May dalawang nakaparadang tour bus sa harap ng Dream High. Lahat ng kasama sa outing ay nakasakay na sa loob maliban kay Sandra na noon ay nakatayo pa rin sa labas. Bumaba sa isang bus ang naiinis ng si Jessica.
"Sandra ano ka ba? Nakakahiya kay Jerome, isang oras na tayong naghihintay! Hindi na darating si Clark! Baka sumunod na lang iyon kasi hiningi niya naman sa akin ang address!"
"Sandali lang Jessica. Hintayin natin. Fifteen minutes na lang."
"Fifteen minutes na lang talaga ha. Kapag hindi ka pa umakyat ay bubuhatin na kita dyan sa kinatatayuan mo at ako na mismo ang magsasakay sayo dito sa bus!"
Bumalik sa loob ng bus si Jessica at muling tumabi sa boyfriend. "Pasensiya ka na Jerome, fifteen minutes na lang daw. Ang tigas ng ulo ng kaibigan kong iyan. Umaasa pa rin talagang darating si Clark."
Sinilip ni Jerome mula sa bintana ang kapitbahay. Hawak-hawak nito ang telepono habang paulit-ulit na tumatawag ngunit halatang walang sumasagot sa mga tawag nito. Maya't maya rin itong tumitingin sa daan at sa relos.
"Madalas ba itong mangyari sa kaibigan mo?" tila kaswal na tanong niya.
"Ano pa ba ang inaasahan niya sa isang presidente ng malaking kumpanya! Syempre kahit nakapangako sa kanya ang tao eh hindi pa rin maiiwasan na may mga emergency na maaring mangyari sa trabaho na hindi nito pwedeng ipagpalibang huwag asikasuhin. Alam naman niyang minsan ay hindi hawak ng boyfriend niya ang oras nito."
Pagkalipas ng labinlimang minuto ay matamlay na umakyat si Sandra sa bus. Tahimik itong naupo sa tabi ni Missy at huminga ng malalim.
"Ano Sandra pwede na ba tayong umalis?"
Lumingon sa likuran niya si Sandra at matamlay na tumango sa kaibigan. Palihim namang tinitingnan ni Jerome ang malungkot na babae.
"Huwag kang mag-alala Sandra, susunod yun si Clark. Syempre pababayaan ka ba naman nun na magbakasyon ng tatlong araw na hindi siya kasama." pampalubag loob na sambit ni Jessica nang mapansin ang malungkot na mukha ng kaibigan.
Sinagot lamang ni Sandra ng tipid na ngiti ang kaibigan. Alam niyang pinapagaan lamang nito ang pakiramdam niya. Pero katulad niya, alam na rin nito na may posibilidad na maaaring hindi na siya siputin ni Clark.
Sinimulang paandarin ng driver ang makina at nagpatutog ito ng mga pambatang kanta.
"Sandali!" sigaw ni Jerome.
Tumayo si Jerome at lumapit sa driver. Binusisi niya ng mabuti ang mga kanta. Gusto niyang makasiguradong may isang kantang hindi mapapatugtog. At nang matapos tingnan lahat, saka lamang siya bumalik sa tabi ni Jessica. Tiningnan naman siya ng girlfriend ng may nagdududang mga mata.
"Gusto ko lang makasiguradong magiging maayos ang byahe natin." pabulong na paliwanag niya.
Sa gitna ng byahe ay madalas niyang nakawan ng tingin si Sandra. Matamlay pa rin ito at maya't maya pa ring tumitingin sa telepono na halatang nag-aabang ng text at tawag...
BINABASA MO ANG
[SPG] FAST BREAK
HumorKapag ang pag-ibig ay dumating sa buhay mo, ituturing mo ba itong parang isang bola na pwede mong itapon at ipasa sa iba? O susubukan mong angkinin at makisabay sa agos ng paglalaro? Anuman ang iyong kasagutan, ang laro ng pag-ibig at laro ng bola a...