang sila napunta. Iilan lamang ang kustomer sa dito at bagama't may mga pailan-ilang nakakilala sa kanila subalit hindi naman sila gaanong pinagkakaguluhan.
"Malapit na akong malito sayo kung writer ka pa ba o model na." biro ng ni Jerome sa kasintahan habang kumakain.
"Tinatanggap ko pansamantala ang mga offers sa akin. Kasama na rin ito sa promotion ng libro ko... Pasensiya ka na medyo naghintay ka pa ng matagal. Masyado kasing mabusisi ang photographer eh."
"Walang problema kahit hanggang hatinggabi hihintayin kita."
"Wow ang sweet naman ng boyfriend ko."
"Ngayon mo lang ba napansin yan...kelan ba ako hindi naging sweet sayo."
"Kanina."
"Kanina? Bakit anong ginawa ko?"
"Maya't maya kang nakikipag-usap sa mga babaeng staff!"
"Hindi lang naman mga babae ang kumakausap sa akin sa set nyo ah. At saka kinakausap nila ako pangit naman kung hindi ko sila kakausapin."
Nakangiting pinisil ni Jerome ang pisngi ng nagseselos na girlfriend. "Mukhang napapadalas yata ang pagseselos mo nitong mga huling araw. Siyempre hindi ko ipagpapalit ang napakaganda at mahal na mahal kong girlfriend sa sinumang babae."
Natigilan ng sandali si Jessica sa sinabi ng boyfriend. Napakasarap nitong pakinggan. Napakasarap paniwalaan. Tiningnan nya ang nakangiting mukha nito. Gusto niyang itanong kung kasama ba ang kanyang kaibigan sa tinutukoy nitong sinumang babae. Alam nyang mahal siya ng binata ngunit hindi siya napapakali hangga't meron itong kakaibang ikinikilos pagdating kay Sandra.
Napatingin si Jerome sa maganda at tahimik na tanawin sa labas ng kinakainang restaurant. "Nakaka-miss ang ganitong buhay. Tahimik. Nakakain tayo sa labas ng walang gaanong pumapansin... Pagkatapos ng NBA season na to Jessica sana makapamasyal tayo sa isang maganda at tahimik na lugar. Doon sa walang gaanong nakakakilala sa atin, yung magagawa natin lahat ng gusto nating gawin."
"Yan ang isang bagay matagal ko nang gustong gawin. Ang huling adventure ko pa yata ay yung minsang nag-mountain climbing kami ni Sandra at nag-camping kami ng tatlong araw sa tuktok ng bundok. Halos seven years ago na yata yun kasi kababalik lamang nya nun galing sa matagal nyang paglalayas..." ibinaba ni Jessica ang hawak na kobyertos at biglang nangalumbaba ng nakangiti. "Nakakatawa nga ang kaibigan kong iyon sa camping namin. Hindi sya natatakot sa mga ahas, malalaking butiki o bayawak. Minsan hinuhuli nya pa ang mga ito at ginagawa nyang panakot sa akin. Pero alam mo ba kung ano ang panakot ko sa kanya?"
"Ano? Palaka? Bubuyog?"
Paulit-ulit na umiling si Jessica. "Tutubi at tipaklong!" sabay tawa niya ng malakas. Tuwang-tuwa siya habang inaalala ang hitsura ng kaibigan kapag nakakakita ng mga sinasabi niyang insekto.
BINABASA MO ANG
[SPG] FAST BREAK
HumorKapag ang pag-ibig ay dumating sa buhay mo, ituturing mo ba itong parang isang bola na pwede mong itapon at ipasa sa iba? O susubukan mong angkinin at makisabay sa agos ng paglalaro? Anuman ang iyong kasagutan, ang laro ng pag-ibig at laro ng bola a...