PAGKALIPAS NG MAHIGIT ISANG TAON.....
"Magandang araw po sa lahat ng mga tagapanood. Hindi na po lingid sa ating kaalaman kung gaano kasikat ngayon ang librong 'Fast Break'. Nagkakaubusan, pinipilahan at pinag-aagawan ito ng mga mahihilig magbasa. Subalit mayroong nanatiling misteryo sa librong ito. Sino nga ba ang author nito? Bakit ito nagtatago sa isang alyas lamang?..."
"..Mga kaibigan para samahan tayo upang magbigay sa atin ng kaunting background at paliwanag tungkol sa biglang sikat na librong 'Fast Break'. Taos puso po nating i-welcome ang presidente ng Lopez House Books, Ms. Jessica Lopez!...."
"...Magandang araw sayo, Ms. Lopez!"
"Magandang araw din sayo."
"Ms. Lopez nagretiro ka bilang isang manunulat upang maging isang full-time publisher. Napakahusay mong writer pero bakit mo naisipang ipagpalit ito at magtayo na lamang ng isang publishing company?"
"Dumating lang po ang punto sa aking buhay na napagdesisyunan kong itigil na ang pagsusulat ko. Subalit ayokong biguin ang aking mga naging tagahanga kung kaya't hindi pa rin ako tuluyang humiwalay sa trabaho na may kinalaman sa mga libro. Dahil dito ay naisipan kong magtayo ng publishing company para patuloy ko pa rin hong mapagsilbihan ang mga mambabasa kahit sa ibang pamamaraan....Tumigil man ako ay alam kong may magsisidatingan pa ring mga mas mahuhusay na mga manunulat kagaya ng may likha ng 'Fast Break'."
"Jessica, paano mo natagpuan ang author ng 'Fast Break'?"
"Isa siyang espesyal na tao para sa akin. Ngunit masyado siyang pribado kung kaya't itinago ko siya sa ibang pangalan. Sa totoo lang ho ay ibinigay lamang sa akin ng isa ring malapit na kaibigan ang manuskrito ng 'Fast Break' at siya ang humiling sa akin na ilathala ko ito."
"Nakakapagtaka. Hindi ko lubos maisip kung bakit ang isang napakahusay na writer na katulad niya ay ayaw magpakilala sa mundo. Speaking of pangalan, bakit shadow lady ang ginamit niyang alyas? Di ba ang Shadow Lady ay isa sa mga sarili mong libro?"
"Ako ang nagbigay sa kanya ng pangalan na iyan dahil pinakapaborito niyang libro sa lahat ang Shadow Lady."
"Sa tingin mo ba ay may pag-asang makilala ng tao ang totoong pagkatao ni Shadow Lady?"
"Hindi ko po masasagot iyan. Pero kung ako ang tatanungin ay ipinagdarasal ko at umaasa akong balang araw ay magpapakilala din siya."
"Jessica sana ay huwag mong masamain ang tanong ko. Kumusta na kayo ngayon ni Jerome Hernandez?"
"Maayos naman po kami. Magkaibigan pa rin kami at paminsan-minsan ay nagbabalitaan o kaya ay nagkukumustahan pag may oras."
"Wala na ba talagang pag-asang magkabalikan pa kayo?"
"Tapos na po ang yugto na yan. Sa ngayon po ay masaya na kami sa kanya-kanya naming buhay. Mas komportable na kami sa isa't isa bilang magkaibigan."
"Totoo ba ang mga bali-balitang madalas kayong lumalabas ng presidente ng Bluestar na si Mr. Clark Montecastro?"
"Hahaha! Maaring may mga paparazzi pictures kami pero mga kuha lang ho iyon kapag meron kaming business meeting. Matagal ko na pong kakilala si Mr. Montecastro at medyo mas napapadalas lang kaming magkita lately dahil sa pagiging exclusive distributor nila ng librong 'Fast Break'. Yun lamang po at wala na pong ibang kahulugan."
"Napakagandang balita yan para sa mga kalalakihan. Available na available na ulit ang isang Jessica Lopez. Mayroon na naman kayong pag-asa!"
BINABASA MO ANG
[SPG] FAST BREAK
HumorKapag ang pag-ibig ay dumating sa buhay mo, ituturing mo ba itong parang isang bola na pwede mong itapon at ipasa sa iba? O susubukan mong angkinin at makisabay sa agos ng paglalaro? Anuman ang iyong kasagutan, ang laro ng pag-ibig at laro ng bola a...