Epilogue

55 1 0
                                    

"Mr. Jerome Hernandez anong masasabi mo ngayon sa hindi mapigil na pagsikat ni Sandra? Hindi ka ba naapektuhan sa mga nadadaanang kaliwa't kanan niyang mga billboards? Mukhang hindi na rin siya magpapahuli sa iyo sa dami ng mga endorsements na kanyang ginagawa."


"Ang masasabi ko lang ay inihahanda ko na ang aking sarili. Nararamdaman kong darating ang isang araw ay tatawagin na lang akong Mr. Sandra Mariano."


Nagtawanan ang lahat ng tao sa studio.


"Napakahirap paniwalaan ng love story niyo ni Sandra. Sa kasagsagan ng kasikatan ng librong 'Fast Break' ay biglang nagpakilala ang misteryosa nitong may akda. Lumabas ang isang Sandra Mariano. At kasabay nito ay ginulat nyo lalo ang buong mundo nang ipakilala mo siya bilang iyong kasintahan...."


"... Para bang nakakagulat na biglang sumulpot ang isang babae na nagmamay-ari ng librong pinagkakaguluhan ng lahat at kasabay nito ay siya rin palang nagmamay-ari ng puso ng lalaking pinapangarap ng lahat ng mga kababaihan. Papaano ba nagsimula ang lahat sa inyong dalawa?"



"Unang-una hindi po siya biglang sumulpot na lamang sa buhay ko. Kung alam niyo lang ang mga pinagdaanan ko para mapaibig ang isang Sandra Mariano ay baka maawa kayo sa akin..."


Muling nagtawanan ang mga tao.


"...katulad din po kami ng mga normal na relasyon na humarap din sa maraming problema at pagsubok bago naging maayos ang lahat. Tungkol naman sa pagpapakilala niya bilang writer ay pinagplanuhan talaga namin ng maiigi ito dahil dati ay masyado syang pribadong tao. Hindi nga ako makapaniwala ngayon kung parehong babae pa ba ang kasama ko."


"Jerome pagkatapos ng 'Fast Break' ay muling naglabas ng dalawang libro si Sandra at alam naman natin na ito ang dahilan kung bakit mas lalo pa siyang sumikat. Sa kasagsagan ng kanyang kasikatan, sa mga panahong maaaring sinisimulan pa lamang niya i-enjoy ang rurok ng katanyagan.... Bakit doon niyo naisipang magpakasal?"


Muling nagbiro ang basketbolista.



"Mahirap na baka maagaw pa ng iba!"



Nagtawanan ulit sa loob ng studio.



"....Hindi naman namin ginagawa ang lahat ng ito para sa kasikatan. Kaya namin ginagawa ito dahil ito ang mga bagay na gusto naming gawin. Kung kaya't ki sikat o hindi, wala kaming pakialam basta't ang mahalaga ay makasal kami."



"Mga kaibigan ngayon naman ay tawagin natin ang napakagandang misis ni Jerome Hernandez para samahan ang kanyang mister. Walang iba kundi si Sandra Mariano-Hernandez!"



Nagpalakpakan at tumayo ang lahat ng tao sa studio. Nakangiting pumasok sa set si Sandra. Tumayo si Jerome at humalik sa mga labi ng asawa.


"Magandang araw sayo Ms. Sandra!"


"Magandang araw din sayo!"



"Jerome napakaganda ng asawa mo. Ikaw naman bakit hindi mo man lang binigyan ng pagkakataon ang mga kalalakihan na pangarapin muna si Sandra bago mo ito pinakasalan."



"Doon din yun pupunta kaya ginawa ko na ito bago pa man sila masaktan."



Nagtawanan ulit ng malakas ang mga tao.


"Sandra sa tingin ko ay parang hindi ka lamang sa pagsusulat magaling. Pati sa maraming bagay ay nakukuha mo ang atensyon ng mga tao. Sumisikat ka rin bilang endorser at model. Totoo ba ang balita na gagawa ka na rin ng musical play?"



Tumingin si Sandra sa asawa at ngumiti.


"Dapat sana ay susubukan kong gumawa ng musical. Subok lang naman siyempre ang pagsusulat pa rin ang priority ko. Pero napag-usapan namin ni Jerome na hindi ko na muna ito gagawin kung kaya't hindi po muna ito matutuloy."

 

"Mahigit isang taon na kayong kasal. Meron ba kayong mga bagong plano?"

 

Nagkatinginan ang mag-asawa. Si Jerome ang sumagot sa tanong.


"Sa ngayon ay magpapahinga muna si Sandra. Hindi muna siya tatanggap ng anumang mga projects. Pansamantala rin siyang hindi magsusulat..."



Hinawakan ni Jerome ang palad ng kanyang misis.



"Hon, sabihin mo nga sa kanila kung gaano ka katagal magpapahinga."

 

Ngumiti si Sandra at masayang hinanap ng mga mata ang kamera.

 

"Nine months."



Nagkaroon ng kaunting katahimikan hanggang sa unti-unting nagpalakpakan at nagtayuan ang lahat ng mga manonood.


Matapos ibahagi sa publiko at mga tagahanga ang isang magandang balita ay hinalikan ni Jerome sa mga labi ang asawa at matamis na nagyakapan ang mga ito. Parehong humarap sa mga manonood ng may mga ngiti sa mukha habang nakahawak ang sikat na baskebolista sa tiyan ng kanyang misis. Kumaway ang mga ito bago tuluyang tumalikod sa lahat ng mga pumapalakpak na mga tagahanga.


                                                                    (END)

-------------------------------------------------------------------------------

MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA PAGBABASA! :)

************************************************
STORY END
*******************************************
******

[SPG] FAST BREAK Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon