*************************************
[13] ANO KA NGA BA SA PUSO KO?
*******************************************
****
Kanina pa masama ang tingin ni Jerome sa kausap. Malayo ang tinatakbo ng kanyang utak mula sa pinag-uusapang paksa. Hindi ito nakikinig sa mga paliwanag ni Mr. Tan tungkol sa plano ng gusali para sa itatayong foundation. Nakatitig lamang ito kay Clark habang ang huli naman ay seryosong nakikinig sa paliwanag ng agent.
"Matanong ko lang Mr. Montecastro. Bakit gusto nyong maging sponsor ng foundation ko?"
Sabay na napalingon sa basktebolista ang seryosong nag-uusap na sina Clark at Mr. Tan sa biglaan nitong pagtatanong.
Nagdalawang-isip muna si Clark kung sasagutin niya ang wala sa paksang tanong ni Jerome. "Dahil gusto ko ring makatulong sa mga batang nangangailangan ng tulong." nagtatakang sagot niya sa dito.
Bagama't wala na siyang rason para manatiling maging sponsor ng foundation dahil wala na ang atensyon nya kay Jessica ngunit nagdesisyon pa rin syang ituloy ito. Para sa kanya, maganda ang mga plano ni Jerome kaya hindi masamang suportahan niya ito.
"Ano pa, Mr. Montecastro?"
Napaisip ulit si Clark. "Ahh.. dahil maganda ang mga plano at layunin mo para sa foundation."
"Yun lang ba, Mr. Montecastro? Wala na bang iba?" walang tigil na pagtatanong ni Jerome na noon ay unti-unti nang nagiging sarkastiko ang tono.
"Bakit meron pa bang maaring ibang dahilan sa sponsorship ng Bluestar, Mr. Hernandez?"
"Halimbawa hindi ba dahil sa isang tao?"
Napaisip ulit si Clark hanggang sa unti-unti niyang mapagtanto kung sino ang tinutukoy ng basketbolista. Marahil ay nabanggit dito ni Jessica ang naging usapan nila tungkol kay Sandra. "Walang dahilan para gawin ko syang rason dito Mr. Hernandez. Unang-una ay wala ka namang malapit na kaugnayan sa kanya."
Napangisi si Jerome.
"Ahhh kaya pala kay Jessica ka lumapit. Bakit Mr. Montecastro wala ka bang tiwala sa sarili mong kakayahan?"
"Meron...pero mas gusto ko lang makasigurado. Ganito ako kapag may isang bagay na pinakamimithi. Nakahanda akong gawin ang lahat para lamang makuha ito."
"Hindi ba pambabastos sa pagkatao ni Sandra yang ginagawa mo?"
Tinitigan ng masama ni Clark si Jerome. Nagsisimula na siyang magtaka kung bakit ganun na lamang kung makapagtanong ang basketbolista.
"Wala akong makitang mali sa ginagawa ko. Pambabastos ba ang bigyan ng importansya ang mga taong malalapit sa babaeng gusto ko."
"Binibigyan mo ng importansya pero may kapalit! Hindi isang paninda si Sandra para gawin mong kondisyon kay Jessica! Pag nalaman ito ni Sandra sa tingin mo ba hindi sya masasaktan o maiinsulto man lang?!" mataas na tonong wika ni Jerome.
"Sandali lang Mr. Hernandez...." natatawang tono naman ni Clark. "Pakilinaw mo nga sa akin kung para saan yang ikinakabahala mo. Dahil ba ito sa girlfriend mo na binigyan ko ng ganitong kondisyon upang tulungan ako sa kaibigan nya o dahil ito sa kaibigan ng girlfriend mo na syang kondisyon ko? Alin sa dalawa Mr. Hernandez?"
BINABASA MO ANG
[SPG] FAST BREAK
HumorKapag ang pag-ibig ay dumating sa buhay mo, ituturing mo ba itong parang isang bola na pwede mong itapon at ipasa sa iba? O susubukan mong angkinin at makisabay sa agos ng paglalaro? Anuman ang iyong kasagutan, ang laro ng pag-ibig at laro ng bola a...